Chapter 4

348 10 0
                                    

=Joan=

Ano kaya ang nilalaman ng librong ito? At nakakamangha lang dahil may naka engrave talaga na name namin, parang pinasadya pa talaga.

"What do you think kaya ang nilalaman nitong makapal na librong ito girls?" Tanong sa amin ni Berna.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa isa sa mga bench sa labas ng room namin, tatlong araw ko na rin iniisip kung para saan ba talag ang librong ito. Tatlong araw na ang nakakalipas mula nangyari ang pagkamatay ni Js at tatlong araw na din nawawala si Yanna. 

Hindi ko alam kung ano ba talaga ang nangyari pero hindi ko kailanman maalis sa akin ang kaba ng nararamdaman ko sa tuwing hinahanap ko siya. Sa tuwing sumasagi sa isipan ko si Yanna at ang kanyang pagkawala. 

Nasaan ka na kaya Yanna? Ano nga kaya ang totoong nangyari sa kanya? Sana ay ligtas lang siya.

"Joan..?" Napalingon ako sa taong tumawag sa akin.

Si Lory.

"Hmm?" 

"Ang lalim ng iniisip mo, kanina ka pa walang kibo, si Yanna ba?" 

"Y-yeah." Tanging sagot ko nalang sa kanya at saka tiningnan ang mga litrato sa phone ko. 

Ang litrato namin ni Yanna.

Si Yanna ang pinaka close ko sa kanilang tatlo. Siya rin ang nagsisilbing parang kapatid ko na, kaya hindi ko maiwasang hindi mag alala sa kanya. Lalo na at hanggang ngayon ay wala pa rin akong balita tungkol sa nangyari sa kanya. 

"Joan Ramones."  Napaangat ako ng tingin. 

And there I saw a girl standing infront of me. Isa siya sa bagong kaklase namin, but then hindi pa kami nakakapag-usap o ano man. Sanay na rin naman ako dahil lahat kami sa classroom ay hindi talaga close sa isa't isa. 

Tiningnan ko lang siya at hinintay kung ano man ang sasabihin niya. Kung ano man ang sadya niya sa akin, nakita kong ngumiti siya at hindi ko alam na napapangiti na din ako. Para kasi siyang anghel. Ang aliwalas ng mukha niya at mukhang mabait. A Perfect Deffination of an Angel.

"Ahmm. I think this is yours." Sabi niya sa mahinhin at mababang tono ng boses. Parang nahihiya siya o ano. 

Tiningnan ko naman ang inaabot niya sa akin. Ang I.D. ko pala. Tumango ako at saka kinuha sa akin yung I.D. ko. 

Hindi ko alam na nawala pala sa akin ang I.D. ko. Ang careless ko talaga.

"Thank you ha." She just smile at me. Tatalikod na sana siya pero tinawag ko siya. Hindi ko alam kung bakit pero may kakaiba kasi sa kanya. Parang may nagsasabi sa akin na kilalanin siya.

Tresz MariasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon