Chapter 16- "Oh Ow!"

348 9 2
                                    

Umaga na ng magising ako at naramdaman kung may mabigat na bagay na nakadagan sa katawan ko.Ng minulat ko yung mga mata ko ay nasilayan ko ang gwapong mukha ng katabi ko at lihim akong napangiti ng maalala ko ang ginawa namin kagabi.Yes I am happy sa nangyari kagabi at hindi ko iyon pinagsisihan dahil ibinigay ko ang sarili ko sa taong mahal ko.

Napansin ko ang cellphone ko na umiilaw kinuha ko iyon at nakita kong nagtext si Hannah.

Hoy bruha umuwi ka na dito dahil may problema tayo, now na!

Huh nakalimutan kong may naiwan pala akong trabaho sa Maynila..tsk hindi ko man lang naalala.

Paano mo maalala kong enjoy na enjoy ka sa kasama mo.

Oo nga naman..weeew

Dahan-dahan kong kinuha ang braso niya sa bewang ko at dahan-dahan akong bumangon,ramdam ko ang hapdi at sakit sa pagkababae ko pero keri lang dahil kailangan ko ng umalis baka masermonan na pa ako ng bestie ko alam kong puro tanong na naman ang sasalubong sa akin dahil ang alam niya isang araw lang ako mawawala at hindi ko rin iniispect na magtatagal ang pagstay namin sa tagaytay.

Naligo na ako at pagkatapos ay hinanap ko yung damit ko,mabilis ang mga galaw ko dahil ayokong maabutan niya ako at hindi ko rin alam kung bakit, siguro hindi pa ako handa na harapin siya after na nangyari sa amin.

Thanks god dahil hindi ito nagising.Paalis na ako ng marealize kong wala pala akong sasakyan dahil sasakyan pala ni Zeke ang ginamit namin.No choice kaya nag-commute na lang ako.

Pagkarating na pagkarating ko sa opisina ay sinalubong agad ako ni Hannah, hinagod talaga ako nito mula ulo hanggang paa para siyang scanner na sinusuri ang bawat madadaanan nito.Hindi ko alam kung bakit, bigla nalang akong kinabahan ng kumunot ang noo nito.

Napansin niya kaya?

"Well,well,well."sabi nito na inikutan pa talaga ako.

"What?" Na medyo tense sa ginagawa niyang pagsusuri sa akin.

"Hmm...parang may nag----"

Hindi natapos ang pagsasalita nito ng dumating si Rocky.

"Bakla!" Sigaw nito at sinalubong ako ng mahigpit na yakap.

"Gosh!Anong nangyari sayo at ngayon kalang binalik ng gwapong kumidnap sayo!My goodness kung hindi lang pogi ang kumidnap sayo naku malalagot talaga siya sa akin dahil sa ginawa niya nabawasan ang kagandahan ko sa mga alaga mo!Ang sakit nila sa bangs."mahabang litanya nito sabay hawi sa bangs nito.

Parang gusto kong magpasalamat kay Rocky sa walang humpay niyang talak dahil pansamantalang natigil ang mapanuring tingin sa akin ni Hannah ng tiningnan ko siya parang nakikita ko sa mga mata niya na nagsasabing HINDI-PA-TAYO-TAPOS-LOOK.At alam kong hindi niya ako tatantanan.

"Bakla sa opisina nalang tayo mag-usap.Let's go."sabay angkla ko sa braso niya at benilatan ko si Hannah pero inumbagan lang ako ng kamao niya tsk.. amazona talaga ang babaeng iyon hindi ko alam kung paano nakakatiyaga si Ethan sa kanya.

"So bakla what's the problem it is the design?"tanong ko sa kanya.

"The design is not a problem but your model is totally suck!My god! Napakabitter ng dalawa mong model, alam mo bang nag-away sila sa harapan ko at muntik pang masira ang mga designs ko ng dahil sa kanila!Hay naku bakla bakit kasi pinayagan mong magkaroon ng relasyon ang mga tauhan mo sa sarili mong kompanya.Sumsakit ang ulo ko sa kanila at saka hindi maperfect ang pagkuha ng larawan sa kanila ni Kuya Jeff dahil nga bitter ang dalawa mong tauhan."sabi nito na nakokonsyumi.

"Ba't kasi yung bitter pa ang pinili niyo, marami naman tayong model diyan."sabi ko kay Rocky.

"Itanong mo kay Kuya Jeff siya lang naman ang may kagagawan ng lahat ng ito...playing cupid eh."sabi nito na may inis.

"Oh at bakit naman nasali ang pangalan ko diyan,may problema ba?" sabi nito na kakapsok lang."Hi babay girl."bati nito sa akin and he kiss me on the chicks.

I rolled my eyes.I don't like the baby girl thingy.

"Shut up Kuya Jeff I'm not a baby girl."

"Hahaha..you are still my babay girl."

"Whatever Kuya.And what happened to Steff and Gio?"

"So they are still bitter to each other so I decide na sila muna ang pinagtambal ko."

"At pasakitin ang ulo ko sa konsumisyon ng alaga mo!"inis na sabi ni Rocky.

"Come on you are still beautiful even you are stress."

"Whatever Kuya inuuto mo nanaman ako,pasalamat ka't pogi ka!"sabi nito.

At sabay pa kaming napatawa sa sinabi nito.

"Ok guys kakausapin ko sila,and don't worry Rocky babalik ang ganda mo."

"Oh thank you bakla your my angel."sabi nito at nag-flying kiss pa.Natawa nalang kami sa inasal nito.

Akala ko mapadali ang pag-uusap ko sa dalawang bitter na si Steff at Gio yun pala hirap na hirap akong magpigil ng pasensya,ang hirap palang magkaruon ng kaharap na parehong bitter kulang nalang magpatayo ako ng boxing ring sa kanila ,at doon sila magsuntukan,nagmukha na nga akong referee sa kanila kanina buti nalang nandoon si Kuya Jeff at Rocky kung hindi ginawa na nila akong punching bag.Ayaw kong magalit sa kanila dahil lahat ng empleyado ko ay tinuturing kong kapamilya kaya mahal ko sila ayoko namang mag-away away sila,gusto ko naman silang magkaayos dahil sayang kasi ang matagal nilang pinagsamahan.Kaya ginawa ko talaga lahat ng makakaya ko para lang magkabati sila kahit na dumating sa puntong mawawalan sila pareho ng trabaho kung hindi nila aayusin ang problema nila sa isat-isa buti nalang nadaan sa takot kaya hayun nagkaayos din, civil nga lang pero okay na iyon kaysa araw-araw mong marinig ang bangayan nila nakakarendi pa naman sa tenga.

Napahilot ako sa sentido ko ng maalala ko ang sentimento nilang dalawa.

Pauwi na ako sa bahay ng may matanaw akong sasakyan sa garahe.

Napasapo ako sa noo ko ng maalala kong hindi na pala ako nag-iisa sa bahay.Shit!saglit kong nakalimutan si Zeke ng dahik sa dalawang bitter na iyon,haharap ba ako sa kanya?Pero hindi pa ako handang kausapin siya.My god!Anong gagawin ko.

Halos isang oras yata akong nakapark sa labas ng bahay ko ng may kumatok sa bintana ko.Binuksan ko ang salamin nito at nasilayan ko ang gwapong mukha nito.

Napasinghap nalang ako ng masilayan ko ang seryoso nitong mukha.

Patay ako nito dahil iniwan ko siya sa Green House ng wala man lang paalam.

"Wala kabang balak pumasok sa bahay mo,park the car then get inside."sabi nito at tinalikuran na niya ako.

Kita sa mukha nito ang kaseryosohan.Eh kung doon nalang kaya ako matulog kay Hannah.No,hindi pwede sigurado akong usisain ako nun.Eh kung kay Rocky nalang kaya,tsk... baka magdala pa iyon ng lalake.Eh kung kay Kuya Jeff nalang kaya----

"Shynah Liza!"sigaw nito ng hindi pa rin ako sumusunod sa kanya.

Putik!

"Sabi ko nga diba ipapark ko na ang sasakyan!"sarcastic kung sigaw sa kanya.

Tiningnan lang ako nito ng masama at pumasok sa loob ng bahay.

Pag-kapark ko ng sasakyan ay dumiretso na ako sa loob baka masinghalan na naman ako. Nakita ko siyang nakatayo sa bar at talagang hinihintay talaga nito ang pagpasok ko.

Umayos ito ng tayo ng makita ako at namewang and he said---

"Explain Shynah Liza Ferrer!"

Oh Ow!


Love Me Like You Do (Under Edited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon