Nagka-barilan kami ng ibang organization. Mukhang hindi lang kami ang naghuhunting na tao. Hindi na ako nagpasubali hinagisan ko ng kung ano at sumabog yung implant na baril. Pasalamat kami may hamba na pwedeng mataguan.
"Shit! Girl hulas ang ganda ko." reklamo niya at hinawi yung bangs niya. Umirap lamang ako sa kanya at pinindot yung code ng unit.
Nang bumukas ito ay halatang may pumunta na dito bago pa kami dumating. Ni-lock namin yung pintuan at sinuyod ang paligid. Pumunta kami sa kwarto. Muli ay hinalungkat ko ang kanya closet na kasunod lamang ng banyo. Doon ay nakita kong puno ng litrato at mga mukha namin. Ang totoo niyan ay buong Black Society at Michigan.
"Ang daming natin lalo na ngayon." Nakatingin din si Andy roon. May kung ano ang nakaagaw ng pansin sa akin ang litrato sa dulo. Isang kambal ang naroon sa litrato ang isa nakablusa ng pink at ang isa ay najka green. Pawang mga teenager ito.
Hindi kaya may kakambal siya? Pero bakit wala man lang iyon sa binigay sa akin ni Justin.
Napasinghap si Ady habang hinahalungkat niya ang isang drawer. "Girl, tila ito yung hinahanap na ebidensya dito sa dyaryo oh.."
Inabot niya sa akin ang plastic pati na ang dyaryo. Ang dyaryo ang taon na nawala si Miss Laura at namatay dahil sa car accident. Paanong nakarating ito dito?
May narinig kaming bumagsak na pintuan mula sa labas kaya ang hinala ko ito yung mga humahabol sa amin. Nilagay ko sa isang bag ang mga gamit at pinasoot ko kay Andy ang mask. May dala akong labing tatlong tear gas para sa kanila.
Dahil paikot ang setup ng condo unit ni Miss Laura mas magiging madali sa amin ang maghiwalay. Pinaputukan ko ang main switch ng mga ilaw. Mga lima ang naroon kaya naman dalawa ang papakawalan ko at ganoon din si Andy.
Kung walang choice na pwedeng dadaanan ay iisa-isahin kong papatayin sila.
KWISHH!
Saka ko pinakawalan ang tear gas. Ganoon din ang narinig kong ginawa ni Andy. Bago pa may nagpaputok ay inunahan na sila ni Andy.
Dahil doon ay nakalabas kami sa kwarto nawalan din ng ilaw ang buog condominium. Kaya naman naging alerto kami. Dinama ko ang dilim at pinakinggan ang hangin. Naramdaman ko na may kung sino ang sumusunod sa amin. Hinhintay ko na gumawa iyon ng hakbang pero parang wala naman balak sumugod.
Ilang hakbang pa ay hindi na ako nakatiis at kinuha ko ang isang ice pick. Pero ang ikinagulat ko ay naunahan niya ang kilos ko at napirmi niya ako sa wall pati ang binti ko ay hindi ko magalaw.
Shit! Di pwede ang ganito.... hindi pwede.
"I love you more sweetheart." Saka nito sinunggaban ang labi ko. "I think I caught you off guard."
Hinapit niya ako at saka siya tatlong nagpaputok sa kung saan. Tatlong ungol ang narinig ko at bumulagta na katawan.
"Hindi ka dapat kumikilos mag-isa.. Ayokong mawawalan si Clein ng mommy." Sabi niya at uling inatake ang labi ko.
"Hey! You two! Dalian niyo baka maaubutan tayo ng security. Sa mansion niyo na lang iyan ituloy." Isang pagputok ang narinig ko. "Ang pucha naman Aldriq. Kaibigan mo ko walang ubusan ng gwapo sa mundo." Reklamo ni Anthony.
Paglabas namin sa likod andoon na ang kotse ganoon din ang iba pa.
"Huwag mong gagawin ulit ito nang mag-isa kahit na sabihin mong andiyan sila para sa'yo... Hindi ko kakayanin kapag nawala ka sa akin." Sabi niya ay saka ako niyakap ng mahigpit. Kahit pa nasa harapan lang namin si Rosalie, Anthony, Andy, Justin. Hindi man lang nahiya sa mga nakakasaksi. Kinurot ko siya pero tila ako ata ang nasaktan dahil ang tigas ng katawan at ngumisi lang siya sa akin.
YOU ARE READING
Secretly Protect the Boss
General FictionREMINDER: THIS IS ON HOLD AT THE MOMENT. I'M STILL EDITING THE FIRST PART SO PLEASE HAVE SOME PATIENCE.