Lumitaw na ang mga tala ngunit nandito pa rin kami. Bumalik sa tree house si Zach kanina pa pero hindi ko na siya sinundan dahil baka kailangan niya ring mapag-isa. Habang nakahiga dito sa duyan ay bigla akong nakaramdam ng gutom. Naisip ko yung cake. Sabi ni Zach kunin ko lang daw ito sa kotse ano mang oras ko gustuhin kaya tumayo na ako para kunin ito. Pagdating ko sa sasakyan ay narinig kong nagriring yung telepono niya.
Calling:
CatalinaBakit siya tumatawag? Hinayaan ko na lang ito at kinuha na yung cake pati yung mga candy na binili niya para sakin.
Ano kayang sasabihin niya kay Zach?
Bakit mo ba kasi iniisip Flare
Tama. Hindi ko na dapat iniisip pa iyon.
Itinuon ko na lamang ang akong isip dito sa paligid. Mas maganda pala ito kapag gabi. Payapa. Hindi nakakainip kahit mag-isa ka lang. Habang naglalakad ay natanaw ko ang tagapagbantay ng tree house na may kausap na babae sa loob ng kubo, hindi kalayuan mula sa tree house ni Zach. Nilapitan ko sila upang pakinggan ang kanilang pinag-uusapan.
"Baka naman mabigat lang ang problema o kaya'y may pinapractice yung bata." Pagpapaliwanag ng babae.
"Siguro nga. Pero Celia hindi kaya may 3rd eye yung batang yun? Kanina pa siya may kinakausap na hindi ko nakikita eh." Si Zach kaya ang pinag-uusapan nila?
"Nako naman Ruben, subukan mong kausapin. Oh sya sige ibigay mo na lang to sa kanya, baka naman gutom lang yun. Nandyan din pala yung pagkain mo." Sa tono ng pag-uusap nila ay para silang mag-asawa. Nako napagkakamalan nang may sira si Zach. Masyado kaming nawili mag-usap. Nagteleport na lang ako para maunahan si manong.
Mahimbing na natutulog si Zach kaya dahan-dahan kong inilapag yung pagkain sa lamesa. Maya maya lang rin ay umakyat na si manong upang ilapag yung dala niyang pagkain. Bago pa siya makaalis ay nagising na rin si Zach.
"Mang Ruben kayo po pala." Tila nagulat ang matanda nang marinig ang boses ni Zach.
"Ay sir nagising ko po ba kayo?" Nahihiyang sabi nito.
"Hindi po." Pagtanggi niya. Tumayo na siya para maayos na makausap si manong.
"Ganon po ba. Eto pala yung pagkain sir pinadala ni misis, nasabi ko kasing dumating kayo." Nakangiting wika nito.
"Salamat po. Nag-abala pa kayo." Simpleng sabi nito at tiningnan kung ano ang laman ng supot. Hindi rin nagtagal at nagpaalam na si manong. Natanong rin nito kung hanggang kailan siya rito para maihanda raw nito yung pang jet ski niya.
"Akala ko ba uuwi rin tayo ngayon?" Tanong ko nang makaalis na si Mang Ruben.
"Well I've changed my mind." Sabi niya at umupo na para kumain. Sinabayan ko na rin siya. Nang matapos kumain ay lumabas muna siya. May kukunin lang daw siya saglit.
Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin siya. Naisip kong bumaba na lang rin para hanapin siya pero hindi pa ako nakalalayo nang makita ko siyang pabalik na. Seryoso siya. Hawak niya ang kanyang telepono. Tinanong ko siya kung may nangyari ba pero hindi niya ako pinansin. Diretso siyang umaakyat sa itaas, nag-aalala ako para sa kanya kaya sinundan ko siya.
Nakaupo siya ngayon habang nakaharap sa bintana. Kitang kita ko ang tensyong namumuo sa kanya sa tuwing siya hihinga.
"Si Catalina ba?" Mahinahon kong tanong.
BINABASA MO ANG
The Kingdom of Jinns
FantastikMortals often made a wishes and here we are to grant them. A mission that awaits for us but we never wanted. --- I once published this story. Edited po ito. I'm not good in putting a blurb but I hope you'll give this story a chance. This is a work...