Bumulaga sa akin ang black and white na bahay nila. Sumisigaw ng karangyaan ang bawat sulok ng dingding maging ang mga kagamitan. Napakaelegante kung titingnan. Pagpasok sa front door ay makikita ang nakasentrong higanteng hagdan na kulay milk white. Maaari na siguro akong manalamin dahil sa kintab nito. Sa dulo ng hagdan ay may nakasabit na isang malaking family picture. Tatlong mortal ang nakalarawan doon. Kung ganoon ay nag-iisang anak lang siya. Maging sa litrato ay napakaseryoso niya.
Sa kanang bahagi ay ang malaking espasyo para sa sala. May ilang katulong akong nakitang naglilinis at ang iba naman ay tahimik na nakatayo sa magkabilang gilid. Binati nila siya nang makitang dumating ito. Para siyang isang prinsipe kung pagsilbihan. Diretso lamang siyang umaakyat sa hagdan nang isang lalaki ang tumawag sa kanyang pangalan.
Zach
Kung ganoon, Zach ang ngalan niya. Kuhang kuha niya ang postura ng matanda. Makikita ang awtoridad sa tindig nito at mga mata. Bahagya siyang lumingon nang marinig kung sino ang tumawag sa kanya.
"Where have you gone? I've been calling you but I think your phone is off."
"I'm just chillin' somewhere dad, forgot my phone in the car"
"Well I just came to tell you that you have an appointment with Mr. Ortega"
"Okay. Is that all?"
"We'll go to Germany tomorrow."
He heaved a deep sigh bago muling tumalikod. Nakita kong umiling ang kanyang ama sa ginawa niya.
"We'll stay there for a month. Habang wala kami ay ikaw muna ang makipag-usap sa mga clients natin."
Huminto siya upang pakinggan ang sinabi ng kanyang ama at muling nagsimulang maglakad. Isang tango lamang ang isinagot niya dito.
"Zach I'm still talking to you."
"I'm tired dad. What else do you want?"
Pagod niya itong binalingan ng tingin.
"I want you to be responsible. Ilang taon na lang ay isa ka na sa magpapatakbo ng kompanya."
"I know. Can I rest now?"
Tumango lamang ang kanyang ama.
Hindi ko maiwasan ang magtaka kung bakit ganoon na lamang niya pakitunguhan ang magulang. Umalis ang matanda na para bang sanay na siya sa inaasta nito.
Muli kong pinagmasdan ang kabuuan ng bahay. Kahit kaunti ay pakiramdam ko nasa loob lang ako ng White Kingdom. Ilang sandali pa ay tinungo ko na ang kwarto ni Zach.
Okay! Time to show up.
Nakitang kong pabulagta siyang humiga sa kama.
- - -
Zachariah Ford Alvarez
"Pssst" The heck sino na naman ba iyon?
I look around the corners. The balcony is closed and for sure ako lang ang nakakapasok sa kwarto ko. Nah, pagod lang siguro talaga ak-- "Zach!" A girl's voice! shit.
"Who the hell are you!" Fuck! This is not funny. Sa may bandang pinto nanggaling yung boses.
"Huy Zach!"
BINABASA MO ANG
The Kingdom of Jinns
FantasyMortals often made a wishes and here we are to grant them. A mission that awaits for us but we never wanted. --- I once published this story. Edited po ito. I'm not good in putting a blurb but I hope you'll give this story a chance. This is a work...