Chapter 26- Bahala Na!

276 7 1
                                    

Wala akong nagawa kahit anong dikta ng isip ko natatalo pa rin ng puso ko dahil sa ipinapakita nito sa akin, ang dami kong tanong sa sarili ko simula kasing lumipat kami sa bahay niya ay iba ang ipinapakita nito sa akin mas lalo pa itong  naging sweet at maalahanin na hindi niya dapat ginagawa dahil kapag patuloy niya itong ginagawa sa akin baka hindi ko na mapigilan ang sarili kong mahulog ng tuluyan.

Alam kong mali dahil wala sa plano ko ang mahulog sa kanya parang gusto kong sabihin na tama si Hannah hindi napipigilan ang puso lalo na kung una palang alam mo na sa sarili mo na unti-unti mo na siyang minamahal at sa huli ikaw pa rin ang talo gaya ng nangyari sa akin at dahil sa hindi ko mapagilan ang puso ko, nagpatangay ako sa nadarama ko hanggang sa may mangyaring bagay na hindi ko dapat ibinigay sa kanya.

"Hmmm,good morning sweetheart."salubong nito sa pagmulat ko ang aking mga mata,ang gwapo niyang mukha agad ang nabungaran ko.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Good morning sweetheart."sagot ko naman sa kanya.

Nakita ko ang pagkislap ng mga mata nito.Shit!parang gusto kong maniwala sa mga pinapakita niya.

Ngumiti ito at hahalikan niya sana ako kaso umiwas ako.

Kasi nga hindi pa ako nakapagtoothbrush!

"Why?"takang tanong nito.

"Hindi pa kasi ako nakapagtoothbrush."sabi ko habang takip-takip ko ang bibig ko.

"Hahahaha,kahit hindi ko pa magtoothbrush ng isang buwan, hahalikan pa rin kita kasi nga asawa kita at isa pa mahal kita."

Mahina nitong sabi sa huling binanggit.

"Anong sabi mo?"

Hindi ko kasi maintindihan eh, bulong lang kasi eh!

Inipit niya ang dalawa kong pisngi ng mga palad nito sabay sabing "I want to kiss you."

At hindi nga ito nagpaawat,hinalikan niya ko akala ko halik lang pero mas lalo pa nitong pinailalim ang halik kaya ako naman si babae nagpatangay sa bugso ng init na nadarama.

At bago pa mapunta kong saan ang halikan namin ay siya namang pagdoorbell sa labas ng bahay namin.

"Zeke may tao sa labas."sabi ko habang patuloy pa rin ito sa paghalik sa leeg ko.

Pero ungol lang ang sagot nito.

"Zeke!"

"Tsk.Ang aga kasi nangiistorbo."sabi nito na nagmamaktol at padabog na tumayo sa kama.

Hahaha.tawa ko nakanguso kasi ito,parang bata lang.

Pero bago ito umalis bumalik muli ito sa direksyon ko at siniil ulit ako ng halik.

Sweet.^_____^

Pababa na ako ng hagdan ng masilayan kong may kausap itong babae.

"Hi sweetheart!"salubong nito sa akin sabay halik at akbay nito,"Yaya Lucy meet my wife Shynah."nakangiti nitong pakilala sa akin.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala ma'am mas maganda po pala kayo sa personal."sabi nito na nakangiti.

"Marami pong salamat Yaya Lucy."sabi ko na nahihiya.

"Of course Yaya she's my wife and I'm proud that she is mine."sabi nito sabay kindat sa akin.

Hindi ko alam kong totoo o pakitang tao lang ang pakikiharap niya sa akin bakit ang gulo niya akala ko ba practice lang!

"Sweetheart diyan ka muna ha,ihahatid ko muna si Yaya Lucy sa kwarto niya."

"Sige."

At umalis na ito para ihatid sa kwarto si Yaya Lucy.

Love Me Like You Do (Under Edited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon