CHAPTER 10- CALE

11 1 0
                                    

Ang saya sigurong maging mortal. Malaya kang nagagawa lahat ng gusto mo. Ganun din naman sa Magical World kaya nga lang hindi lahat dahil mahigpit ang mga rules at dapat na sundin.

"Tssk ang tigas talaga ng ulo."  

Pamilyar ang boses na yun. Agad kong nilingon kung sino ang nagsalita.

"Cale!?"   Kinusot ko ang mga mata ko dahil baka namamalikmata lang ako. Pero hindi! Si Cale nga! Biglang nanlaki yung mata niya nang makita ako.

"Flare!!!"   Hindi makapaniwala niyang sabi. Tumayo ako at niyakap ko siya. Grabe! Sobrang namiss ko to.

"Anong ginagawa mo dito?"  Tanong niya at kumalas na sa aking pagkakayakap.

"Nandito ang aking mortaphist. Ikaw?" Hindi ako makapaniwalang nakakausap ko siya ngayon. Ang dami kong gustong ikwento at itanong kay Cale ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan.

"Gaya mo ay nandito rin ang aking mortaphist. May tao siyang gustong masilayan dito. Oh bakit ganyan ka na lamang makatitig?"

"Hindi ako tumititig. Tila yata may nag-iba sa iyong itsura." Hinawakan niya ang kanyang mukha na para bang sinusuri kung may nagbago nga.  "Biro lang" Ani ko. Pareho kaming natawa sa ginawa niya.

Mukhang malapit nang matapos ang music fest dahil narinig kong inanunsyo ng host na maya maya lamang ay sasabihin na kung sinong banda ang nanalo. Sana manalo sila.

"Na miss mo ko no?"  Pang-aasar niya.

"Hindi  kaya." Pagkukunwari ko kahit na sobrang namiss ko talaga siya.

"Eh eto namiss mo?"  Nagulat ako nang bigla niya kong pinasan sa kanyang likod.  "Calee ibaba mo ko! Hindi na ako bata!"  Tumakbo siya ng paikot. Grabe sobrang galak ang aking nadarama ngayon. Palagi niya itong ginagawa noong mga bata pa kami kapag hinahabol kami ng mga troll. 

"Flare!"   Tawag sa'kin ng pamilyar na boses. Agad naman akong ibinaba ni Cale nang makita si Zach. Ipinakilala ko siya rito.

"Kaya pala hindi kita makita kasi busy ka dito. Who's that guy?"  Napansin kong iba ang tingin niya kay Cale.

"Siya yung sinasabi ko sayo Zach na kaibigan ko, si Cale."  Biglang kumunot yung noo niya.

"Bakit siya nandito?"  Bakit ba ganyan siya kung umasta. Wala na mang ginagawa si Cale para tingnan niya ng ganyan.

"Nandito rin kasi yung mortaphist niya." Huminga siya ng malalim matapos kong magsalita. Papalitpalit ang tingin niya saming dalawa.

"Zach! What are you doing there? Kailangan tayo doon."   Nilingon niya lang ito at sinabing susunod siya. 

"Don't tell me you're now talking to some spirit huh!" 

"I said susunod ako Drake!"   Inis niya itong nilingon.  "You? Aren't you going?"  Baling niya sa'kin nang makaalis si Drake. Napatingin ako kay Cale na ngayon ay taimtim na nakatitig kay Zach. Mukhang may kung anong iniisip siya.  "Ah dito na lang muna ako Zach."   Tumalikod agad siya at umalis pagkasagot ko. Anong problema non?

"Flare, Zach is your mortaphist right?"  Nagtataka akong tumango.  "Great. He's her last wish."   Last wish? Pero paano?

"Bakit si Zach?"  Nakaupo na kami ngayon sa bench.

"Dahil siya ang dahilan ng lahat Flare. Her 2 wishes were all connected to him."   May kung ano akong naramdaman sa sinabi niya.

The Kingdom of JinnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon