Nakabalik na ang magulang ni Zach kaninang madaling araw. Natutulog pa siya nang dumating sila kaya ipinapasok na lang sa katulong ang mga pasalubong nila sa kanya. Halos tatlong katulong ang pumasok dito para ihatid ang magkabilaan nilang bitbit na mga paper bags. Gusto ko sanang tingnan ang mga laman non pero hindi ko na pinakielaman dahil baka magising siya at maabutan akong pinapakielaman ito. Ilang sandali lang rin ay nagising siya dahil sa ingay na nagmumula sa ibaba. May ilang mga bisita rin kasi ang dumating. Mapungay pa ang mga mata niya nang bumangon mula sa pagkakahiga.
"What's that noise?" Tanong niya habang kinukusot ang kaliwang mata. Nag-inat rin siya at napasulyap sa orasan. "What are those?" Kasunod na tanong niya nang makita ang mga paper bags.
"Dumating na yung parents mo. At lahat daw yan para sayo. Pinaabot nila sakin." Agad na nagbago ang itsura niya. "Biro lang. Mga katulong ang nagpasok niyan dito." Tumango-tango naman siya.
"Wala akong pasok ngayon." Wika niya bago tumayo. "Samahan mo ko sa labas." Sabi niya pero sa tono ng pananalita niya parang isang utos yon na hindi ka pwedeng humindi.
"San tayo pupunta?" Tanong ko bago siya pumasok sa banyo. "Diyan lang. Kahit saan."
Binuksan ko na lang muna yung flat screen niya habang hinihintay siya. Minsang nasa baba ako nakita ko yung katulong nila na tawa ng tawa habang nanonood. Pinipigilan pa siya ng isang kasamahan niya dahil baka daw mahuli siya ni Zach at pagalitan, mukhang nakaramdam ng takot yung katulong kaya naman pinatay niya ito agad at bumalik sa ginagawa. Sa totoo lang halos wala na silang ginagawa dahil napakarami nila kaya maagang natatapos ang trabaho. Kadalasan ay buong maghapon na lang silang nakatunganga at nag-uusap-usap.
"Paano mo nabuksan yan?" Pagtataka niya nang makita akong nanonood.
"Magic." Simpleng sagot ko.
"Okay, pero sinasaksak lang yan. Ganito oh." Ngayon ko lang siya nakita dahil nakasentro ang tingin ko sa pinapanood ko. Agad kong tinakpan ang aking mata nang makita siyang walang damit pang-itaas. Tanging ang baba lang ang may saplot.
"Lapastangan. Magdamit ka nga!" Wika ko habang nakatakip pa rin ang aking kamay. Grabe! Pakiramdam ko ay nadungisan ang aking mata.
"Hey! Everyone wants to see this. You're lucky tho." Pang-aasar niyang sinabi. "Basta magdamit kana!" Naiinis kong sabi. Well wala akong balak na makita ang kahit na ano sa parte ng katawan mo no. "Oo na, nagbibihis na po. Yan okay na." Dahan-dahan kong inalis yung kamay ko, nakabihis na nga siya.
"Don't tell me ngayon ka lang nakakita ng katawan?" Tinaas-taas niya pa yung kilay niya habang sinasabi ito.
"Oo. Dahil sinisigurado nilang maayos sila bago humarap sa akin." Nakatingala ako sapagkat nakatayo siya.
"What do you mean?" Inilapit niya ang kanyang mukha dahilan para mapasandal ako sa sofa.
"Walang sino man ang maaaring lumapastangan sa isang prinsesa." Matikas kong sinabi. Agad naman niyang inilayo ang kanyang mukha.
"Isa kang prinsesa?" Hindi makapaniwala niyang tanong.
"Ganoon na nga." Hindi ko na dapat sinabi pa dahil wala rin namang bisa iyon dito sa mortal world, pero naitanong niya na rin lang kaya nasabi ko na.
"So-sorry hindi ko alam." Tila nahiya siya sa kanyang narinig at bahagyang napayuko. Agad naman akong natawa ginawa niya dahilan para mag-angat siya ng tingin. "Oo prinsesa ako doon. Pero hindi dito kaya hindi mo na kailangan gawin yan." Umayos na siya ng tindig. "You should have told me that before."
BINABASA MO ANG
The Kingdom of Jinns
FantasyMortals often made a wishes and here we are to grant them. A mission that awaits for us but we never wanted. --- I once published this story. Edited po ito. I'm not good in putting a blurb but I hope you'll give this story a chance. This is a work...