Kabanata 1

8.5K 143 10
                                    

After two years.

Makalipas ng dalawang taon ay isa na din akong photographer. At last ito na ang aking hinihintay. Hindi pinatagal ni daddy ang pananatili ko sa Cebu. Mabilis din inayos ang mga papeles at umuwi siya sa Pilipinas dahil ang nakakabata kong kapatid ang mismong magpapatakbo ng SG sa Korea.

"Hello my princess.. " bungad sa akin ni Dad ng matapos ako sa isang family photoshoot.

Ngumiti ako sa kanya. Gaya nga inaasahan ay nagtungo si Aldriq patungong London. Ako naman ay nag-aral at pinaghusayan ang photography. Ewan ko pero ito yung passion ko simula noong college.

"Princess ayaw mo ba talagang tanggapin ang international offer sa'yo sa France? Mas okay yun as an experience." Ngumiti lang ako sa kanya. Inayos ko ang gamit ko.

"Dad, I'm okay here celebrity photographer is not bad at all. Mas okay na ako dito para mabantayan ko din yung kalusugan niyo."

Nagkibit-balikat lang ito sa akin. Itong nangyayari para bang naulit lang noon? Tama ba?

"Boss, okay po yung kontrata ng offer sa atin ng GSA. Bukas po ang pirmahan ng kontrata." Sabi ni Andy na assistant ko. Nakilala ko siya sa Cebu nang magtrabaho ako as a freelance model. Doon niya ako in-encourage na maging usang exclusive photographer ng isang kilalang magazine.

Tumango ako at inabot niya yung copy ng kontrata. This is it. Ito yung biggest project ko sa career ko ng one year. Isang photoshoot para sa kanila network family.

"Sige princess I'm going home right now." Paalam ni Dad. Humalik ako sa kanyang pisngi at pinahatid ko ito kay Andy sa aming kotse.

Ako naman pinag-aralan ko ang kontrata. New life new career. Hindi na ako nagkaroon nhmg koneksyon sa kahit na sino na taga-Sofia. Ang balita ko nga ay si Anthony na humalili sa pagiging CEO. Balita sa akin ni Rosalie noong una kong itong nakausap mula nang bumalik ako ng Manila.

"Hey bestie..." may kung sino ang tumawag. Boses pa lang alam ko na kung sino.

"Oh anong ginagawa mo dito agent Rosalie." Ngumisi ako nang nakakaloko. Sarap nitong pinagtripan. Ngumuso siya at umupo sa harap ng table ko.

"Hmp... hindi mo ko pinapansin diyan. Porket sikat ka nang photographer." Sabay umirap ito sa akin.

Oo nga pala hindi ko man lang siya nakakausap personally nitong nakalipas ng dalawang taon. Haha! Pero updated naman ako sa kanya. Katulad ng nagkatuluyan sila ni Anthony. Hindi ko akalain na magkakatuluyan sila dahil medyo masungit si Anthony. Mana-mana lang.

"Okay fine. We'll have a date." Ngumisi ako sa kanya at tumayo para kunin yung bag ko at camera.

Kinabukasan, naging busy ako dahil sa isang appointment. Medyo na-late ako nang gising doon sa oras na parati akong nagigising.

"Ma'am nandito na po tayo." Sabi ng driver.

"This is it pancit! Ito na talaga ito ma'am." excited na sambit ni Andy. Umiling-iling ako habang bumaba ng taxi.

"Good morning Ma'am.. andiyan po ba si Mr. Madrigal?" Tanong ko doon sa receptionist.

"Sandali lang po Ma'am. May appointment po ba kayo?"

"Yes miss." Sagot ni Andy. Ilang saglit pa ay pinakyat na kami sa floor kung nasaan ang opisina nito. Bumungad sa amin ang sekretarya nito.

"Ma'am these way po." Sumunod naman kami.

"Good morning Sir. Nandito na po ang photographer si Miss Madison Aragon."

"Mi--" iko-korek ko sana siya kaso pinigilan ako ni Andy. Doon lang ako natauhan. Oo nga pala nagpalit na ako nang apelyido last year. Dapat talaga masanay na ako sa Miss Aragon.

Secretly Protect the BossWhere stories live. Discover now