Chapter 24- Rush Hour Wedding.

275 8 3
                                    

Pagkagaling ko sa bahay ni Hannah dumiretso na agad ako sa shop ko,and of course nagbihis muna ako buti nalang may natira pa akong damit sa bahay niya,madalas kasi akong matulog dito para makipagbonding sa kanya.Hindi muna ako umuwi dahil ayoko munang makita ang pagmumukha ng Zeke na iyon.

"Abah!Himala ang aga mo yata ngayon."

"Yup Kuya,may tatapusin lang kasi ako."sabi na may masiglang boses dahil ayokong mahalata nito na may problema ako.Wala kasi itong alam sa set-up namin ni Zeke na nakatira lang kami sa iisang bahay,ang alam lang nito ay fiancè ko ang lalake.

"Oo nga pala si Justin nagtext sa akin pupunta daw dito.Tinanong ko nga kung bakit hindi sa iyo nagtext sa halip sa akin nagtext,wala daw siyang number sayo,loko din ang lalaking yun eh"sabi nito at napailing-iling.

"Hahaha,ganun ba Kuya,by the way thank you Kuya at kapag dumating si Justin papasukin mo na lang sa office ko...Thanks."

At umalis na ako.

Napasandal ako sa swevil chair ko at ipinikit ko ang aking mga mata,hanggang ngayon pagod pa rin ang isip ko dahil sa nalaman ko kahapon.

Napadilat ako ng may marinig akong katok sa pinto ko.Inayos ko muna ang sarili ko baka kasi si Justin na ang dumating.

"Come in!"sigaw ko para makapasok ito.

Pero marami talagang nagagawa ang maling hinala dahil hindi ko inaasahan na makikita ko ang taong sumira ng tiwala ko.

Kumunot ang noo ko."What are you doing here in this early morning,ang alam ko end contract ka na ha?"

Yup!Matagal na siyang nag-end ng contract bilang modelo namin,kaya wala siyang dahilan pumunta ng ganito kaaga sa opisina ko.

"Hindi mo man lang ba ako pauupuin muna bago mo ako tanongin."

Grrrrr, hindi ba niya nararamdaman na ayaw ko siyang makausap!

"Okay set down."sabi ko na bored ang boses.

"So what's bring you here?"seryoso kong tanong  sa kanya na parang business lang ang trato ng pakikipagusap sa kanya.

"Your Dad called me na hindi ka daw niya makontact kaya nakiusap siyang papuntahan ako dito.Here may pinaabot siya sa iyo,nabasa ko na yan kaya basahin mo na rin."

Kinuha ko sa kanya ang envelope at tinago sa drawer.Ng tumingin ako sa kanya ay nakakunot ang noo nito.

"What?"irita kong tanong sa kanya.

"I told you na basahin mo ang laman ng envelope na iyon,hindi yung itago mo sa drawer mo!"mukhang naubos na rin ang pasensiya nito sa inaasta ko.

Eh di maubos ang pasensiya niya tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo!

"Tinatamad akong magbasa."at sinabayan ko pa talaga ng hikab.

Sumama ang tingin nito sa akin.

"You need to read that Shynah it's about the wedding!"

"Ano bang pakealam mo eh sa tinatamad akong magbasa,total nabasa mo na rin lang naman ang laman ng envelope na iyon bakit hindi mo pa sabihin sa akin ngayong alam mo naman pala,ipapabasa mo pa sa akin sa tinatamad nga ako,tapos ang aga mo pang nambulabog dito!"

Napahawak ito sa sentido niya mukhang sumakit ang ulo nito sa sinabi ko kaya lihim akong napangiti.

"You need to read that baka pagsisihan mo ang laman niyan."

Hindi ko pinansin ang sinabi niya sa halip binasa ko ang message ni Kuya Jeff.

Nadoon na daw si Justin sa lobby hindi na daw niya ito pinapasok sa office ko kasi daw nandito si Zeke.

Love Me Like You Do (Under Edited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon