Special Chapter

145 3 0
                                    


Saan ba ang mas nakakatakot. Ang taong kaya kang patayin o ang multo na Kaya kang patayin sa takot? 


Naalala ko ang lahat na nangyari sa akin ilang buwan na rin ang nakaraan. Ang lahat na ibinaon ko nalamang sa aalaala ko. Ang lahat na nangyari sa akin tungkol sa Tatlong Maria. Alam kong totoo ang lahat ng iyon. Alam kong hindi lamang ako nanaginip dahil ang lahat ng nangyari sa akin ay talagang totoo. Ang mga naging karanasan ko sa sinumpaang paaralang iyon. Ang mga hiling at higit sa lahat ang tungkol sa kapatid ko. 


Lahat ng iyon ay totoo. 


"Joan! Joan! Buksan mo nga itong pinto mo! Nagkukulong ka na naman jang bata ka! May bisita ka sa baba!" Napatingin ako sa may pintuan ng biglang sumigaw ang Mama ko. Kakarating lang nya mula sa ibang bansa. I sighed at saka tumayo na mula sa kama para pagbuksan ang mama ko.


"Ma, sino po ba yun? Ang aga aga eh, ang sarap pa ng tulog ko." Sabi ko sa kanya ng pagbuksan ko sya sa pintuan. Tiningnan lang nya ako saglit bago magsalita.


"Aba eh hindi ko kilala, puntahan mo nalang sa baba anak at aalis na muna ako, may kailangan akong puntahan." Sabi nito at saka ako tinalikuran at nagsimulang bumaba. 


Baka si Raul. 


Maya maya ay pumanhik na rin ako sa baba. Bigla akong nakaramdam ng malamig na ihip ng hangin pero binalewala ko lamang iyon. Napapailing nalamang ako. Kung ano ano na naman ang pumapasok sa utak ko  eh.


Tapos na yun Joan. Tapos na ang kabanatang iyon, paulit ulit na sabi ko sa sarili ko habang pababa na ako ng hagdan. Alam kong nakaalis na si Mama dahil narinig ko ang kotse nya na paalis na.


Habang pababa ako ay hindi ko maiwasan kabahan sa hindi malamang dahilan. Malapit na ako makarating sa pinakahuling palapag ng hagdan ng mapansin ko ang isang taong nakatalikod sa banda ko. Mahaba ang buhok nya kaya alam ko ng hindi iyon si Raul. 


Pero sino sya? At ano ang Kailangan nya? 


I gulped at hindi nalamang pinapansin ang mga possibleng sagot sa utak ko. I breathed in and out bago ako magsalita at tinanong sya kung sino sya at kung ano ang kailangan nya. Pero hindi ito sumagot kaya mas lumapit pa ako sa kinaroroonan nya. Napayakap ako bigla sa sarili ko dahil bigla akong nakaramdam ng kakaibang takot. 


"Sino ka?" I asked again ng medyo nakalapit na ako sa kanya Pero imbes sagutin nya ako ay bigla itong tumawa na ikinabigla ko. Isang tawa na hindi ko akalaing maririnig ko pa. Isang tawa na akala ko ay naibaon ko na sa limot. Pero nagkakamali ako dahil..


"BWAHAHAHAA!  Hi Joan! I'm Back!" 


"B-bakit..? Bakit ka bumalik?!" Bigla akong napaatras ng bigla itong itong humarap sa akin at sabay noon ay ang paghawak nya sa kamay ko. Naramdaman ko ang malamig na bagay na nakahawak sa akin. At hindi ako nagkakamali. Talagang totoo sya at nagbabalik sya pero bakit?!


"Dahil sayo! Dahil sayo Joan! Nagbabalik ako para sayo! Para sa kamatayan mo! Bwahahahahahah!" 

Tresz MariasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon