Chapter 8- Housemate

324 7 8
                                    

Hi miramarvubas thanks for adding this story to your reading list "teen clash".

This chapter is for you...Thank you!!!Hope you like it!!!!

____________________________________________________________________________________________________________________

Kreeeeeecckkkk!!!

Maingat niyang binuksan ang pinto.Ramdam niya kung gaano kadilim at tahimik ang lugar na kinaroroonan niya.

Dug,dug,dug,dug.

Kinakabahan ito dahil wala man lang tao siyang nakikita.

"Tao po!Tao po!May tao po ba dito!"sigaw nito sa malakas na tinig ngunit wala man lang sagot itong narinig.

Nagpatuloy ito sa paglakad sa maluwang na sala.Naramdaman niya ang malakas na hangin kaya napahalukipkip ito sa lamig.

Psssttt.

Napalingon-lingon ito ngunit wala namang tao.

Psssttt.

Lumingon ulit ito pero wala naman siyang nakikita.Kaya nakaramdaman na siya ng takot at panginginig ng katawan.

"May tao ba diyan please huwag niyo po akong takutin!"sigaw nito na may takot na tinig.

Booogggshhhh!!!

Biglang sumara ang pinto.

My goodness.

May narinig siyang maliit na yabag.Papunta sa kinaroroonan niya kaya nagtago ito sa sulok, sa likod ng aparador.Nanginginig na ito sa takot.

Ng maramdaman niyang wala na ang yabag ay umalis siya sa kinaroroonan niya.At dahil dalawang grado ang bahay ay umakyat siya sa pangalawang palapag.Habang paakyat siya sa taas nadadaraanan niya ang mga paintings na nasa sinaunang panahon pa at dahil sa kalumaan, hindi na makita ang mukha ng mga ito.Patuloy siya sa pag-akyat ng mapansin niya ang isang babaeng nakaputi na dumaan sa ibaba,pero saglit lang iyon,naisip niya na namalikmata lang siya,nagpatuloy pa rin siya sa pag-akyat hanggang sa makarating sa pangalawang palapag ng bahay.

Sob*sob*

Rinig niyang iyak ng bata kaya hinanap niya ito.Madilim ang paligid tanging liwanag lang ng buwan ang nagbibigay ilaw sa kanya.

Nakita niya ito sa sulok.Nakaharap ito sa isang kwarto kaya nakatalikod ito sa kanya.

"Bata bakit ka umiiyak?Nasaan ang mga magulang mo?"tanong niya sa bata.

"Iniwan nila ako."sabi nito sa seryosong boses.

Kinilabit niya ito.At bigla itong lumingon sa kanya.

Roaaaarrrrrrrrrrrrrr!!!!!

"Aaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!"

Kasabay ng sigaw niya ay ang pagtunog ng doorbell .Kaya sunod-sunod na mura ang nasabi niya.

Kasi nagulat siya sa pinapanood niya.At dahil mag-isa lang siyang nanood dahil ininjan siya ni Hannah heto siya ngayon solo flight sa horror movie.Tinatry niya maging matapang pero hindi niya talaga kaya natatakot pa rin siya sabayan pa ng kulog at kidlat at ang pesteng doorbell niya!Talagang tinayming talaga nito sa nakakagulat na scene!Kaya tuloy halos mapaos siya ng sigaw sa sobrang gulat.

Grrrrr.Galit niyang hinarap kung sino man ang istorbo na ito!Pero bago niya ito patayin tiningnan niya muna kung anong oras na, it past 8o'clock in the evening.At nagmartsa na siya papuntang pinto.At sa pagbukas niya.

O_________________O

Nanlaki ang mata niya na mapagsino ang kaharap niya.May hawak itong payong dahil nga maulan at mas lalo siyang nagtaka ng may dala itong maleta.

Love Me Like You Do (Under Edited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon