Den's POV
Nasa labas lang ako ng hotel kung saan ko inihatid si Riza. Sobrang dami naming nangyayari ngayon, nakakagutom.
Pagkatapos kong kumain tsaka ako umuwi. Matutulog na sana ako nang may kumatok.
"Sino yan?" tanong ko.
"Si Riza to." Riza? Paano niya nalaman kung saan ako nakatira. Pinagbuksan ko siya nang pinto tsaka pinapasok.
"Bakit ka nandito? At paano mo nalaman na nandito ako? tsaka gabi na. Pasensya kana sa tinitirhan ko."
Tumingin ako sa kanya, at nalaman kong nakakatitig pala siya sakin.
"Ikaw lang mag-isa dito?"tanong nito, adik pala to. Hindi sinasagot ang mga tanong ko, kanina pa to.
"Oo." Tipid kong sagot.
"Bakit?"
"bakit? Wala."
"Anong wala?"
"Umuwi ka na. Gabi na." sabi ko sa kanya at pinag buksan ko siya nang pinto. Ayaw ko nang may makakaalam sa pagkatao ko.
"Paano ako uuwi? gabi na. make sense. Dito ako matutulog."
"Anong dito? Ihahatid kita."pag iinsist ko.
Humiga siya sa upuang gawa sa tabla.
"Uy uy, anong ginagawa mo?"
"Eh humihiga."
"Bumangon ka nga diyan, ihahatid kita." Lokong babae to.
"nandiyan sila."
"sila? sino?"
"Yung humahabol satin kanina, Kaya dito ako matutulog."
"Aaaiissst! ang kulit."
Pumunta ako sa kwarto at kumuha nang unan tsaka kumot.
Nilapitan ko siya sa upuan. "Tayo na diyan, doon ka sa kwarto ko."
"Anong pangalan mo?"
"Den"
"Den?"
"Den" sagot ko
"Sino? I mean anong complete name mo"takang nito
"Basta! Umalis ka na nga diyan, at pumunta ka na sa kwarto at matulog."
"Iwan ko sayo." Padabog niyang sinara ang pinto nang kearto ko.
“sisirain mo ba bahay ko!?” sigaw ko sa kanya.
Nagising ako nang maaga. Actually di naman talaga ako nakatulog. Ikaw kaya may kasamang babae sa bahay mo na kayo lang dalawa. Si Elaiza nga di pa nakatulod dito.
Nagluto ako tapos naligo. Pinuntahan ko si Riza sa kwarto para gisingin.
"Riza gising na." Tsaka ko siya niyugyug.
Hindi parin siya bumangon kaya nagbihis muna ako.
"Riza bangon na."patay tulog. Tumabi ako sa kanya tsaka ko inalis yung buhok na naka takip sa mukha niya. Then I see clearly her face, her cute eyelids and nose. Ang pinkish niyang lips sarap halikan. Ngayon ko lang siya natitigan, ewan ko ba parang may kung anong kuryente ang dumaloy sa mg akaugatan ko nang dumampi ang kamay ko sa pisngi niya."Pasensya na kung hindi ko masabi kung ano talaga ang tunay kong pangalan. May mga dahilan ko, siguro sa nakaraan ko." bulong ko habang nakatitig parin sa mukha iya.
"Den! anong ginagawa mo?"gulat na tanong ni Riza. Bumangon na siya at kinapa ang kanyang sarili.
"Anong ginawa mo sakin?" pag alalang tanong niya.
