Chapter Four: Hatid

1.8K 42 1
                                    


Chapter Four: Hatid

ALYANA's POV

Nagulat ako sa ginawa ni Loureen kanina at lalo naman akong nagulat sa ginawa ni Mark. Hindi ko naman alam na ganun pala kasama si Mark.

Nandito ako sa canteen iniisip parin yung mga nangyari. Teka, masyado na atang nagiging seryoso tong story ahh. Move on na nga.

"Alyana bakit ba kanina ka pa tahimik?!" Tanong ni Monica sa akin. Kasama ko pala sila..

"Siguro may iniibig na yan girl!" Sabi naman ni Yan-yan

"Hahaha wag mong sabihin si Onyok yan!" Sabi ni Monica na ikinatawa nilang dalawa.

"Ano nakakatawa?" Seryosong tanong ko na lalong ikinatawa nila at halos pinagtitinginan na kami.

"Hahahahahahha sa dami daming magugustuhan si onyok pa!" Sabi ni Yan-yan.

Tsk. Si onyok kasi yung kaklase namin na nag kakagusto sa akin na african color ang skin at mataba ito.

"Tsk!" Sabi ko na lang.

"Hahaha tama na nga!" Awat ni Monica

Nag headset na lang ako at nakinig ng mga kanta sa cp ko. Nilakasan ko ito para hindi ko marinig ang mapangasar nilang tawa.

Kinakalabit ako ni Yan yan at may sinasabi sya pero hindi ko maintindihan dahil sa lakas ng music. Tinanggal ko ang headset ko.

"Ano?!" Tanong ko.

"Wala! Kanina pa ako nag sasalita hindi mo naman ako pinapansin!" Sabi nya at tumalikod sa akin.

Binalik ko na lang ulit ang headset ko at hindi na lang sya pinansin.

Mayamaya ay si Monica naman ang kumalabit sa akin at may sinasabi sya. Hininaan ko ang volume at ang mga gaga nag wala namang sinasabi.

Binatukan ko ng malakas si Monica imbis na magalit ay nagtawanan lang ulit sila ni Yanyan. Mga gagang to oh.

"Monica ayun si Migs oh!" Turo ko kay Migs. Wahahahaha ako naman ang mang-aasar ngayon.

Nakita kong namula si Monica.

"Migs!" Tawag ko kay Migs na lalong ikinapula si Monica. Hahahaha it's my turn dude. Nalaman ko lang naman na may gusto sya kay Migs dahil sa kadaldalan ni Yanyan nung kinukwento nila sa akin si Mark at mag bestfriend pala si Migs at Mark..

Lumapit naman samin si Migs at tumabi kay Monica. Hahaha si Monica oh hindi na makagalaw.

"Hi Alyana, Alisha at Monica!" Sabi ni Migs at nag hi naman kami pero si Monica ayun tulala lang sa kanya.

"Alam mo bang may gusto sa---!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil napigilan na ako ni Monica

"Hehehe wala! Ay mali ang gusto nyang sabihin ay anong oras na daw?!" Sabi ni Monica. Tinanggal na nya ang pag katakip nya sa bibig ko at pinandilatan ako.

Tinignan naman ni Migs ang cp nya. Nagulat ako sa nakita kong wallpaper nya. Ako lang nakakita kasi hindi naman sila nakatingin sa cp ni Migs kundi ako lang. Nyahahaha hindi ko muna sasabihin. Walang clue.

"11:34 na Alyana! Sige alis na ako kakain pa kami ni Mark eh! Bye ladies!" Tapos nun ay umalis narin sya.. Kawawa naman si Monica wala na palang pag asa..

Nung malapit na ang klase ay agad na kaming pumunta sa room at tabitabi kaming umupo..

Nag kwekwentuhan lang kami nung biglang lumapit sa amin si Mark at lahat kami ay natulala sa sinabi nya..

"After our last subject hahatid na kita sa inyo!"

Ano daw?




ANG KAKLASE KONG MANYAKISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon