Kabanata 13

2.6K 77 1
                                    

Napaawang ang bibig ko sa narinig ko mula sa kanya.

"Sorry, hindi po ako nagpakilala nang maaga." Nag-bow pa siya sa akin. Ang awkward naman nito sa mafia ako ang boss niya pero sa trabaho siya ang boss ko.

"Ok-okay lang po Sir JD.." sabi ko. Napangiti siya sa akin. Siguro kaya ayaw din niyang matawag ng Mr. Madrigal noong una naming pagkikita.

Pinagmasdan ko siya mula sa malayo at kinuhanan siya gamit ang camera. Kitang-kita ang gulat nitong ekspresyon. Kaya naman natawa naman ako at ganoon din siya. Parehas naman kami natigilan ng marinig namin ang pagbukas ng pintuan.

"Sir.. nandiyan po si Mr. Lim." Sabi nito. Hindi nagtagal ay iniluwa ng pintuan si Aldriq kasama si Anthony.

"Good afternoon Sir.." bati ni JD.

"You already told her." Nakasimangot na sabi ni Aldriq. Tumango naman si JD at nag peace sign.

"Kailangan na rin naman niya malaman ang totoo. Ganoon din naman ang ginawa ni Senior F." Natatawang sagot nito. "Kailangan na bumalik ni Miss Madison sa table niya."

Kaya tumuloy na ako sa paglabas at tumuloy sa aking table. Hinanap ko si Miss Laura ngunit wala ito sa pwesto niya. Marahil ay nasa smoking area ito at nagpapalipas ng galit.

Tinawagan ko ang isang tauhan mula sa bahay.

"Kumusta ang lagay diyan?" Tanong ko. Tingin ko ay si Seth ang nasa linya. Ngunit nagtataka kung bakit hawak niya ang phone ni Timothy.

"Okay po boss.. naglagay po kami ng cctv camera sa bawat sulok ng bakod niyo po. Pati na rin po sa mga back door." Binigay niya yung access code at makikita ko na sa aking tablet kung ano ang nangyayari sa bahay. Nakamonitor din ang mga cellphones at mga armas ng mga nagbabantay.

"So, you are now minding other businesses Miss Madison." Narinig ko ang isang tinig mula sa likod. Binababa ko ang aking phone at hinayaan kong hindi i-cut ang linya.

"Hindi po..tinatanong ko lang kung okay ang anak ko sa bahay namin. Naninibago kasi ito sa hitsura ng bahay namin dahil bagong lipat." I lied. Ayoko lang salubungin kung ano man ang sinasabi niya.

Nagkunot lang ang noo nito at nakikita kong hindi pa din ito natitinag.

"Sige po mauuna na po ako sa inyo. May gagawin pa pala po ako." Gumawa na ako ng dahilan para iwasan siya. Dumaan ako sa kanyang table para iiwan ang copy ng binigay ko kay Sir Justin.

Nang paalis na ako ay may kung anong libro ang nalaglag. Isang libro na nalaglag ang piraso ng papel na nakaipit. Sa takot na hindi maabutan ay mabilis kong dinampot ito.

Jacob Angelo, France Amorsolo and Laura Behati best friends forever. 03.23.1981

Nang makita ko ang litrato ay nagulat ako ito ay litrato noong bata pa sila tito Jacob at daddy. Kung ganoon siya talaga ang nasa litrato na nakita ko sa opisina ni Aldriq? Pero bakit hindi ma lang iyon nababanggit sa akin ni daddy o ni Aldriq?

Nang marinig ko ang mga yabag ay mabilis kong inayos ang libro kasama noon ay ang litrato. Mabilis akong tumungo sa likod ng pintuan para hindi niya ko makita. Nang nakapasok siya ay dumiretso naman ako ng department room. Mukhang hindi rin din naman ako nakita ng iba. Phew!

Pagkauwi ko ay pina-imbestiga ko ang Laura Ang. Lahat ng impormasyon niya ay kailangan kong makuha. Habang hinihintay ko ang taxi ay sumulpot sa harapan ko ang kotse ni Sir Justin.

"Ihahatid na po kita.." sabi niya pero agad akong tumanggi.

"Hindi na Sir.." ngumiti ako sa kanya. Bumababa siya sa kanyang sasakyan at pinagbuksan ako ng pintuan.

"Ma'am hindi po kayo masusundo ni boss dahil may urgent meeting po ito." Sabi niya. Napatango na lang ako at sumakay sa kotse.

Hindi pa kami nakakalayo ay narimig namin na tumunog ang phone niya.

"Yes, boss nasundo ko na po... Sige Sir.." saka niya ako tinignan sa rear view. "Pinapasabi po ni Sir na pakihintay daw po sa para za dinner."

Hmmm... mukhang mau maglalambing ngayong gabi. Kahit alam kong may meeting din kami mamaya kasama ang mga tauhan ng Michigan at ng Black Society.

"Uh... may ipagagawa ako pero hindi mo dapat sabihin ito sa asawa ko. Ayokong mag-alala iyon at isa pa mamatay ka pag ginawa mo iyon." Sabi ko sa kanya ng marating namin ang bahay.

Sumunod ito sa pagbaba at pagpasok ng bahay. Binigay ko ang litrato at kapirasong papel na hawak ko. "Gusto kong ipaimbestigahan mo iyan. Wag kang hihingi ng tulong kay Angelo dahil tauhan din iyon ng asawa ko."

"Naiintindihan ko po.." tinigan niya ang litrato at ang papel. "Si Miss Laura? Bakit po may ginawa po ba siya? Nay nalalaman ka ba tungkol sa kanya?"

Umiling-iling ako at bahagyang ngumiti. Akalain mong magboss kami sa opisina?

"May dapat ba akong malaman kung ganoon?" Lumapit ako sa kanya na siya naman ikina-atras niya. "Sabihin mo nga.. may nalalaman ka ba tungkol sa kanya?"

"H-hindi po.. I mean konti lang po ang nalalaman ko po sa kanya. Ilang beses ko na din po siyang nakikita sa New York pa lamang ito."

"Tuloy mo." Hindi ko mabunot ang baril dahil baka biglang lumabas ang anak ko ay magulat ko ito.

"Ang to-totoo po niyan ay kabilang po siya sa Black Society bago po ito nawala at nabalitaan namatay po ito sa isang car accident. Pero duda po ang lahat sa nangyari dahil walang bangkay ang nakita sa naturang insidente."

Aksidente? May ganoon pa lang nangyari noon? At kabilang sa Black Society?

"Kaya po ay lahat ng koneksyon niya ay pinaimbestigahan. Hindi pa po kayo naipapanganak ni Sir Aldriq ay magulo na po ang tungkol sa kanya. Pati na din po ang biglaang pagpapakita nito ay hindi rin po inaasahan. Kahit po si Sir ay hindi po alam na nasa kompanya ko ang hinahanap nila." Paliwanag niya.

"Hinahanap? Kung ganoon ay hindi pa nila natutunton ang kinalalagyan nito o kahit anong impormasyon tungkol sa kanya? Isa pa, bakit parang ang dami mong alam?"

Nakita kong tumango ito at bahagyang natawa sa sinabi ko. Wala naman talaga sa hitsura niya na pagiging miyembro ng Mafia.

"Matanda lang ako sa asawa mo po ng tatlong taon. Bata pa lang ako ay nagsisilbi na pong tagaluto ang mama ko sa pamilya ng Lim. Doon na po ako lumaki at pinag-aral din po ako nila. Sila ang nahing sponsor ko sa lahat ng gastusin ko po. Ang tatay ko naman ay dati rin miyembro ng mafia. Kung hindi lamang siya isa sa napatay noong nangyari sa pagitan ng pamilya niyo o ang pagkamatay ng mommy mo ay malamang isa na din ito Senior leader ng grupo natin." Naramdaman kong lungkot ng kanyang tinig.

"Kaya nga po nangako ako noong nawala siya na kahit anong mangyari ay maglilingkod ako sa pamilya niyo ng tapat na kahit pa ikamatay ko pa."

"Oh siya tama na drama. Ibigay mo sa akin ang hinihingi ko. Kailangan ko ng konkretong impormasyon. Nakakaintindihan ba tayo?"

Ngumiti lamang ito at kasabay noon ay ang pagdating ni Aldriq at ang pagbaba ng anak ko kasama ng kanyang yaya. Binuhat si Clein ng kanyang ama at narinig ko ang masayang hagikhik na aming anak.

This family will last for a lifetime. Hindi ako makakapayag maulit ang nangyari sa amin noon.

A/N: HI GUYS THANK YOU PO SA MGA NAGCOMMENT AT BUMASA. MALAPIT NA PASUKAN KAYA ARAL MUNA KAYO. ADVANCE MERRY CHRISTMAS


Secretly Protect the BossWhere stories live. Discover now