Chapter Seven Part two

1.5K 44 4
                                    

Chapter Seven

ALYANA's POV

"Haaaaay" hikab ko habang nag lalakad papuntang classroom. Inaantok pa ako. Pano ba naman hindi ako nakatulog dahil dun sa nangyari kagabi

Pag dating ko sa room ay nakita ko si Monica at Yanyan nag uusap. Lumapit ako sa kanila at umupo.

"Kamusta ba?" Tanong ni Monica

"Ayos lang. Haaaaaay" hikab ko ulit.

"Puyat ka?" Tanong ni Yanyan.

"Oo eh" sagot ko at sabay sabay kaming napatingin sa pintuan... Si Loureen ay nakakapit kay Mark na parang linta. Sinungaling talaga tong si Mark eh.

"Loureen kayo na ulit ni Mark?!" Tanong nung babaeng kaibigan ni Loureen.

"Hahaha" wow! Tawa lang talaga ang sagot no? Sarap bangasan.

Tinignan ko si Mark at nahuli ko syang nakatingin rin sa akin. Inirapan ko at natawa lang sya sa ginawa ko.

"Mark honey! Sabay tayong kumain mamaya ahh" sabi ni Loureen.

Pinabayaan ko na lang sila at dumukdok sa arm chair ko. Inaantok pa talaga ko dahil sa sinabi sa akin ni Mark kagabi na "You're only mine, baby ko."..

Hindi ako makapag concentrate dahil panay ang tingin sa akin ni Mark. Hallller nasa harapan kaya namin sila tapos katapat ko pa..

Nung vacant na ay inaaya na ni Loureen si Mark pero lumapit ito sa akin.

"Honey, tara na!" Tawag ni Loureen kay Mark pero hindi sya pinansin nito at hinila ako ni Mark papunta sa kung saan man..

"Ano ba! Bitawan mo nga ako" pag pupumiglas ko pero pilit parin nya akong hinihila papuntang rooftop.

Parehas kaming hingal na hingal nung makaakyat kami sa rooftop. Pano ba naman sa tuwing nakakatakas ako sa hawak nya ay tinatakbuhan ko sya at hinahabol nya ako kaya sa pagod ko ay nag pahila na lang ako sa kanya at hinayaan ko na lang sya na hilahin ako.

"What now?" Pag tataray ko sa kanya.

"Eat!" Tapos tinapat nya pa sa akin ang dala nyang paper bag na ngayon ko lang napansin na meron pala syang dala nun.

"Ano? Kakainin ko yang paper bag na yan? Hindi naman ako ganun kapatay gutom at pati yan ay kakainin ko!"

"Stupid!" Sagot nya.

"Aba naman! Sinabihan mo pa akong stupid ee ikaw nga itong ipapakain sa akin ang paper bag na hawak mo!"

Pinitik nya ako sa noo..

"Aba! Sumusobra ka na ahh!"

"Manahimik ka nga!" Sigaw nya.

"Ikaw pa talaga ang naninigaw dyan e ikaw nga itong makikita kong may babae!" Sigaw ko rin sa kanya.

Ngumiti lang sya sa akin na lalong ikinairita ko..

"Bakit ka ngumingiti?!" Tanong ko sa kanya

"Wala! O eto kainin mo yung nasa loob hindi yung paper bag. Masyado ka kasing literal eh!" Sabi nya at binigay nya sa akin yung paper bag pero sinoli ko rin agad.

"Ipakain mo yan sa ex mo. Ay mali sa girlfriend mo pala!" Tumalikod na ako pero hinawakan nya ang balikat ko.

"Selos ka ba?!" Napahinto ako sa sinabi nya..

"A-ano? Selos? Huh! FYI wag kang assuming" sagot ko. Kinuha ko ang paper bag na binibigay nya sa akin.

"Akin na nga yan! Nagugutom na ako" tapos ay umupo ako sa lapag. Wala naman kasing upuan dito eh!

"Haha selos ka no?!" Tanong nya

"Sino nag luto nito?" Pag iiba ko ng topic.

"Sagutin mo muna ako" kinuha nya ang tupper ware na may laman na pag kain. Tignan mo to, pinapakain sa akin tapos kukunin din. Ano to gaguhan?

"Alam mo pwede namang mangarap pero wag lang sagad" inagaw ko sa kanya yung pagkain at binigay naman nya sa akin.

"Talaga?" Tanong nya pero makikita mo sa ngiti nya na nang-iinis sya.

"Masamaba kung ang pangarapin ko ay ikaw?" Tanomg nya.

Nabilaukan ako at buti na lang ay boyscout itong kasama ko.

"Alam mo wag mo na lang sayangin ang oras mo sa akin dahil kahit kailan ay hindi ako mag kakagusto sa isang katulad mo!" Sagot ko sa kanya at tumayo na para umalis..

Pinigilan nya ako at pinaharap sa kanya.

"Tumingin ka sa mga mata ko Alyana!" Utos nito.. Hindi ko sya tinitignan at pilit na inilalayo ang mata ko sa kanya.

"Ayaw mong tumingin sa akin?" Tanong nito na may halong pag babanta.

Hianarap ko ang mukha ko sa mukha nya pero nakatingin ako sa noo nya.

"Kapag hindi ka tumingin sa mata ko hahalikan kita"

Tumingin agad ako sa mata nya. Hindi ko ma-explain kung ano ang mga titig nya sa akin.

"Sigurado ka bang hindi ka mag kakagusto sa akin?!" Tanong nya. Nag nod lang ako bilang sagot.

"Yes or no?!" Tanong nya.

"Y-yes!" Sagot ko.

"Wala akong pakielam!" Matigas na sagot nya

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nya.

"Sisiguraduhin kong kakainin mo yang mga sinabi mo....dahil gagawin ko ang lahat...to make you fall inlove.....with me! "

Nanigas ako sa kinatatayuan ko at para akong tanga na nakanganga dahil sa sinabi nya.

Iniwan nya ako ditong nakatulala. At paulit ulit na inaalala ang mga huling sinabi nya. Ano ba tong mga nasa tummy ko? Parang may mga bulating naglalaro...tsk! Gutom lang to..










ANG KAKLASE KONG MANYAKISTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon