Papalapit na ako sa kanilang bahay walking distance lang sin naman galling sa inu upahan kong bahay. Nakakaba man to oh! Pero kakayanin ko to, kailangang mapigilan ko na siya.
Ayan na, kakatok na ako.
“Tao po.”
“Tao p..”
“Den kaw pala,” bungad sa akin ni Tita Dhana
“Opo, andiyan po ba si Elaiza?” tanong ko sa kanya. Lumabas siya at isinara ang pinto.
“ah. Ah si Elaiza? Ah. Eh kakaalis lang. May pinuntahan.” Na uutal na sagot ni Tita Dhana.
“Ah ganun po ba? Eh kanino po ba yung sasakyang nakaparada sa tapat ng bahay niyo?” Turo ko sa sasakyan na itim. Nakita ko kasi ito pagkadating ko.
“Sa, sa ka..kapitbahay, Tama sa kapitbahay namin yan.” Kabadong sagot ni tita.
“Tita Dhana naman, di ka naman magaling sa pagsisinungaling.” Sabi ko. Tumingin ako sa bahay nila Elaiza. “Elaiza! Lumabas ka diyan alam kong andiyan ka lang sa loob!” Sigaw ko
“Elaiza! Mag usap naman tayo oh!”
Bumukas yung pinto tsaka lumabas si Elaiza at may kasunod itong lalaki.
“Elaiz..”pinutol niya agad ako.
“Den! Ano ba, umalis ka na nga! Tapos na tayo!” Sigaw na sabi ni Elaiza
“Lai, mahal kita.” Sabi ko. Medyo galit na ako pero pinipigilan ko lang baka makasapak ako ng di oras. Gusto ko lang sabihin sa kanya, na mahal ko talaga siya. Pero parang pinalitan na niya agad ako.
“Mahal? Mahal? Kaya ba akong buhayin sa pagmamahal mo? Ni wala ka ngang pamilya. Walang permanenteng trabaho minsan pa ako pa nag babayad sa renta mo. Matalino ka ngang ituring pero wala kanamang pinag aralan.”
Ang sakit, ang sakit marinig ang mga katagang yun na mula pa sa taong mahal mo. Di ko akalain na may mas masakit pa sa mga nararanasan ko araw-araw. Akala ko tapos na, yun pala hindi pa.
“Umalis kana Den, di na kita kailangan.” Tumalikod na siya para pumasok sa loob ng bahay pero huminto siya at humarap uli sa akin. “Den? Si Franz pala, mapapangasawa ko.” Pagkawika nito’y pumasok na sila ng tuluyan sa bahay.
Ito ako’t nakatunganga lang sa wala. Naka upo lang ako sa upuan, pumwesto lang ako sa kabila kasi may naka upo na, bale nasa likod ko siya at ako nasa likod niya. Gets niyo?. Ang sakit na nga nang mga pangyayaring naganap sa buhay ko, ito na naman at dumagadag pa.
Gusto ko nang sumuko, lahat nalang nawala sa akin, mga magulang ko’t mga kapatid si Mama Demie, Daddy Leo, ate Kryzhia at kuya Rico. Ang sakit maalala lahat, gusto ko nang kalimutan lahat pero ayaw naman maalis sa puso’t isipan ko ang mga pangyayaring yun na kumitil sa mga buhay ng mga magulang ko’t mga kapatid. Sinabutahe ang kanilang sinasakyang eroplano. Hindi ako kasama nila dahil kasi nasa Camping ako, hindi na matukoy ang kanilang katawan dahil na pulbo na ito. Akala ko tapos na, pero pinagtangkaan nila akong patayin. Tumakas ako hanggang sa mapadpad ako sa kung saan saang lupalop, pati sina tita hindi ako tinulungan, dahil takot din daw sila. Wala na akong malapitan kahit kaibiga ko at nina daddy. Palagi na lang kasi may sumusunod sakin. Desiotso palang ako nun, paligoy-ligoy sa lansangan kaya mahirap mabuhay sa mundong hindi mo nakasanayan. Ang pagsali lamang sa pa contest ng pag langoy ang bumubuhay sakin. Pa extra extra sa malalaking tindahan bilang kargador, naghirap para makakain na kahit dalawang beses sa isang araw. Tatlong taon akong nag hirap hanggang sa nakikila ko si Elaiza, maganda siya kaya sa edad kong bente uno umibig ako sa kanya. Naging kami sa loob lamang ng tatlong araw kong panliligaw. Gwapo ako eh, nagtagal kami nang tatlong buwan pero sa kasamaang palad pinagpalit niya ako sa Franz na yun na kesyo mayaman mabubuhay siya ng masagana at ako’y mahirap lang na ni bulaklak hindi ko siya maibili.
Hindi naman batayan ang yaman at hirap sa nararamdaman mo para sa isang tao. Hindi sa lahat nang pagkakataon, ang mayaman ay para lang sa mayaman dahil ang isang tao kapag umiibig nang totoo walang pinipiling oras, lugar at antas ng buhay. Kailangan lang alam mo sa sarili mo ang tunay mong nararamdaman na kahit walang yaman ay kaya mo siyang panindigan at protekhan lalong lalo na ang mahalin mo siya nang tapat.
Madilim na pa la at kailangan ko nang umuwi at matulog para bukas sa paggising ko ako’y babangon at harapin ang panibagong buhay.
Maggagabi na pala kailangan ko nang umuwi.
