CHAPTER 6- Dark Jinns

36 2 0
                                    

Dianara Flare Laemerra•

Nagising ako sa higaan ni Zach. Teka paano ako napunta dito? Inalala ko yung mga nangyari kagabi. Nasa ringside bar ako at nakipaglaban si Zach, tapos nakipagkwentuhan siya sa mga kaibigan niya, then lumabas ako dahil masyadong mausok at ang sakit sa mata ng mga nakikita ko doon. Grabeng lugar yun, hindi ko alam kung paano nila natitiis ang magtagal dun. Marahil ay isa yun sa mga hindi kanais-nais na gawain ng mga mortal. Nakita kong pumasok si Zach na may bitbit na tray at puno ito ng pagkain. Magtatanong pa lang sana ako nang mauna na siyang magsalita.

"You fell asleep inside my car last night. Don't worry I didn't harm you. I just brought you there and sa sofa na lang ako natulog. Oh kumain ka na muna."  Tiningnan ko siya ng makahulugan. Si Zach ba talaga ang nasa harap ko ngayon? Pero natuwa ako sa inasta niya. Kaya naman pala niyang hindi maging masungit eh. Inilapag niya yung tray sa table at kasalukuyang may hinahalungkat sa aparador.

"Hey don't stare at me like that. Wala akong ginawa sayo." Ay. Hindi ko napansin na may salamin pala sa loob kaya nakikita niya pa rin ang ginagawa ko kahit nakatalikod. Nag-iwas ako ng tingin at napangiti sa hindi ko malamang dahilan.

"Anong nginingiti-ngiti mo diyan?" Halos magsalubong na ang kilay niya habang itinatanong yan. Humarap siya sa akin at may isinabit na tuwalya sa kanang balikat niya. Agad ko namang pinigil yung ngiti ko, baka isipin pa niyang nasisiraan na ako.

"Bakit ang bait mo ata ngayon?" Pang-aasar ko. Napataas ang kilay niya sa tanong ko.

"Ngayon lang yan. Just eat that before I change my mind." Pagkasabi ay dumiretso na siya ng banyo. Tumayo na rin ako para kumain baka mamaya ay kunin niya pa kapag nadatnan ito. Habang kumakain ay hindi ko maiwasang isipin kung ano na ang nangyayari sa kaharian. Mabuti na lamang at hindi na muling naulit pa ang panaginip kong iyon. Nang patapos na akong kumain ay biglang umilaw ang bracelet ko pero sandali lang. Bigla akong naalarma. Tumayo ako upang tanawin mula sa bintana kung may kakaiba bang nangyayari, wala naman. Tahimik na nagbabantay ang mga gwardya. I used some spell to see the whole place in my mind. Normal ang lahat. Bakit umilaw yung bracelet ko? Hindi pwedeng magstay lang ako dito. Hindi ko na naubos yung kinakain ko. Bumaba na ako at lumabas ng gate.

Tahimik ang buong kapaligiran. Bihira ang taong dumadaan dito dahil halos lahat ay may sasakyan. Habang naglalakad ay nagmamasid ako. Panay rin ang tingin ko sa life bracelet kung mag-iiba ulit ang ilaw nito. Ilang minuto na rin akong naglalakad pero wala pa rin akong nakikitang kakaiba. Saglit akong nagpahinga sa isang park. Haven Park ang nakasulat sa wooden signage. Walang ibang narito maliban sa nag-iisang matandang lalaki na nakaupo sa isa sa mga bench. Taimtim siyang nagbabasa ng dyaryo pero napansin kong hindi siya gumagalaw. May mali. May kakaiba akong nararamdaman. Lalapitan ko pa lang sana yung lalaki nang makitang nag-iba na pala ang kulay ng suot kong life bracelet, naging itim.

Kasabay nito ang paglabas ng itim na usok sa lalaking kaharap ko. Napaatras ako ng kaunti dahil sa lakas ng hangin. Kitang kita ko kung paano unti-unting nagbago ang mata ng matanda.

Dark jinn

Isa lang ang ibig sabihin nito. Lumalakas na ang pwersa nila. Hindi maaaring makalabas ang Dark jinns sa magical world sapagkat nag-iisa lang ang lagusan palabas at ginamitan ito ng kakaibang spell na tanging isang jinn mula sa ministry of protection lang din ang makapag-aalis. Hindi kaya ito ang panaginip ko? Ang reyna. Alam kong hindi siya pababayaan doon. Marami ang nagbabantay sa White Kingdom, at alam kong hindi rin pahihintulutan ng aking ama at ni Great Majnun na may mangyaring masama sa kanya.

"Crucio"  I casted a torture spell bago pa man siya umatake at para hindi na makalaban. Magkakaibigan dati ang white jinns at dark jinns. Pero simula nang nakawin ni Trour ang Egeiro stone sa Ariaskeen na siyang nagpapanatili sa ganda ng magical world ay nagbago ang lahat. Nawala ang kulay nito. Nawala ang ningning. Maging ang Acadia Tree na tinitirhan ng maraming hayop ay hindi na nakitang nagbunga at umilaw pa. Nawala ang bunga nito na nakapagbibigay ng kakaibang lunas. Gamit ang bato ay nilason ni Trour ang utak ng lahat ng dark jinns upang siya ang sambahin at sundin ang lahat ng kanyang ipag-uutos. Walang awa rin niyang pinatay ang hari na siyang kapatid niya at ang reyna ng dark jinns. At bago pa man niya tuluyang maangkin ang magical world ay nagsamasama ang lahat ng magagaling na jinns upang itayo ang Etrien Hallow na siyang naghahati sa dalawang Kingdom. Ngunit sa paglitaw ng buwan sa unang araw ng ika-limang taon ay unti-unting maglalaho ang Etrien hallow na siyang hudyat ng isang malaking labanan. At sa oras na ito ay kailangang makuha na ang Egeiro stone. Ang batong muling magbabalik ng katahimikan sa magical world. Walang nakakaalam kung paano ito nakuha ni Trour dahil sadyang mapanganib ang Ariaskeen. Walang sinuman ang nakalalabas ng buhay sa oras na pumasok dito.

The Kingdom of JinnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon