CHAPTER 3- SHE'S BACK

43 1 0
                                    

•Dianara Flare Laemerra•

Tumayo na ako para pumunta sa kwarto niya. Isang araw na rin kaming hindi nagpapansinan simula nang mangyari yun. Akala talaga siguro niya hindi na ko babalik. Walang mangyayari kung makikipagmatigasan ako sa mortal na to kaya naman ako na ang unang lalapit. Bawat hakbang ko sa hagdan ay naaaninag ko ang itsura ko. Isang hakbang na lang ay mararating ko na ang ikalawang palapag pero napahinto ako nang marinig ang isang tinig. Ang ganda. Pamilyar sa akin ang kinakanta niya. Pakiramdam ko ay narinig ko na ito noon. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa kwarto niya hanggang sa makarating ako sa tapat. Lalong naging malinaw sa aking pandinig ang bawat linya ng kanta.
Sigurado ako narinig ko na to.
Idinikit ko pa yung tenga ko sa pinto para mas marinig yung kinakanta niya.

Pilit kong inaalala kung saan ko ito narinig pero hindi ko talaga matandaan. Ipinikit ko ang aking mga mata upang damhin ang himig nito.

Nanumbalik sa aking alaala ang mga panahong kinakantahan ako ng reyna bago matulog. Pero imposibleng alam niya rin ito.

"What are you doing there?"   Nagulat ako nang buksan niya ang pinto.

"Ah...kasi...ano yung kinakanta mo?"

Tiningnan niya lang ako. Okay fine! Patience lang Flare. Nandito ka para humingi ng tawad. Pero hindi talaga maalis sa isip ko yung kanta.

Natatandaan ko na. Iyon ang kantang nakasanayan kong marinig noon. Hindi ako pwedeng magkamali. Pero paano niya nalaman yun?

Nagtungo siya sa baba kaya pumasok na lang ako sa kwarto niya. Pagpasok sa pinto ay makikita mo agad ang bintana, at mula sa bintana ay matatanaw ang gate. Sa kaliwa naman ay may balcony kung saan makikita ang napakagandang hardin nila pag tumanaw ka sa ibaba. Malinis at malawak ang kwarto ni Zach. Binabalot ito ng puti at itim. Habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng kwarto niya ay may napansin akong kung anong bagay na nakalitaw sa nakabukas na drawer. Inaninag ko itong mabuti. Balak ko sanang lapitan pero biglang bumukas ang pinto.

"Anong ginagawa mo?"  Kunot noo niyang tanong. May hawak siyang tasa.

Ang hilig kong magpahuli ngayong araw ha.

"Wala may nakita lang akong pamilyar na bagay dyan sa drawer."

Agad niyang tiningnan yung tinutukoy ko at isinara ito.

"1st rule. Wag na wag mong pakikielaman ang mga gamit ko."  Wika niya nang may pagbabanta. Mabuti na lang at malayo pa ang distansya ko nang maabutan niya. Talagang nacurious lang ako dahil pamilyar ang bagay na iyon, pero baka isa lang yon sa mga normal nilang kagamitan.

"Wala akong pinapakielaman. Nakita ko lang."  Pagtatanggi ko. Sa totoo lang hindi ako sanay na nililimitahan ang kilos ko. Bilang prinsesa ay may karapatan ako sa kahit anong naisin ko. Pero iba ang sitwasyon ngayon, itong Zach na to ang masusunod.

"Mas mabuti nang malinaw ang lahat."  Pagkasabi ay binuksan niya yung sliding door sa balcony at umupo doon. Sinundan ko naman siya.

"Marunong ka palang kumanta."  Pagsisimula ko. Ngayon ko lang siya narinig na kumanta at hindi maipagkakailang maganda ang tinig niya.

Hindi niya ako sinagot. Diretso lang siyang nakatingin sa garden habang iniinom yung dala niya kanina.

"Alam mo pamilyar sakin yung kinakanta mo kanina. Paano mo nalaman yun?"

The Kingdom of JinnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon