CHAPTER 9- BATTLE OF THE BANDS

3 1 0
                                    

"Hey bakit ka umalis?"  

Nasa veranda ako ngayon at alam kong dadating siya dahil nakita ko ang kotse niya papasok. Halos katapat kasi ng kwarto ni Zach ang gate nila. Nakaupo lang ako habang pinapakain si Muw.

"Naalala ko kasi hindi pa siya kumakain kaya umalis na lang ako."   I gave him a smile. Nawala na yung inis ko kanina. Napag-isip-isip ko rin kasi na masyado na kong nagiging emosyonal pagdating sa kanya.

"Ganun ba sana sinabi mo para sabay na lang tayong umuwi."  Napangiti ako sa sinabi niya pero syempre sa isip ko lang. "Okay lang Zach, kung sasabay ako sayo matatagalan pa. Atlis ako isang pikit lang nandito na."    Natawa siya sa sinabi ko. Walang gaanong nangyari dahil busy siya sa mga ginagawa niya. Ngayon ko nga lang siya  nakitang busy at tambak ng papel yung lamesa niya.

"Ano ba yang ginagawa mo?"   

"This is just some papers that I need to sign. Business matter."   Sabi niya nang hindi tumitingin. Abala siya sa pagpirma ng kung ano-ano.

Ilang araw na lang bago ang Music fest. Puspusan ang practice ng banda nila Zach. Si Drake ang nagpumilit sa kanyang sumali sa banda para daw ipamuka sa Catalina na yun kung sino ang niloko niya. Sabi naman ni Zach napilitan siyang sumali para lang may libangan at matigil na sa pangungulit si Drake.

Nasa music room ulit sila ngayon at pinapakinggan ko ang tugtog nila. Hindi ko maiwas ang tingin ko kay Zach na seryosong kumakanta. Naglilihis ako ng tingin sa tuwing mapapasulyap siya sa'kin. Sobrang ganda ng kanta. Sana manalo sila para naman hindi sayang yung pagod nila.

"Khaizer medyo off tune ka sa chorus."   Sabi ni Zach sa nagdadrums matapos ng kanta.  "Break time muna dude."   Ani Drake bago uminom ng tubig.

Lumapit si Zach sa pwesto ko at naupo.

"Man diyan ka lang?"   Tanong nung Nick sa kanya. Siya yung naggigitara.

"Yeah, hintayin ko na lang kayo."

Kaming dalawa na lang ang tao dito. "Bakit hindi ka pa sumama sa kanila?"

"Kasi nandito ka?"

"Ha ha ha bakit nga?"

"Kasi nga nandito ka."   Nakakainis na puso to oh.

"Ewan ko sayo."   Yon na lang ang nasagot ko at sabay irap. Niloloko ata ako ng mortal na to.  "Haha why? Can't I have a break with you? Oops lets change. Can't I have a rest with you?"   Pinalo ko siya sa braso. Kung ano ano sinasabi neto. "Tumigil ka nga Zach! Nasisiraan ka na."   Tumawa lang siya kaya natawa na din ako.

"Oo nga pala feel na feel mo yung kanta ah."    Pag-iiba ko.  "Of course ganun dapat pag kumakanta, may puso."   Kung ano-ano lang ang napag-usapan namin hanggang sa dumating na ulit yung mga kabanda  niya. Magdamag lang akong nanood sa kanila hanggang sa matapos sila.

"Bukas na yung laban. Take a rest guys. Lalo ka na Zach dahil ikaw ang vocalist."   Seryosong sabi ni Drake. Ngayon ko lang ata siya nakitang ganyang kaseryoso. Determinado talaga siyang manalo.

"Haha you take a rest Drake. You seems so eager."   Pang-aasar ni Zach.

"Of course Zach, who wouldn't want to win specially nandun yung banda ni Homer."   Sabi ni Nick. Napansin kong tahimik lang si Khaizer. Nakikitawa oo pero hindi siya palasabat.

The Kingdom of JinnsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon