Chapter 31- Wake Up

309 10 1
                                    

Isang linggo na ang nagdaan pero hindi ako nagpakita sa kanya.Umaasa ako na mag-alala siya sa akin kaya pwede nitong maisipan na tumawag o di kaya magtext kaso hindi iyon nangyari.

Haaayyy,asa naman ako, parang hindi na ako nadala eh.Hindi ka nga mahal di ba paano naman iyon mag-alala sayo.

Wala akong kausap ngayon kaya kinakausap ko na lang  ang sarili ko.Walang basagan ng trip sabi nga nila.

Dito ako ngayon pagulong-gulong sa kama ko.Umalis na ako sa bahay ano pa ba ang gagawin ko doon diba,masasaktan lang ako kong nandoon pa ako magstay.

Beeeppp.

Cp ko po iyan.^__^

Hello Shy good morning don't forget to attend for my daugther's birthday,huwag kang mawawala sige ka magtatampo iyon.I'll be waiting for you okay!"-Camille

Bigla akong napabangon ng mabasa ko ang text niya.

Oo nga pala muntik ko ng makalimutan kaya nereplayan ko ito.

I'm sorry Camille muntik ko ng makalimutan, don't worry I'll be there.

At senend ko ang text ko.

Beeepppp.

At tumunog na naman iyon.

It's okay Shynah magdala ka ng kasama if you want.-Camille

Napaisip ako kung sino ang isasama ko.

Mukhang wala naman.

Okay.Then send.

Yun nalang ang nasabi ko.

Nag-ayos na ako para sa pagpuntang mall.Kailangan kong bumili ng regalo kay Ciara.Ang cute talaga ng batang iyon,nakakagigil.:)

Kailangan kong libangin ang sarili ko para makalimutan ko saglit ang problema ko.

Paikot-ikot ako sa department store ng masilayan ko ang isang malaking teddy bear na hello kitty.

Ang cute niya*___*.Tamang-tama ito kay Ciara ang alam ko kasi mahihilig ang mga bata sa hello kitty pati rin nga yung mga matatanda gusto pa rin ang hello kitty.Pink rin kasi ang favorite color ng batang iyon.Kukunin ko sana kaso hindi ko maabot.

Ang taas>___

Palinga-linga ako para sana magtawag ng crew kaso wala akong nakita.Kaya patiid-tiid kong inabot ang hello kitty.

Ba't kasi nasa taas ito nakalagay.Naman!

Nasa ganun akong ayos ng may kumuha galing sa likod ko.

"Bakit kasi ayaw mong humingi ng tulong."sabi ng isang baritonong boses lalake kaya napalingon ako bigla.Napasimangot naman ako ng makilala ko ito.

"Pagala-gala kasi sila kaya hindi ko sila makita."nakasimangot kong sagot sa kanya.

"Here."abot nito sa hello kitty.

"Salamat."

"Ano ba ang gagawin mo diyan sa hello kitty na halos kasing laki mo na."

"Sa tingin mo babe,try mong kainin ang hello kitty."

Iisa lang ang tinatawag kong babe.The one and only Justin.

He chuckle.

"Pilosopo."at kinurot ang pisngi ko.

Kahit kailan talaga ang lalaking ito pisngi ko lagi ang punterya eh-__-

"Akala ko ba isang buwan ka lang dito,at bakit nandito ka pa."

Love Me Like You Do (Under Edited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon