Chapter 15

143 7 0
                                    

=Doloriah=


"Sangre!!" Tawag ko sa kasama naming si Sangre ng bigla itong napaupo habang sinasambit namin ang orasyon.


"Ok lang ako Doloriah! Ulitin natin ulit and this time kailangan natin bilisan."


Nagkatinginan naman kaming tatlo kay Sangre na dahan dahang tumayo habang nakahawak parin ang kamay nya kina Odioweih at Iraniah.


"Maliwanag ba?" Sabi nya sabay tingin sa amin. Tumango naman kami bilang sagot.


"Higpitan natin ang pagkahawak sa isa't isa at kahit anong mangyari wag na wag kayo bibitaw at huwag na huwag kayo titigil sa pagsambit ng orasyon natin." sabi pa nito.


Huminga muna ako ng malalim at saka ako pumikit sabay sa pagpikit nila. Hinawakan ko rin ng mahigpit ang kamay ni Iriniah at ni Odioweih.


"Umbree.. Aruewiehh.. Oresshhaa.. Tressee.. Loshaee.. Broolee!" Sabay sabay naming sambit at sinimulan na naming sambitin paulit ulit ang orasyon.


Maya maya lang ay nakaramdam ako ng malakas na hangin habang patuloy pa rin namin sinasambit ang orasyon namin at pa unti unti ay lalong lumalakas ang pagkakasambit naming ito.


"Trusheazzz.. Vaamooshhh.. Heshteee!"


Bigla akong nakaramdam ng pangininig mula sa kamay ko na hawak hawak ni Iriniah. Ididilat ko na sana ang mga mata ko ng biglang magsalita si Odioweih.


"Wag! Wag kang didilat Doloriah." Sabi lang nito at saka binalik ang pagsambit ng ikalawang orasyon namin. Hindi ko na itinuloy ang balak ko. Nakaramdam ako ng mas lalong paghigpit ng pagkakahawak ni Odioweih.


Nakaramdam ako ng unti unting pagyanig mula sa kinatatayuan namin at ang paglakas ng hangin. Parang gusto kaming pigilan sa gagawin namin. At hindi kami pwede magpatalo. Dahil hindi kami pwede mabigo sa gagawin namin.


"Ang Kwintas!" Narinig naming sambit ni Sangre kaya binitawan namin ang isa naming kamay at hinawakan namin ang kwintas na sout sout namin. And this time alam ko ng pwede na kaming dumilat kasabay ng pagtaas ng mga kwintas namin.


"Ngayon na Doloriah!" Tumango naman ako at saka humakbang palapit sa liwanag na nabu-buo mula sa kinatatayuan namin.


Itinapat ko ang Kwintas sa may Liwanag at sinambit ang aking orasyon dito.


Nakaramdam ako ng paghihila sa akin papalayo sa liwanag na 'yun. Isang malakas na enerhiya na gusto akong paalisin mula sa kinatatayuan ko.


Hindi kayo magtatagumpay! Mamatay kayo!


Narinig kong sabi ng isang boses. Gustuhin ko man lumingon pero hindi pwede dahil baka ulitin na naman namin sa simula ang ginawa namin.


"Wag ka makinig Doloriah bilis. Tapusin mo na at ako na ang susunod." Rinig kong sabi ni Iriniah at tumango naman ako.

Tresz MariasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon