Chapter 37- Like Father, Like Son (THE ZLT TRICKS 1.0)

305 9 0
                                    

Naalimpungatan ako ng marinig ko ang pagdoorbell.Tiningnan ko ang relo ko.

Sino naman ang bisita niya sa ganito kaaga.

Nainis ako dahil sunod-sunod ang pagdoorbell nito.Kapag weekend kasi wala si Yola dahil off nito kaya napilitan akong bumangon para harapin ko ang istorbo kong bisita, basta ko na  lang hinila ang robe ko sa sobrang pagmamadali.

At sa pagbukas ko ng pinto, isang nakangiting Zeke ang sumalubong sa akin.

"Good morning."sambit nito na nakangiti pero saglit lang iyon dahil napatitig ito sa akin na nakakunot ang noo.

"Ganyan ka ba sumalubong ng bisita mo?Look at yourself."

Napatingin naman ako sa sarili ko.Damn!Daig ko bang ginahasa sa itsura ko.Kaasar!

"Sa tingin mo ba makapag-ayos pa ako ng sarili ko kong may taong sunod-sunod na magdoorbell sa bahay ko na daig mo pang may emergency.At isa pa ang aga mong nambulabog,tulog pa ang mga kapitbahay."

"Huh!Ang dami mong sinabi, gusto ko lang naman ipagluto ng breakfast ang anak natin, so pwede mo na ba akong papasukin."

"Anak ko si Zean."

"Anak ko rin siya Shy, anak natin kaya huwag kang madamot."At basta nalang itong pumasok sa loob ng bahay.

Madamot.Huh!

Sinara ko na lang ang pinto at sinundan ko siya sa kusina.Ang dami nga ng dala nito.

"Iwan muna kita dito mukhang kabisado mo ang kusina ko,nahiya naman ako sayo."sarcastic kong sabi.

Bumaling siya sa akin na nakangisi.

"Kusina master kasi ako sweetheart kaya I know what I am doing."and he wink at me.

Yabang!

Padabog ko siyang iniwan sa kusina.Kainis!

Naligo na ako at nagbihis.Pumunta ako sa kwarto ni Zean, mukhang kakagising lang nito kasi kinukusot pa nito ang mga mata.This is the right time para ipakilala ko sa kanya ang totoong ama nito.

"Good morning handsome."sabi ko sabay halik ko sa pisngi nito.

"Good morning mommy."sambit nito at humalik at yumakap sa akin.

"Baby."simula ko.

Bigla itong humiwalay sa akin at nakasimangot na humarap sa akin.

"Mom!Don't call me baby I 'm not a baby anymore,big boy na po ako."reklamo nito.

Napatawa ako sa sinabi nito.

"Ok hindi na kita tatawaging baby."at kinurot ko ang matambok nitong pisngi."Zean anak, diba gusto mong makilala ang daddy mo?"tumango naman ito."Your dad is here."

Nanlaki ang mga mata nito.

"Really mom my dad is here?!"

"Yes."

Nakita ko kong gaano ito kasaya, I think hindi ko ito pagsisihan na sabihin dito kong sino ang ama nito.

Nagulat ako dahil bigla itong tumayo at patakbong lumabas ng kwarto.

"Zean be careful,baka madapa ka!"habol ko sa kanya.

"Daddy!Daddy!"sigaw nito habang tumatakbo pababa ng hagdan.

Tumigil ito sa pagtakbo dahil nakita nitong lumabas si Zeke sa kusina.

"Daddy Zeke why are you here,Where's my dad?"tanong nito kay Zeke.Napatingin sa direksyon ko si Zeke.

Love Me Like You Do (Under Edited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon