Leaving the Kingdom for a mission is difficult for me knowing that it's in disarray. But I need to do this for every jinns must have this mission.
"Alam ko dito ko lang banda nilagay yun. tss"
Siya kaya yun?
Tumingin tingin ako sa paligid upang tingnan kung may iba pa bang mortal ang narito, pero wala akong nakita kundi ang lalaking nasa harap ko na mukhang may hinahanap. Siya na nga siguro ang itinakdang Mortaphist sa akin. Kanina pa siya reklamo ng reklamo tungkol sa bagay na hinahanap niya. Bawat hakbang ay hinahawi niya ang halaman na madadaanan.
Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan ang ginagawa niya. Kanina bago ako umalis ay maliwanag pa. Pero ngayon ay unti-unti nang lumulubog ang araw dahilan para lalo siyang mahirapan sa paghahanap.
Pinagmasdan ko ang gubat kung nasaan kami. Malayo ito sa Enchanthy. Walang ilaw na gumagabay sa dilim hindi gaya ng mundong pinagmulan ko na sa tuwing lalatag ang gabi ay kusang kikislap ang mga puno na parang tala sa kalangitan.
Pero noon 'yon. Noong maayos pa ang lahat...
Muli akong napatingin sa lalaking nasa harap ko nang marinig ang reklamo niya. Ano ba kasing hinahanap niya? Napaka-importante ba nun para hindi pwedeng ipagpabukas na lang?
Huminto siya sa paghahanap at marahang sumandal sa puno. Tiningnan niya ang paligid bago pumikit. Marahil ay napagod siya.
Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil tuluyan nang nagtago ang liwanag. Balak ko sanang magpakita na kaya lang baka matakot siya.
Teka nga.
Lumapit ako sa kanya at kinalabit. Gulat siyang napatingin sa kanan kung saan ko siya kinalabit. Inaaninag niya kung may tao ba pero tumayo siya nang walang nakita.
kinalabit ko ulit siya.
"Fuck! sino yun?" May gulat at takot niyang sinabi. Huminto siya sa paglalakad upang tingnan kung may tao at kampanteng muling naglakad nang walang nakita. He shook his head na para bang guni-guni niya lang yon.
Napansin kong bumibilis ang lakad niya kaya naman binilisan ko rin ang hakbang ko para mapantayan siya.
Habang naglalakad ay aksidenteng natisod ako ng isa sa mga sangang nakakalat kaya naman bigla akong napahawak sa balikat niya bilang alalay.
"Shit." Dinig kong sabi niya at kumaripas na ng takbo.
Hala natakot na ata. Hindi ko maiwasan ang hindi matawa. I casted some spell para lumiwanag ang bawat parteng madadaanan ko.
Sa bawat hakbang ko ay hindi ko maiwasan ang hindi malungkot. This is my first step here in mortal world at alam kong madami pa akong pagdadaanan. Muli kong iginala ang aking paningin sa paligid ng gubat. Pakiramdam ko ay sa oras na lisanin ko ang lugar na ito ay tuluyan nang magbabago ang lahat.
Magical World.
Ang mundo kung saan ako nagmula. Ang mundong nakasanayan ko.
Ang mundong sa takdang araw ay pamumunuan ko.*** "Aking prinsesa tandaan mo lahat ng bilin ko sa'yo. Alam mo naman siguro ang magiging katumbas ng bawat pagkakamaling magagawa mo."
Nag-aalalang wika ng aking ina at binigyan ako ng mahigpit na yakap.
Kinuha naman ni Great Majnun ang aking kanang kamay at isinuot ang life bracelet.
"Lagi mong isusuot iyan. Ang bracelet na ito ang magbibigay gabay sa iyo kahit saan ka man pumunta. Sa oras na mag-iba ang kulay niyan ay nangangahulugang nasa panganib ka."
"opo Great Majnun. Hinding hindi ko po kakalimutan lahat ng sinabi ninyo"
Si Great Majnun ang pinakamagaling na guro sa Magical World. Siya rin ang kanang kamay ng aking mga magulang.
"Flare mag-iingat ka, alam kong kaya mo."
Nakangiting wika ng aking ama ngunit makikita sa kanyang mga mata ang lungkot. Alam kong pinapalakas niya lang ang loob ko. Alam kong labag sa kalooban nila ang gagawin kong pag-alis pero kailangan. Sa huling pagkakataon ay pinagmasdan ko ang buong kaharian. Sa oras na matapos ko ang misyon ko, ibabalik ko ang ganda nito. Niyakap ko pa ulit sila bago tuluyang lumabas ng lagusan.***
Hindi ko man gustong umalis ngunit kailangan. Dadating ang araw na aalis ang isang Jinn para sa isang misyon. May iilang hindi na nakakabalik dahil sa paglabag ng ipinagbabawal na kautusan ngunit marami naman ang nagtatagumpay. Maraming Jinns na ang nakagawa ng misyon at alam kong magagawa ko rin iyon.
Inilibot ko pa ang aking paningin nang may napansing kakaibang bagay sa may di kalayuan, lalapitan ko pa sana ito nang maalalang may tao nga pala akong sinusundan. Masyado akong nawili kakaisip, madilim na, sana naman walang nangyaring masama sa isang iyon. I closed my eyes for teleportation.
Nakita kong nakatayo siya sa gilid ng isang abandonadong kubo. Napansin kong hinihingal pa siya. Nakonsensya tuloy ako bigla.
"Arrgghh...Bwisit wala pang signal!" Inis niyang sinabi.
Pumikit siya ng mariin at muling naglakad.
Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa kalsada kung saan mayroong sasakyan. Pumasok siya sa loob at ganoon rin ang ginawa ko. Sa bandang likod ako umupo. Tahimik lang siyang nagmamaneho habang ako naman ay mabuting pinagmamasdan ang bawat daan.
Tahimik lang ang paligid. Tanging ang mga post lights na lang ang nagsisilbing liwanag dito.
Maya maya'y naagaw ng pansin ko ang isang batang madumi na may hawak hawak na baso, parang may kung anong hinihingi siya. Kinakatok niya ang bintana ng sasakyan kung saan ako nakasakay pero hindi siya pinapansin ng lalaking 'to. Gusto ko sana siyang pagbuksan pero hindi pwede at hindi niya rin naman ako makikita. Ilang katok pa ay lumipat siya sa katabing sasakyan. Agad naman siyang pinagbuksan ng bintana at inabutan ng pagkain ng lalaking nasa loob. Tila napako ang paningin ko sa kanya nang ngumiti siya sa bata. Pagkain pala yung hinihingi ng bata. Pero nasaan ang mga magulang niya? Delikadong magpatuloy siya sa ginagawa niya dahil puno ng sasakyan dito at baka masagasaan siya. Muli kong tiningnan yung lalaki pero nakasara na ulit yung bintana ng sasakyan. He reminds me of Cale. Siya ang matalik kong kaibigan. Kasalukuyan rin siyang nagsasagawa ng misyon dalawang buwan na ang nakaraan.
Namimiss ko na agad sila. Pero sa ibang lugar na ako nakatapak at kailangan ko nang masanay.
Napasulyap ako sa mortaphist nang hampasin niya ang harap ng sasakyan. Bakit ba napakainit ng ulo niya? Mukhang mahihirapan akong mag-explain ngayon ah. Pero di bale madami pa namang araw.
Nakailang liko pa kami bago siya tumigil sa pagmamaneho.
Nasa harap kami ngayon ng isang malaking gray na gate na kusang bumubukas. Para bang kilala na nito kung sino ang papasok. Nang bumukas ang gate ay bumungad sa akin ang isang kaharian. Muli akong nakaramdam ng lungkot.
Ngayon lang yan Flare, masasanay ka din.
Agad niyang ipinasok ang kanyang sasakyan. Nakita ko pang nagbow yung mga guard na nakabantay sa paligid. Mga nasa walo ata sila.
Sinulyapan ko yung life bracelet ko, at puti pa rin naman siya. Sinigurado ko lang kung ligtas ba ang lugar na ito.
Okay, this is the beginning. Gawin mo lang nang maayos ang misyon mo Flare at makakabalik ka na sa Magical World.
BINABASA MO ANG
The Kingdom of Jinns
FantasyMortals often made a wishes and here we are to grant them. A mission that awaits for us but we never wanted. --- I once published this story. Edited po ito. I'm not good in putting a blurb but I hope you'll give this story a chance. This is a work...