Chapter 6

281 10 0
                                    

=Berna=

"We will be going to have a 6 straight days of campaign, class. And dont worry dahil it is only held here at our school. Dito rin tayo matutulog sa limang gabing iyon. At no one is exemption, lahat ay dapat sumali kung hindi ay ito ang magiging dahilan na babagsak kayo sa subject nyo sa akin." Sabi ni Mr. Kelon, sa amin. 

 Mr. Kleon Leaones is one of our terror prof. Kaya kahit ayaw man namin ay wala pa rin kaming magagawa, dahil ang lahat ng sinasabi niya ay totoo, pag sinuway namin ang mga sinabi niya, talagang mapapahamak ang mga grades namin. 

"I know, we are still mourning para sa tatlong kaklase ninyo na namatay noong mga nakaraang linggo, but still, need pa rin tayong bumangon at magpatuloy sa buhay natin. Our life must go on class." Sabi ni Mr. Kleon.

Nagpapatuloy lang sya sa pagsasalita at sa pag a-advice sa aming lahat. It's been 1 week since the day na sabay namatay sina Jess at Sasha.. 

Nabigla kaming lahat ng araw na iyon, dahil bigla nalang napahandusay sa semento si Sasha habang bumubula ang bibig nito. Walang nakakaalam kung ano ba talaga ang totoong nangyari sa pagkamatay nina Jess,Sasha at Js. Cluless pa rin kaming lahat. At pati ang mga imbestegador at mga pulis ay walang maibigay na tamang sagot sa amin.

Pati na rin ang pagkawala ni Yanyan na hanggang ngayon ay pinaghahanap pa rin sya, pero walang kahit anong bakas na mga clues kung nasaan ba talaga siya. Pinapanalangin nalang naming lahat na sana kung nasaan man sya naroroon ngayon ay ligtas siya. 

"Oh Girls, kita kita nalang ba tayo mamayang alas sais dito sa room?" Tumango naman ako sa sinabi ni Joan. 

Kailangan na muna naming umuwi dahil mamayang gabi na ang unang gabi namin sa camping, kaya kailangan naming umuwi muna para makapag ayos kami ng mga gamit namin na gagamitin namin during our camp. 

Habang nag-aayos ako ng gamit na dadalhin ko ay napado naman ang tingin sa study table ko kung saan nakalagay ang isang librong pinaiingatan sa amin ni Ms. Concha ang 'Book of Wish' na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung ano an nilalaman nito at kung ano ang purpose nito sa amin. At kung bakit niya sa amin ito binigay. 

Lahat puzzle pa rin sa akin. At wala akong maisip kung paano ito mabou o kung mabubou pa nga ba ang mga katanungan na nasa utak ko. 

Hindi ko nalang pinansin ang libro at binalik ko nalang ang tingin sa mga damit na nilalagay ko na sa backpak na dadalhin ko. 

"MA! Alis na ako!" Sigaw ko nang makalabas na ako ng bahay. 

Hula ko ay almost alas sais na ng gabi at puro kadiliman na ang napapalibot ng daan na tatahakin ko. At hindi ko alam pero sa bawat hakbang na ginagawa ko ay bigla akong kinabahan lalo na at mas lumakas pa ang hangin na dumadampi sa akin. 

Sa bawat lakad ko ay napapansin ko na parang may sumusunod sa akin. Hindi ko magawang lumingon dahil hindi ko kaya. Hindi ko kayang lumingon, dahil na rin sa kaba na nararamdaman ko. Napapansin ko na rin ang pagpatak ng mga pawis ko, at mas binilisan ko pa ang hakbang ko. Madilim lang ang nilalakad ko, at ang ilaw lamang ng mga poste ang tanging nagsisilbing liwanag sa paglalakad ko patungong paaralan. 

Tresz MariasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon