Katapusan

209 8 0
                                    

Minsan sa buhay hindi natin alam kung ano nga ba ang totoong katotohanan. Kung ito nga ba ay totoo o kung ito ay isa lamang kathang isip ng bawat tao. Pwede ring isa lamang hakahaka na paniniwalaan ng lahat. Isang haka haka na walang pawang pruweba upang sabihin na totoo ang lahat na pinagsasabi ng isang tao. . .


"Sa wakas gising na sya."


"Omy She's awake na rin!"


Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko kasabay dito ang pakiramdam na pagod at kaba. Para akong galing sa isang pagtakbo na hindi ko alam. Nararamdaman ko ang pawis ko.


"Jo-joan.." Narinig kong may tumawag sa akin. Tuluyan ko ng minulat ang mga mata ko. Wall Frame. Isang medyo may kalakihang wall frame ang nakikita ko pero medyo malabo pa sya sa paningin ko.


Pinikit-dilat ko ng ilang beses ang mga mata ko at saka ko nakita ng malinaw kung ano ang nasa Picture Frame. Iyon ang Litrato namin ng nakakatanda kong kapatid. Si Jerane.


"Joan..?" Napalingon ako sa kaliwang bahagi ko at nakita ko ang tatlong babae na nakatayo at nakatingin sa akin.


Nakita kong ngumiti sila at unti unting palapit sa akin. Nagsisimula na naman ako makaramdam ng kaba sa puso ko at parang pinagpawisan ako.


Napapailing nalang ako at saka iniisip kung ano ba ang nangyayari. Pinikit ko ang mga mata ko at biglang isa isa nagsisilabasan ang mga imahe na nangyari sa akin. Napahawak ako sa may dibdib ko.


Totoo ba ang lahat ng yun? o Nanaginip lang ako? Napadilat ako at napatingin ako sa may leeg ko. Kwintas. Isang ginintuang kwintas ang sout ko.


Napatingin ako sa kanila at parang hindi makapaniwala sa mga nakikita ko sa harapan ko. Ang tatlong babae.


"Y-yanna? Lory? Berna?" Nakita ko naman ang klaseng pagtingin nila sa akin na parang nagtataka ang mga ito kung bakit ko sila tinawag na patanong.


Pero— pero kung hindi panaganip ang lahat ng 'yun. Bakit sila nandito. Ang gulo! Ang gulo naman! Aish. Napapailing nalang ako at saka tumayo na. Napatingin ako sa litrato naming magkapatid na nasa wall frame.


Nandoon din sya sa panaginip ko. Siguro kailangan ko syang dalawin at humingi ng kapatawaran.


"Aalis muna ako." Sabi ko sa kanila. Hindi ko narinig ang mga sagot nila. Lumabas nalang ako at napatingin ako sa sout ko. Medyo nagulat ako dahil itong ito rin ang sinout ko sa panaginip ko.


Papaalis na ako ng bahay ng mahagip ko ang tingin sa lamesa namin. Libro? Isang libro na puro kulay itim ang cover nya. Parang familiar ang librong 'yun.


Hindi ko nalang inisip 'yun at saka nagpatuloy sa paglalakad. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko at parang may mali. Parang may mangyayaring mali. Sa bawat hakbang na tinatahak ko ay mas lalong lumalakas ang pagtambol ng puso ko. Bawat lakad na ginagawa ko ay mas lalo akong kinakabahan.

Tresz MariasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon