End.

173 2 7
                                    

~Here is Aaron's side.

[ Aaron's POV ]

Nagising na lang ako ng madaling araw dahil sa isang text. Nakita ko na si Midori daw. Si Midori? Di kaya wrong send? Kasi hindi naman nagte-text sa kin tong babaeng to eh.

**Pumunta ka sa airport. Aalis na si Aya**

Aalis na si Aya? Ano ngayon? Di naman sya ang girlfriend ko, si J naman.

Oo, hindi naman ako manhid. Matagal ko na alam na may gusto sa kin si Aya na yan. Pero kasalanan ko ba na hindi ko talaga sya gusto? 

Kasi si J lang talaga.

Una ko palang sya makita alam ko na sya na yung babaeng magiging malaking parte ng buhay ko. At nung sinubukan ko syang makilala, parang lalo pa akong nahulog sa kanya.

Sya ang best friend na matagal ko na hinahanap. At sya rin ang nag-iisang babae na nakapagpadama sa kin ng ganito.

Alam ko na kahit hindi nya ko gusto, mamahalin ko pa rin sya. 

Napaka-swerte ko nga eh. Kasi nalaman ko na mahal nya rin ako. Hindi talaga ako makapaniwala. Ano kayang nakita nya sa kin? Paano kaya kung may makita syang mas gwapo, mas matalino at mas sweet sa kin? Ako pa rin kaya?

Nasagot naman yung tanong ko. Niligawan rin sya ni Terrence. Pero ni-reject nya para sa kin. Kasi ako daw yung totoo nyang mahal. Napaka-swerte ko lang di ba?

Babalik na sana ako sa pagtulog kaso tumunog nanaman yung cellphone ko.

**Ano ba? Pwede bang wag mo nang pahirapan ang bespren ko?**

Siguro tama sya. Dapat ko na ngang sabihin ang totoo. Na hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Nalilito na kasi ako.

nung una, sigrudo akong mahal na mahal ko si Jessica. Pero habang mas nakikita ko yung effort na ine-exert ni Aya, parang mas lalo ko syang hinahangaan, hanggang sa lumalim na ng lumalim yun. At may naalala pa ako. Tungkol sa peklat sa kamay ko at may kinalaman dun si Aya.

Pero kaya ko ba talagang gawin yun? Ang guluhin nanaman sya?

Siguro nga. Kasi selfish na tao ako.

Dali-dali akong nagbihis at naghalungkat ng pera. Hindi ko na nga ni-lock yung condo ko eh. Basta pumara na lang ako ng taxi. Sinabi ko sa kanya na papunta sa airport kaso nagkaroon ng lesheng traffic.

Tinawagan ko na si Midori.

"Midori, asan na sya?"

[ Hinihintay ka lang nya dito ]

"Naabutan ako ng traffic. Pano na?!"

[ Aba ewan ko sa yo! Asan ka ba? Hindi ba may malapit na sakayan dyan sa inyo? ]

"Oo nga. Sige. Bye."

Bumaba ako sa taxi at tumakbo hanggang sa makita ko yung sign na nagsasabi ng terminal. Sana, sana lang talaga. Maabutan ko pa sya. Hindi ko pa nasasabi sa kanya. Hindi ko alam kung ano ba tong nararamdaman ko pero ayoko naman na hindi nya na to malaman.

Kung masasabi ko kaya sa kanya, magkaka-happy ending pa rin kaya kami? O talagang aalis na sya at kakalimutan na ko?

"TAAABII!!"

Bigla ko na lang naramdaman na may tumama sa kin ng malakas. Bigla lang kasi akong tumawid sa sobrang pagmamadali. Napahiga ako sa kalsada. Sobrang sakit.

May basa sa ulo ko kaya, pupunasan ko na sana pero nakita ko na pula yung nasa semento na kinabagsakan ko. 

Nanginginig yung kamay ko pero pinilit ko na hindi mabitawan yung cellphone.

"Midori, asan si Aya?"

[ Aaron.. ]

"Midori! Sabihin mo na mahal ko sya!"

[ Aaron, umalis na sya. ]

 Nagsisigawan ang mga tao sa paligid ko. May dumating na ambulansya, pero alam ko na wala na silang magagawa. Pati ako, hindi na lumalaban. 

Ayoko na.

Ang sakit.

Hindi man lang nya nalaman na sya yung first love ko.

Hawak hawak ko pa rin yung cellphone ko at napansin ko nanaman yung peklat sa kamay ko.

Matagal ko ng mahal yung babaeng tumulong sa kin noong araw na nasugatan ako.

[ Aaron? Asan ka? Bakit may mga sigawan kanina? Aaron?! Ano yung mga tunog na yun? ]

Pinikit ko na lang ang mga mata ko. Pareho ata kaming aalis ni Aya ngayon ah. Kaso sya, pupunta lang sya sa ibang bansa, magkakaroon pa sya ng mga kaibigan doon, marami pa syang makikilala. Makakalimutan nya na ko.

Ako kaya? Saan ako mapupunta? At pagdating ko dun, maaalala ko pa rin kaya sya?

~A cliche ending for a cliche story. XDDD yeah, maiksi lang to kasi.. ewan. excited akong patayin si Aaron eh. >:)) soooo.. this story is officially done! Wala nang mga paarteng karugtong pa ha :)) wala na eh, piga na utak ko. Read works of iampurple_spongebob or iammissred na lang. They are phenomeniall authors, promise.

Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon