Far From Reality

1.4K 15 4
                                    

Sa totoo lang, masarap magmahal.

Masarap yung pakiramdam na may taong sa isang ngiti pa lang, nagagawang pagandahin ang araw mo.

Masarap yung feeling na marinig mo lang ang tawa niya, masaya ka na.

At yung bawat salitang bitawan niya, pinapagaan ang loob mo.

Pero paano gaganda ang araw mo kung yung mga ngiti niya ay para sa iba?

Paano ka sasaya kung naririnig mo lang ang tawa niya mula sa malayo?

At paano gagaan ang loob mo kung ang bawat salitang bibitawan niya ay tungkol sa pagmamahal na hinding hindi niya iaaalay sa 'yo?

Masarap pa rin bang magmahal?

 

 Marahil iba kung one-sided yung love.

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

~Nasa side po ang trailer. Pero wag nyo munang tingnan kung ayaw nyo po ng spoiler :P 

~Balikan nyo na lang sya salamat :]

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------

[Ayako's POV]

Ako si Amaya Ayako Agetano. Half Japanese kaya ganyan ang pangalan ko. Pero kahit na half ako, medyo plain ang itsura ko. Di ako kagaya ng ibang may lahi na sobrang gagandang nilalang. Nope. Spell plain: A-K-O.

Di ako masyadong popular. Pero masasabi kong palakaibigan ako at mabait naman ako. May mga friends din naman kasi ako. Kaso dalawa lang yung talagang kasama ko parati.

Sina Midori at Kian. Si Midori ang weird na babae kong bestfriend. Weird sya. Tahimik sa labas pero may tinatagong kaingayan at kalukahan sa loob. 

Si Kian naman ay isa pang ewan. Random sya eh. Makulit at kadalasan ay hyper pa. Pero wag ka, matalino 'yan. Kung gaano siya kaloko sa buhay, ganoon siya kaseryoso sa pag-aaral.

Hindi ko maipaliwanag, basta weird sila. Pero endearing yung pagka-weird nila. Siguro nahahawa na rin nila ko sa weirdness.

  

 Anyway, magfo-fourth year highschool na ako. Ang hirap na nga ng level 9 panu pa kaya ang level 10? Hay, parang nakakadepress isipin. :(

[S C H O O L]

Pumasok na ako sa loob ng room at umupo doon sa may bandang likod. Doon kasi nakaupo si Midori ehh.

 "Hi, Midori. Long time no see. Gaga ka, di ka nagtetext." bati ko sa kanya

Nagbabasa sya ng libro pero inangat nya ang ulo nya at nag-smile sa kin.

"Kung pinasahan mo kaya ako ng load no? Genius lang fre. Na-miss din kita. Grabe talaga." sabi niya. "Kanina ko pa iniintay kayong dalawa ni Kian. OP ako dito eh" 

Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon