Kinabukasan ay maaga ako nagising. Wala din bakas na may humiga sa tabi ko. Mukhang sineryoso niya ang sinabi ko kagabi. Kaya naman mabilis akong bumangon. Pero laking gulat ko na nandoon sa sahig ang asawa ko at natutulog na yakap ang unan niya. Tch! Nakakainis kasi siya... ayan napala niya.
Hinayaan ko siya at dahan-dahan akong pumunta ng shower. Naligo ako dahil piling ko ay ang init-init ng pakiramdam ko.
Mabuti na lang at weekend ngayon pahinga ko at siyempre bonding with Clein. Natapos ako sa shower ay tinungo ko ang crib. Nandoon si Clein at gising na ito at naglalaro. Nakasarado ng bakal ang bintana kaya naman okay na ganito at bukas ang crib.
"Mommy!" Hiyaw ni Clein at nagpakarga sa akin. Nakanguso ito at tila gusto humalik. Pinasok niya ang kanyang kamay at inaabot ang aking dibdib sa loob ng robe.
"Baby... sa dede ka na magmilk big boy ka na.." halos mapasinghap ako sa pagkakahawak niya roon. Tumingin ako kay Aldriq na tila tulog pa din sa sahig. Kaya naman pinatong ko si Clein sa dibdib niya. Saka ako nagbihis sa dressing room.
"Dad....."isang malakas na tili ang ginawa ni Clein. Kaya minadali ko na ang pagbibihis.
"CLEIN BAD!" Sigaw ni Aldriq. Nakita kong nakahawak sa dibdib ang asawa ko at nakasimangot sa gawi ng anak niya. Tumingin din ito sa akin at tinaasan ko ng kilay.
"He bit my nipple."
Natawa naman ako sa kanya dahil mukha siyang batang nagsusumbong. Lalo ko pang tinawanan at ayun sumimangot lalo. Badtrip! Kaya kinuha ko na si Clein at nilagay sa kama.
"Gumising ka na.. dalhin mo ang anak mo sa ibaba." sabi ko sa kanya at inayos yung kumot na ginamit niya. Ayun at tumayo lamang siya at naniningkit ang mata.
Nilagpasan ko lamang siya at lumabas sa pintuan. Andoon na ang katulong sa kusina at nagluluto ng almusal.
"Ma'am hindi pa po ako nakakaluto ng almusal." Sabi nito sa akin at tumango naman ako.
Maya-maya pa ay nariyan na ang mag-ama. Binaba niya ang anak namin sa play mat niya at inilabas ang mga laruan nito. Habang ako ay tinitignan ko ang aking cellphone para sa updates ng kilos ni Miss Laura. Kagabi ko pang iniisip na taniman ang condo unit niya ng limang cctv. Para alam ko yung bawat kilos niya.
Hindi ko pwedeng hayaan sila manggulo. Naramdaman ko ang pagyayakap na ginagawa ng asawa ko.
"Sorry na..." malambing niyang sabi sa akin pero hindi ko sa kinikibo. Hindi naman ako nagagalit sa kanya nagtatampo lang ako dahil hindi nga nila ipinaalam sa skin yung ganoong detalye. Piling ko nga ay hindi niya ko pinagkakatiwalaan.
"Hindi ko naman gustong hindi sabihin sa'yo iniisip ko na baka kung ano pa ang gawin mo." Sabi niya nang ipatong niya ang kanyang baba sa balikat ko.
"So, tingin mo hindi ako dapat pagkatiwalaan?" Tinaasan ko siya ng kilay. Pero hinalikan na lang niya ako kaya natahimik lang ako. Gusto kong kumawala peto nahigpit ang yakap niya sa akin.
"I love you ..." bulong niya sa akin.
"I love you too.."
Pumasok ako sa Prestige at medyo nauna lang ako nang kaunti sa ibang empleyado.
"Himala... late si Madam Laura.." nagbubulungan na ang ibang kasamahan ko. Tila natuwa pa ang mga ito na wala ang isa sa team leader ng department. Hinayaan ko na lamang iyon at hinarap ang aking computer.
BLAG!
Lahat kami ay napatingin sa biglaang pagbukas ng pintuan. Iniluwa iyon si Miss Laura na ngayon ay nakasimangot.
YOU ARE READING
Secretly Protect the Boss
Algemene fictieREMINDER: THIS IS ON HOLD AT THE MOMENT. I'M STILL EDITING THE FIRST PART SO PLEASE HAVE SOME PATIENCE.