Chapter 14

169 7 0
                                    

=Third Person=


5 Years Ago...


Isang napalakas na ulan ang dumayo sa boung lugar ng San Isidro. Nababalot ng kadiliman ang lugar at tanging ilaw ng mga poste lamang ang sisilbing liwanag sa boung lugar.


Wala kang makikitang mga bituin at maski buwan ay nagtatago sa mga oras na yun. Tahimik lang ang boung kapaligiran at natatanging mga tahol ng aso lamang ang maririnig mo.


Ngunit sa kabila ng isang napakalas na ulan at napakadilim na lugar ay may dalawang taong nagtatalo. Isang pagtatalo na nauwi sa hindi magandang pangyayari...


"Asan na ba tayo?! Sabi ko naman sayo eh, hindi ito yung tamang daan! Kahit kailan ka talaga Joan, wala kang ginawang tama!" Sisi ng panganay nyang kapatid habang naglalakad sila sa napakadilim na lugar ng isang gubat sa lugar nila.


"Pero alam ko ito yun. Nilagyan ko pa nga yung ribbon sa punong yun eh para hindi tayo mawala." Sagot nito. Habang itinuturo pa ang isang napakalaking puno.


Halos Pasado alas Dyes na ng Gabi pero hindi pa rin nakakauwi ang Magkapatid. Naatasan kasi sila na pumunta sa kabilang bayan at naisipan nilang dumaan sa isang masukal na gubat para makapag short cut. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay naligaw sila sa kalagitnaan ng kanilang paglalakad.


"Tanga ka talaga! Anong silbi ng Ribbon na nilagay mo kung nawala na rin naman ito ngayon? Lalo na at napakadilim ng lugar ngayon!" Sigaw nito sa kapatid nya.


Patuloy ang pagtatalo ng dalawang kapatid habang patuloy rin ang pagbuhos ng napakalas ng ulan. Halos umiiyak na ang kapatid nyang si Joan pero wala paring paki alam ang kanyang panganay na kapatid at patuloy lang ibinunton dito ang sisi sa kanya.


Awooo.. Awooo..


Maya maya ay bigla silang nakarinig ng isang tahol. Isang tahol na malapit lang sa kinatatayuan nila. Nagkatinginan ang magkapatid. Punong puno sila ng pangamba at takot sa dibdib nila.


Awwoo.. Awwooo..


Patuloy pa rin ang pagtahol ng mga lobo na ngayon ay nakapaligid sa kanilang dalawa.


"Ate—"


"Pwede ba Joan wag kang maingay! Baka magsilabasan sila!" Halos pasigaw nitong sabi sa kanyang kapatid na ngayon ay halos mangiyak ngiyak pa rin.


Pero habang kinagalitan niya ang kapatid niya ay papalapit naman na papalapit sa kanila ang mga lobong handang kainin sila. Naramdaman iyon ni Jerane ang nakakatandang kapatid ni Joan kaya naman ay napapikit sya at huminga muna ng malalim at saka naisipang hablutin ang kamay ng kapatid nya at nagsimulang tumakbo.


Kahit naman hindi sila magkasundong dalawa at laging nagtatalo ay hindi nya maatim na mapahamak ang kapatid nya. Kahit papaano ay may konsensya parin naman sya.

Tresz MariasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon