~ malapit ko na tapusin 'to :)
[ Ayako's POV ]
Simula nung ki-nonfront ko si Jessica, ewan. . .
Di na muna ako pumasok sa school. . .
Syempre nagalit rin sa kin si Kuya Xyther pero hindi nya naman ako pwedeng pilitin na pumasok.
Araw-araw akong tinetext ni Midori at Kian.
"Aya, hinahanap ka ng mga teachers. Bumalik ka na pleeease?"
--10/11/11 :Midori
"Ayako Agetano, kapag hindi ka pumasok baka bumagsak ka sa second quarter!"
--10/12/11 :Kian
pero hindi ko sila masagot. mga one week na rin ako absent. hindi ko alam kung bakit ba ganito kalalim yung nararamdaman kong galit at lungkot.
kasalanan ko rin naman di ba?
how ironic.
ginawa ko to sa sarili ko. bakit ako nagmumukmok?
all i wanted was to help.
i wanted to help my friend.
bakit kasi yung friend kong yun ay rival ko rin?
i hate myself. -.-
Umupo na lang ako sa bed ko at tinitigan ang cellphone ko.
may text message dun na hanggang ngayon ay di ko pa rin nabubuksan.
galing kasi kay Aaron.
natanggap ko yun one week ako pagkatapos kong umabsent.
*sigh* humiga ako at nakinig sa surroundings. .
boring.
may narinig akong knock sa door. *sigh* wala si kuya.
bumaba ako dahil baka auntie namin yun na bumibisita.
binuksan ko ang pinto. pero hindi ko talaga inaasahan yung nakita ko.
oh my god. bakit sya andito? =____=
"Ayako?"
"Aaron."
"Bat ganyan itsura mo? Atsaka bakit di ka na pumapasok huh?"
"bakit ka ba nandito?"
"kinakamusta ka, obviously."
o__o h-huh. bakit nga?
"okay lang ako. pwede ka ng umalis."
"alam ko ang nangyari"
[ Midori's POV ]
uuuuuuurggggh.
bakit ba hindi pumapasok yang si Aya?!
tungkol nanaman ba kay Aaron ang drama nyaaaa?
Mygosh! sasabunutan sya ni Kian kapag bumalik sya dito! =___=
"Kian, I'm so bored. Ayoko na. Bakit ba tayo iniwan ni Aya? Nagkulang ba tayo? Di ba natin nagawa ang tungkulin ng mga bestfriend?"
nagkibit ng balikat si Kian (shrug po yun XD )
"Ewan ko rin. Wala naman kasi tayong maiipayo sa kanya kasi NBSB ka at NGSB ako. T____T"
ouch. ipamukha ba naman sa kin kung gano ako kainexperienced? T____T okay, sabagay tama naman sya.
"bibisitahin ko si Aya mamaya. sama ka?"
"sige sasabunutan ko ang bruhang yun!"
sabi na nga ba. XD
[ Aya's POV ]
" Bakit ka ba concerned?"
"Syempre dahil bestfriend ka ni Jessica at kaibigan na rin ang turing ko sa 'yo."
ouch.pakiramdam ko binagsakan ako ng langit at sinandwich ako ng langit at lupa. T__T kaibigan. kaibigan lang ako sa kanya. at bestfriend daw ako ng babaeng gusto nya.
haay, bakit ba to sa kin nangyayari?? T^T
"HAY NAKO, AARON. LUMAYAS KA NA!"
*BLAG* sinaraduhan ko sya.
T____T ayoko naaa!
[ Midori's POV ]
"Hayy, Kian! San nga dito yung bahay nina Midori?"
isang oras na kami naglalakad ni Kian dito. srsly. T___T ang laki ng barangay na 'to.
"Abay ewan ko! Kala ko alam mo eh."
"Akala ko ikaw ang may alam T^T"
"HAY NAKO. Boplaks mo talaga!"
"Ako? Baka ikaw!"
Ayan tuloy nag-away pa kami dun ng 15 minutes. Tapos..
"Kian? Midori?"
Nandun pala yung kuya ni Midori. Si... whatshisnameagain? ahhh.. si Xyther. *o* ang gwapo. hihi. dati may crush ako dyan kaso binatukan ako ni Aya nung malaman nya. haha paano ba naman, 5+ years ang tanda nya sa min.
"Kuya Xyther! ^^"
"San kayo papunta?"
"Sa bahay nyo po :) "
"Ok, samahan ko na kayo!"
nung makarating na kami.. sabi ni kuya nasa kwarto daw si Aya. isang linggo na daw syang hindi lumalabas.
T^T
sumugod naman dun si Kian at pinagpupukpok ang pintuan ng kwarto ni Aya.
"sa totoo lang, nag-aalala ako dyang kay Aya."--Kuya Xyther
"ako rin po eh. sinabi nyo po ba to kay tita o tito?"
"oo at sabi nila
.
.
.
.
pauuwiin na daw nila sa japan si Aya."