Chapter 9

210 9 0
                                    

=Lory=

Ito na ang simula.

Paulit ulit nalang nag eecho sa pandinig ko ang apat na salitang iyon. At habang tumatagal ay para itong napapalakas at parang nagbibigay babala sa akin. At dahil doon mas lalo pa akong kinabahan.

"Are you alright Ms. SanMiguel?" Bigla akong napatingin kay Mr. Kleon. 

Bumuntong hininga muna ako bago ako tumango sa kanya at saka tumalikod na para bumalik sa kinauupuan kung nasaan sina Joan at Berna.

"Ano ang nakasulat sa papel, Lory?" Curious na tanong sa akin ni Joan. 

Binuksan ko na ang nakatuping papel at sabay namin itong binasa.

First Location: Black Garden. 

Parang kinalibutan ako sa nabasa ko. Ang Black Garden. Ang Garden kung saan pinagbabawal na kaming lahat pumunta dahil sa nangyari a year ago.

"Bakit pati itong Garden na ito ay dapat nating puntahan?" Biglang tanong ni Berna.

"I don't know too Berna. Kinakabahan ako." Sabi ko sa kanila.

"Me Too Lory." Sabi naman ni Joan.

"Psh. Scaredy Cats. Parang Garden lang eh, natatakot pa kayo." Bigla namang singit ni Gea na nasa likuran na pala namin at pati na rin si Tyro.

"If I know Gea, natatakot ka rin naman. You just can't admit it girl." sabi ko sa kanya at saka hindi na namin siya pinansin at ang kanyang pag irap. 

"Ok Guys. Let's start the activity ang mauunang makabalik rito at matapos ang activity nila ay syang tatanghaling panalo at bilang premyo ay exempted na ang grupo ninyo sa darating nating exams. Goodluck sa inyo!" Pagkatapos sabihin iyon ni Mr. Kleon ay kanya kanya na kaming umalis mula sa pinagpupulungan naming lahat at kanya kanya na kaming pumunta sa first location naming lahat.

"Okay. So ito na ang Black Garden." Mahina ngunit dinig kong sabi ni Berna.

Ilang minuto rin ang nilakad namin para mapunta kami sa Black Garden. Kung saan pinagbabawal ang lahat na pumunta rito maliban sa isa pang lugar na pinagbawal sa amin. Parang pinagpawisan ako habang nakatingin sa Garden. Tanging ilaw lang ng isang poste ang nagsisilbing liwanag sa amin at ang hawak hawak naming flash lights. 

"Now what are we going to do?" Sabi namin ni Joan. 

"Tsk. Wala ba tayong balak pumasok?" Maarte na sabi ni Gea.

"Can't you wait B*tch? Excited?" Sabi ko naman sa kanya. 

"Hush! Guys! Please wag muna tayo magtalo, we all know na delikado dito kaya cooperate muna. We have to find something, kaya tara na." Sabu naman ni Tyro kaya napatahimik kami.

Tresz MariasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon