Pagkatapos ng nangyaring yun, nakulong na ng tuluyan si kenjie pati na si Mr. Wang, Adaza at salvador. Ang pamilya niya lumipat na rin sila, ewan ko kung saan. Naawa nga ako sa kanila dahil lima silang mgakakapatid tapos maysakit pa si Tita. Mag iisang taon na ang nakalipas hindi na rin ako bumalik sa mansion. Nagpatayo na lang ako nang isang bahay sa Laguna kung saan malapit lang sa opisina ko. Medyo malaki rin yung bahay, ewan ko ba parang gusto ko lang malaki. Ako lang mag isa bahay ay hindi pala, marami kami. Si Manang Dora, nakakatawa nga bakit gusto niya tawagin ko siyang Dora. Si Ate Melva at Vicky na kasing Edad ko ang taga pangangalaga sa bahay. Si Mark Liam ang personal driver ko at si Kuya Botchok naman ang Driver naming lahat. Apat ang PBG ko (Personal Body Guards) Yun kasi ang utos ni kuya Jest. Ok lang din naman, kasi isa lang sa kanila ang palagi kong kasama, yung tatlo kasama ko nga pero hindi ko kilala. Sa bahay naman shifting din yung mga security guards, marami ng nagbago si Kuya Jest may trabaho na rin pagkatapos niya akong tinulungan. Ewan ko ba dun parang may ina asikaso na. At ito ako, in just three weeks puro opisina ako. Marami kasing dapat asikasuhin, dahil sa maling pamamalakad ni kenjie.
Magkikita kami ngayon ni Tita Faye sa isang hotel. May sasabihin daw siyang importante sa akin.
Patungo na ako sa Hotel kung saan kami magkikita ni Tita Faye.
“Den, nandito na tayo.” Sabi ni Mark saka siya nag park alangan namang maglanding.
“Salamat Mark, sumama ka na sa loob.”
“Wag na, pupunta muna ako sa Happy Church may bibisitahin lang ako. Medyo malapit na lang kasi dito.”sabi ni Mark
“o siya ikaw bahala. Ito pera, ikaw na bahala kung anong gawin mo diyan.”
“Salamat talaga choi!”tsaka niya ako sinuntok sa balikat. Gago to ah. Kesyo magkaibigan na kami?
“Boss mo ako!”sinuntok ko siya ulit at tumakbo. Ahahaha
"This way Sir Murphy." Iginiya ako ng receptionist patungo sa isang private room.
"Oh, Den nandiyan ka na pala." Tumayo si tita para lapitan ako.
"Pasensya na Tita, medyo late ako." pag paumanhin ko sa kanya, saka ko siya hinalikan sa pisngi.
"It's alright, kakarating ko lang din." Sabi ni tita. "Kumusta ka na? I mean sa buhay mo? I'm sorry kung hindi man lang kita natulungan. Pinagbantaan din niya kami, kasama ang anak ko. kaya hindi na ako nakapalag." paliwanag ni tita
"Alam ko po tita. Ok lang po yun atleast wala pong nangyari sa anak niyo. Pasensya na rin sa abala ng pamilya namin, munitikan narin po kayong nadamay."
"Wala yun Den, atleast pareho kayong safety nang anak ko."
"Saan na po pala ang anak niyo.?" bago pa masagot ni tita yung tanong ko, dumating na yung waiter dala ang mga pagkain.
"Nag-order na ako kanina." si tita.
"Salamat tita."
Nagsimula na kaming kumain ni tita. "Ang anak ko pa la Den, nasa Batangas na naman."
"Batangas? anong ginagawa niya dun?" tanong ko.
"May kaibigan daw siyang pupuntahan doon."
"Aaah.!"
“May girlfriend ka na ba?” tanong niya sa akin habang humihiwa siya sa kanyang steak.
“Meron po.” Sabi ko.
“Ay sayang.” Dismaying sagot ni tita.
“Eh bakit sayang po?” taka kong tanong sa kanya, parang may kung anong meron. “Nagkaroon ako nang girlfriend noon, two years ago kaso nakipag break siya dahil nakahanap na siya nang mayaman.”
“Ayus yun!” “Mabuti na lang at mukhang pera ang babaeng yun.”
Naguguluhan ako dito kay tita eh.
Patapos na kaming kumain nang tumunog ang phone tita.
"Anak ko. Sasagutin ko lang."tamango lang ako "Hello anak, kumusta ka na jan?"
"Diba sinabi ko na sayo...oo nga." "bumalik ka na dito....ha? nandito ka na sa Maynila. Andito kami sa CRT Hotel... yup" tumawa si Tita. " Yup nandito siya, ewan ko ba kung naalala ka pa niya."tsaka ako tiningnan ni tita. "O sige anak, Love you baby." "hahahha.. o siya bilisan mo." Pinatay na ni tita ang kanyang phone.
"Den? Do you still remember my Daughter?"
Daughter? sino? "Sino po tita?" tanong ko, di ko na kasi maalala.
"Si Faith." masiglang sabi ni tita. " Si Faith yung inaway ka sa office nang dad mo. Remember? when you are introduced by your Dad sixteen years ago.?"
Sixteen years ago? seven pa lang ako nun ah. may biglang nag flashback sa isip ko.
"hahaha, tita naalala ko na. siya yung pumikot sa tenga ko. Kasi nagalit siya sakin dahil kinausap ko daw yung babaeng insik sa lobby." natatawa nalang ako nang maalala ko yun. Kinausap ko lang yung batang babae kasi nawawala daw siya. Yun pala anak yun ni Mr. Wang. Tapos nakita kong tumakbo si Faith patungong elevator. Sinundan ko siya hanggang sa opisina ni Dad. tapos nun hinarap niya ako at piningot sa tenga. Ang sakit kaya nun kaya hinalikan ko siya sa pisngi. Namula siya as in pulang pulang parang kamatis. Hahahaha ang ganda niyang tingnan.
Flashback:
"Letche ka! Manyakis ka!" sabi niya at pinagpapalo ako, hampas rito hampas hampas roon. Nadatnan kami ni Daddy at Tita Faye.
"Faith tama na yan" saway ni tita sa kanya. Nag behlat pa nga si Faith sakin. Ang Cute niyang tingnan.
End of Flashback
"Oo tita naalala ko na."saya kong sabi ni tita.
"Paparating na yun." sayang sabi ni tita. Tiningnan ko lang si tita, parang may pamilyar siyang mukha. Siguro kamukha lang niya.
"Tita lalabas muna ako sandali aah.?" paalam ko kay tita.
"Sige iho, balik ka agad ha? may importante pa akong sasabihin sayo."
"opo tita." lumabas agad ako patungong lobby.
Elaiza's POV
"Nandito na ako."
''Ayusin mo!"
"Alam ko, kaya wag kana munang tumawag mama!" pagkasabi ko, ibinaba ko agad ang phone ko.
Tiningnan ko muna ang sarili ko sa salamin at inayos ang sarili ko bago lumabas na nang toilet. I saw Den going out kaya nilapitan ko na agad.
"Den!" Tinawag ko siya pero parang hindi niya ako narinig. Kaya binilisan ko ang paglakad na halos tumakbo na ako. Ang laki nang ipinagbago niya simula noong nag break kami. Ikaw kaya ang yumaman nang husto.
"Den! teka lang." Hinawakan ko siya sa braso at hinarap sa akin.
"Elaiza? What are doing here?"
"Ikaw. Mahal parin kita Den!' saka ako umiyak. "Sorry talaga Den, at sinaktan kita noon. Alam kong masakit" Umiyak na ako, kahit nakakahiya na.
“Elaiza stop it!” Hinatak niya ako patungong parking lot. "Elaiza tumigil ka na." Tsaka niya pinahiran ang mga luha ko.
"Den, matagal kitang hinanap. Noong pinuntahan kita sa bahay mo three days after kitang itinakwil. Wala ka na daw dun." maiyak ko paring sabi.
"Matagal na yun. Kalimutan na natin yun."
"Alam kong mahal mo parin ako, diba?" tanong ko sa kanya.
Hindi niya ako sinagot.
"Diba? mahal mo pa ako?" tinanung ko ulit siya.
"Oo.
