Part IV

9 0 0
                                        

Isang taong ang inantay ko bago bumalik dito. Tinapos ko ang business course ko sa London at ngayon handa na akong harapin ang Tito ko. Nalaman kong papalugi na ang kumpanya ni Dad na hawak ng Tito ko. Binili ko ang Shares nila na sa akin sana at ang iba pang shares ni tito.

Amoy ko na agad ang simoy nang Pilipinas, isang taong ko rin tong na miss. Pagkalabas namin sa NAIA, agad na kaming pumunta sa Opisina ko.

"Wala ka pang secretary, kaya ako muna."

"Salamat kuya Jest." kuya na ang tawag ko sa kanya simula noong pumunta kami sa London. Parang kapatid na rin kasi ang turingan namin.

"It's ok, it's my duty kahit na hindi ako ang abogado mo. Pero parang ako na rin eh. Buti nga related to Law ang kurso ko." Kinuha na niya ang briefcase ko at lumabas na nang opisina ko.

"Matatapos na rin to." sabi ko na lang sa sarili ko at tsaka ako lumabas nang opisina at dumiretso na sa parking lot.

Pagkadating namin sa opisina ni tito, naalala ko na naman lahat ng mga sakit na nararamdaman ko noon. Ang iwan ka nang pamilya mo at patago tago ka. Dahil papatayin ka kahit na mga kadugo mo ayaw kang taggapin dahil ayaw daw nilang madamay sa problema namin yun pala sila lang pala ang may gawa. Buti nga hindi na nila ako pinag interesang patayin. Malas nila’t binuhay pa ako.

Pagkarating namin sa opisina ni Tito Kenjie, wala talagang nakakakilala sa akin. Pati mga guards at front desk clerk.

"Sir Jest, sumunod lang po kayo sa akin." sabi nang front desk clerk. Sumakay kami sa elevator kasama si kuya, at ang dalawa sa mga body guards ko. Yung iba nag hagdan at ang iba nag antay sa labas. Huminto kami sa 18th floor.

"This way sir."

At binuksan niya ang pinto para kami makapasok.

"Maam, si Sir Jest." sabi niya dun sa Babae that looks like a secretary.

"Please wait here." At pumasok siya sa loob nang Conference Room pero lumabas rin siya agad. "Pumasok na po kayo."

Kami lang ni kuya ang pumasok. Nag-init agad ang dugo ko nang makita ko agad ang taong pumatay sa pamilya ko ata ama ni kuya Jest. Parang gusto ko nang lapitan siya tadtarin ng suntuk hanggang mamatay.

"Den ang kamay mo. Easy lang." pigil sa akin ni kuya.

"Mr. Alvarez. Welcome to the company" Pag wewelcome ni Mrs. Choi. Yup kilala ko na sila, i've been introduced to them by my father when i was seven years old. Kilala ko sila dahil nagbasasa na rin ako ng mga background nila noon at ngayon. Sabi kasi ni dad kailangan ko yung malaman para sa business. Actually si Mrs. Choi lang ang mabait sa kanilang lahat. Si Mr. Yu, Mr. Salvador, Mr. Adaza, Mr. Wang at si tito Kenjie.

"At sino naman tong kasama mo.?" Singit ni Kenjie sa pag we-welcome ni kuya, Kenjie na tawag ko sa kanya. Nawalan na ako nang respeto sa kanya simula noong nalaman kong siya pala ang pakana ng lahat.

"Actually this is my friend. Who owns sixty five share's of this company." Nakita kong gulat silang lahat. "He is Den Murphy Mendiola the son of Don Felixto Mendiola who own this Company." Patuloy na sabi kuya. Wala pa ring makapag salita, maliban sa shocking face of everyone tita Faye is getting  normal and easy.

"Yes I am. Den Murphy Mendiola" Sabi ko habang papunta sa taong pumatay sa pamilya ko. I saw a shocking face of Kenjie. "Itikom mo yang bibig mo, baka mapasukan yan ng langaw." Sabi ko. Ni isa sa kanila walang makapagsalita. "Ang mabait kong tito, ang naghahariharian dito sa kumpanya na walang ginawa kundi magpalaki ng tiyan at kamkamin ang mga kayamanan namin" sabi ko sa kanya habang tinukon ko yung dalawa kong kamay sa likod ng upuan niya.

"How dare you to..."kenjie

"How dare me to call you like that KENJIE!?" "Because you killed my family!" pagkasabi ko nun pumasok na agad ang mga body guards ko at ang mga pulis.

"Ano to? bakit may mga pulis? HIndi ako ang pumatay sa ama mong sakim.!" pag sisigaw ni Kenjie.

"Ikaw ang sakim! Bakit kailangan mo pang patayin ang mga magulang ko at kapatid, dinamay mo pa si Mr. Alvarez!" Ang tinutuloy kong Alvarez ay daddy ni kuya Jest.

Di ko na napigilan at nasuntok ko na si Kenjie. Pinigilan ako ng mga pulis. "Bitiwan niyo ko!" tsaka ko siya sinuntok ulit.

"DEN! tama na yan!"Pinigilan na ako ni kuya Jest. Hindi na ako naka palag kasi naman si kuya ang laki.

Nakita ko si Kenjie na nakaposas na. kaya hirap siyang linisin ang duguang mukha niya. "Pagbabayaran mo to Den!" pagbabanta sakin ni kenjie.

"Magkano? Piso? babayaran kita. Kulang pa yang suntok ko, mabubulok ka sa kulungan kasama ang mga kampon mo." Sigaw ko sa kanya.

"Chief dalhin niyo na yan. Susunod na lang kami." sabi ni kuya Jest sa mga pulis.

"Murphy!” saka niya ako niyakap. "Ang tagal mong nawala. Mabuti't buhay ka pa at alam mo bang ang tagal ko tong hinintay na magbalik ka!" Mrs. Choi

"Tita miss na kita!" tsaka ako gumanti ng yakap.

Isang Tanong; Isang SagotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon