Kabanata 15

4K 102 14
                                        


MADISON

Habang nasa desk ako ay hinalungkat ko ang aking phone. Alam kong nakamonitor ng kung sino ang phone ko. Paano ba naman piling ko may sumusunod sa sinasakyan ko kanina nang pumasok ako ng opisina.

Hindi ko na din iyon nasabi sa asawa ko dahil alam kong may gagawin ito na kung anong ka-OAyan.

Nagbeep ang aking cellphone at nalaman kong tinawagan na ni Aldriq si Justin.

"Ma'am pinapatawag kayo ni Sir Justin." Sabi ng sekretarya niya. Napatingin naman si Ma'am Laura sa amin ngunit umiwas din agad ito ng tingin.  Tumango ako at sumunod sa kanya.

Pagpasok ko ay hindi na ako sinamahan nito at ako na lamang ang nagsara ng pintuan.

"Anong nangyari?" Tanong ko kay Sir Justin.

"Mukhang nakikinita nila na nasa atin si Laura, madam." Sabi nito sa akin. Alam kong hindi maganda ang balitang ito. Para kasi kaming nagsisinungaling sa asawa ko.

"Nagtatanong na kung andito ngayon nagtatrabaho ito.. mukhang pinaiibestiga na din ata ang Prestige."

Hindi maganda ito... ngayon na mujhang may mahihita sila sa pag-iimbestiga nila. Mas mahihirapan akong kumilos kung ganoon nga.

"We need a back up plan. Teka, ano ba kasi ang meron sa kanya ah?" Tanong ko. Hindi pa din kasi nito sinasabi sa akin ang totoong pagkatao ng babaeng iyon.

"Kasi ilang taon na nakakaraan ma'am ay may aksidente nangyari sa Amerika. Nawalan ng preno ang sasakyan at namatay ang mga nakasakay doon at isa na doon ang Tita ni Sir Aldriq na si Laura Behati Ang. Lumabas sa autopsy na positive na bangkay nito ang nasunog ngunit dahil bahagi ng Black Society at kinikilala bilang isa sa mga matataas na posisyon ay pinaimbestigahan ito ng personal. Lumabas na negative na kanyang bangkay ang nakalibing. Pero wala ng Miss Laura Ang nagpakita sa pamilya nito at sa organisasyon. Ilang taon din nilang hinanap ito mula sa Asya at sa ibang kontinente pero walang bakas ng Miss Laura hanggang sa isang araw ay lumitaw siya New York kung saan ay daddy ko mismo ang naka-identify sa kanya."

Iyon pala ang nangyari noon sa kanila. Kaya naman dapat ay hindi ko dapat ito palampasin.

"Pero tinanong ko naman si Miss Laura kung kamag-anak niya ang mga Lim. Pero ang sagot niya ay 'mukha ba akong bigatin na tao?' Iyon yung sinabi niya na sa akin." sabi niya na lalo akong naguluhan. Eh kung ganoon paanong hindi siya iisa yung litrato doon sa nakita ko libro at sa hitsura nito.

"Sige bigyan mo ko ng one month para ayusin ito. Kung may kailangan man ako ay madali lamang sasabihin ko sa iyo." Sabi ko at may kinuha akong folder sa desk niya. Hindi niya iyon napansin dahil biglang nagring ulit ang kanyang cellphone. 

Records iyon ni Miss Laura na pinaiimbestiga nila. Ako gagawa ako ng sariling imbestigasyon. Tinago ko sa personal drawer ko ang folder. Hinintay ko ang oras namin hanggang ala-singko ay nasa desk ako at nag-eedit.

Nang umiwan na ay lihim kong sinundan ang kotse ni Ma'am gamit ang isang spare car sa basement. Sinundan ko ito at pumunta ito sa coffee shop. May kung ano na binili at dumiretso sa isang condominium. Manhattan Towers ito ang nakalagay sa katabing billboard.

Bahagya pa akong nagulat ng namataan ko ang kotse ni Aldriq sa hindi kalayuan. Kitang-kita ko may kasama siyang babae pero hindi ito si Miss Montesilva. Walang nabanggit ito na may appointment pa siya kaya naman ay tinawagan ko ito habang hinhintay na bumababa ng kotse si miss Laura.

"Hi hon.." bungad ko sa kanya.

"Oh, bakit may problema ba?" Mula sa malayo ay natatanaw mko kung paano lumingkis ang kamay ng babae sa asawa ko.

Secretly Protect the BossStories to obsess over. Discover now