Far From Reality: Last Day

125 2 2
                                    

~Last 2 or 3 chapters. ^_^ Then Epi. Then completed na sya!! :))

[ Ayako's POV ]

Ito na ang araw na kinatatakutan ko. Last day ko na ngayon. Bukas ang flight namin ang then.. I don't know. Start of a new life for me? 

I-nenroll na ko for college sa isang university sa States pero sa Japan ako magse-spend ng vacation, kasama nina mama at papa.

Si Kuya Xyther, sasamahan nya ako sa States, sya ang magmamanage ng isang branch ng company namin. 

Tutol ako dun. I hate our company. Dahil dito.. ilalayo ako nina mama at papa kay Aaron.

Pero siguro mas okay na rin to. Kesa parati akong nasa tabi nya at umaasa di ba? It's pointless and stupid. 

"Papasok ka pa rin ba ngayon? You know, you don't have to."sabi ni Kuya.

"I have to. Sinusulit ko lang ang time ko kasama nina Kian at Midori."sagot ko naman. 

Pero alam kong alam ni Kuya na nagsisinungaling ako. Well, not totally nagsisinungaling, syempre, gusto ko rin naman na makasama sina Kian at Midori. Pero 70% is because gusto ko makita si Aaron.

Nag-sigh na lang ang kuya ko. Dini-defeat ko lang ang purpose nila na paglayo sa kin kay Aaron kung ako naman itong nagpupumilit na lumapit eh.

Ang ewan ko talaga. Hindi ko na maintindihan.

Pero ganyan talaga eh. Minsan pag nagmahal ka, okay lang kahit magmukha ka nang tanga.

"Aya, si Terrence, pinapansin mo ba sya?"tanong ni Kuya nung nasa may pintuan ako.

"Uhh,. Oo. Oo naman. Bakit?" medyo umiiwas nga ako sa topic na 'Terrence' eh. Ano ba yan. 

"Sa States din daw sya pag-aaralin ng magulang nya eh."

Nag-nod lang ako at lumabas na ng bahay. Sa States, huh? Weird, parang stalker ko lang. Sunod ng sunod sa kin eh. Plus, hindi pa kami okay. Hindi pa nga ako nakakapag-sorry sa kanya.. eh ni hindi ko naman alam kung ano ang kasalanan ko eh?

Nagselos ba sya kay Aaron or something? Haay..

Onga pala, hindi normal school day to. Ngayon kasi yung epic sport even something na yon at kasali pala ko? weird. hindi pa naman ako nakapag-training nang ayos these past few days kasi ng super duper distracted ako.

"OOMPH!"bigla naman akong bumangga kay "Terrence?!"

"Hahatid na kita."tapos lumakad sya palayo.

Kala ko ba ihahatid nya ko? Bakit parang ginagawa nya lang akong aso na susunod sa kanya? Hmmph, labo talaga nito.

"Wait, hindi ba suspended ka?"I said nung napansin kong hindi sya naka-uniform

"I am. Pero nag-promise ako sa kuya mo na ihahatid kita. Ano pa bang choice ko?"

Ouch ha. So para sa kanya pabigat lang ako. Ang sama naman nito. Bakit kasi sya nakipagsuntukan. Halata namang bawal yun di ba? Besides, kay Aaron pa. Pambato nga namin yun sa sport event di ba? Weirdo lang nito.

"Aya, napaka-walang kwenta lang ng lahat ng to. May sense pa ba ang storyang to? I mean, mahal kita..mahal mo sya.. yung mahal mo may mahal nang iba tapos yung mahal nya mahal sya.. naiintindihan mo ba? Walang kwenta lang di ba?" nagulat naman ako sa sinabi nya.. kasi.. tama sya. walang sense. bakit bida ko sa storyang to eh parang isang sabit lang naman ako.. isa lang naman akong hamak na invisible person kay Aaron.. umaasa at nagpapansin sa kanya. Napaka-walang kwenta lang rin kasi hindi nya rin naman ako pinapansin di ba? 

"Hahaha"i laughed humorlessly"Tama ka.. it makes no sense.. pero it makes perfect sense."

 Tumakbo ako papuntang school. Si Terrence? Ewan ko. Anyway, naabutan ko si J.. sabi nya nasa rooftop daw si Aaron.. kinakabahan daw ng sobra. Ngumiti naman ako sa kanya at dali-daling umakyat sa rooftop.

Nakita ko syang nakaupo sa isang bench doon, nakatungo. Katabi nya yung raketa nya. Umupo ako sa tabi nya.

"Kinakabahan din ako.. first time ko atang makasali sa interschool competition. Dapat hindi ka na kinakabahan eh.. pro ka na. Ilang beses na kita napanood naglalaro, nagpapractice, nagte-training."tumingin ako sa kanya.. nakatingin din sya sa kin."Ilang buwan na kaya kita pinapanood? Ewan ko. Na-lab at perst sayt ako eh. Pakshet lang at sa yo pa. Alam mo bang ang sakit sakit na parati na lang si J ang tinitingnan mo? Nakakairita, nakaka-inggit, nakakaselos. Pero ano namang karapatan kong magselos? Na-realize ko na.. ang fake ko kasi nagkukunwari ako sa harap ni J kahit na gusto ko na syang sabunutan. Napaka-selfish ko rin.. drama ako ng drama.. i should be happy.. kasi masaya ka."

Alam nyo kung ano yung masakit? Wala man lang syang reaction.

"I like you" pagkasabi ko noon, umalis na ako.

I don't know why I bothered. Haha. Umaasa pa rin? Nagmumukha na kong desperada dito. Haha. Umaasa talaga ko? How sad. Sino ba ko? Isa lang naman akong Amaya Ayako Agetano.. isang weirdong babaeng sumulpot sa story nina Jessica at Aaron. That's right. Hindi ko story to.

It's theirs.

[Kian's POV]

"I told you dapat tinulungan natin sya" sabi ni Midori.

"Para ano? Tingnan mo ha, magkaaway ang kumpanya nila, ayaw ng kuya nya kay Aaron, may Jessica atsaka di ba sabi nya 'crush' lang naman yan. Kung crush nga lang yun, edi sana hindi sya nasasaktan." sagot ko naman.

I know, I know. Stubborn ako. Pero, hindi kasi naiintindihan ni Midori eh. Kay Aya tong love story. Sya dapat fumigure out. Kasi kung hindi, pano sya matututo? Sure, sumingit kami.. here and there pero tinutulak lang naman namin sya in one direction di ba?

"Hay nako, Kian. Napaka-ewan naman ng story na to. Ewan ko..ang gulo gulo!"

"Alam ko, pero epal lang naman tayo kaya wala kang karapatang magreklamo. BTW, lilipat nga pala ko ng school next year. Kaw ba?"

"Ako rin eh. San ka?"

"Secret. Sa isang exclusive school. Puro mga anak mayaman ata makakasama ko dun. Plus, sabi ni ma, magpanggap daw akong foreigner?! Ay ewan ko ba."

Hay nako ang gulo lang ng buhay ko di ba?

[Aya's POV]

Tatlong winter coats, ilang dress, three pairs ng shoes, dalawang converse, ilang mga sumbrero, shades, mga notebooks, ilang paboritong libro, mga personal items, mga memorable gifts nina Kian at Midori. 

Ito na. Ito na talaga eh. 

Aalis na ko bukas? Bakit ang bilis no?

Para kahapon lang.. una ko pa lang nakita si Aaron..

Parang nagflashback sa kin nung naging 'bestfriend' ko si Jessica..

Yung nangyari sa prom sa amin ni Terrence..

Lahat lahat ng masasaya at malulungkot na naranasan ko sa taong to.

Di ba sabi what doesn't kill you only makes you stronger? Sana yung mga heartbreaks na naranasan ko nagpalakas naman sa kin kahit konti lang. Natuto naman ako ng konti eh. Na-realize ko na sa pag-ibig, hindi lang puro kaek-ekan.. hindi lang yan puro heart.. ginagamitan rin yan ng isip. Kasi kung hindi, talo ka.

Drama eh o(=.=')o

Basta, hindi ko makakalimutan to. 

Goodbye Aaron.

Sya pa rin talaga ang last thought ko kahit bago matulog.

~*~*~*~*~

Hihi.. sorry baliw lang talaga ko! Maganda ang ending >:) para sa kin. ewan ko na lang senyo. bahala na ha! XD

Far From RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon