Part IX

15 0 0
                                    

"RIZA FAITH CHOI, MAKINIG KA NGA MUNA SA AKIN! Ano ba?" Kinabahan ako bigla pagkarinig ko sa buo kong pangalan kaya hinarap ko siya. Nasa baba siya, ako nasa taas.

"Bakit alam mo ang buo kong pangalan?" sindikato talaga to.

"Matagal na kitang kilala! Naalala mo ba yung araw na pumunta ka sa opisina ni Daddy, nay piningot ka, kasi may kausap siyang ibang babae? tapos hinalikan ka niya tapos pinagsasampal mo siya?"

"ha? Ano bang pinagsasabi mo? wala akong matandaan!" kailan? wala akong maalala.

"Malilimutin ka talaga Riza!" Sigaw ulit niya. "At isa pa, hindi kami ni Elaiza!"

Hindi raw.

"Diba sabi mo mahal mo pa siya!?"

"Mahal ko siya oo, pero noon yun hindi na ngayon!"  sigaw ulit niya. Tumalikod ako sa kanya tsaka ako napangiti. Ramdam ko na kinikilig ako.

"eh bakit mo siya hinalikan?!'"

"Hindi ko siya hinalikan, siya ang humalik sakin!" humarap ako sa kanya.

"Ganun pa rin yun!"

"Ano ba! magbabangayan na lang ba tayo.?"

Oo nga no?

"Riza, isang tanong isang sagot. Mahal mo ba ako?" Sersoyong tanong ni Den. Kitang-kita ko talaga sa mga mata niya, mata niya? mata? teka!

"RIZA!" sigawan system?

"Oo!"

"Talaga? Mahal mo din ba ako?"

"Paulit-ulit?" nakita ko siyang masayang-masaya, teka nga! "Hoi sindikato, anong din?"

"Ha? may sinabi ba akong din?" mang-ang maangan pa to.

Tama ba tala ang narinig ko? Mahal din niya ako? ayieeeeee!hahhaha mahal din niya ako. loko to ah.

"Den! Anong ba ang buo mong pangalan?" mahal ko siya pero hindi ko pa alam ang buo niyang pangalan.

"Bumaba ka muna dito!" kaya bumaba ako.

"ano?" tanong ko, pero nakangisi lang siya.

Bigla nalang niya akong hinalikan sa pisngi. "Letche ka! Manyakis ka!"

Flashback:

"Letche ka! Manyakis ka!" sabi ko at pinagpapalo ko siya, hampas rito hampas hampas roon. Nadatnan kami ni Mama at tito Leo ang Daddy ni Murphy.

"Faith tama na yan" saway ni mama sa akin. Behnelatan ko pa nga siya.

 End of Flashback:

"MURPHY!?" tanong ko sa kanya nang malala ko ang pangyayaring yun.

Lumapit siya sakin at hinawakan ang dalawa kong kamay."Oo!" nakangising sagot niya.

Nang mag sink in lahat sa akin. "Gago ka, manyakis ka! pervert mo! Magnanakaw ka, sindikato ka talaga Den Murphy Mendiola!" At pinag hahampas ko talaga siya,. letcheng unggoy nato.

"Tama na!" naghahabulan kami sa loob nang sala."Uy! Riza Faith Choi Mendiola, tama na yan, hinihingal kana." Tiningnan ko ang paligid, nakita kong sabog lahat, yung mga pillow tumilapon na sa kung saan saan.

"De-n...tul..on-g di a-ko m-aka hi-nga." sabi ko sa kanya. Nakita kong kumaripas agad siya nang takbo paakyat. Ay loko! iniwan ako.

Nakita ko siyang pababa nang hagdan, kamuntikan pa nga siyang mahulog sa pagmamadali.

"Ito, nebulizer mo."  sumipsip agad ako. Ilang sandali medjo ok na ako. "Alam mo bang nag-alala ako sayo? pinakaba mo ako dun ha!" nakita ko sa kanyang mga mata ang pag-alala at ramdam ko ang seryoso niyang mga titig sakin.

Isang Tanong; Isang SagotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon