Chapter 40- His Mother

282 8 2
                                    

Ang sarap batokan ang lalaking ito paano kasi parang bata kung hindi ko pa siya kinausap ng masinsinan hindi pa ito papayag makipagkita sa mommy niya.

After kasi namin kumain ay hinatid niya ako sa office akala ko nga aalis na ito iyon pala tatambay na naman ito sa office ko.

"Akala ko ba papayag ka ng magpakita sa mommy mo, eh bakit nandito ka pa?"

"Akala ko ba sasamahan mo ako."sabi nito na nakalumbaba.

"Wala akong sinabing ganyan ang sabi ko nandito lang ako sa tabi mo para supportahan ka, hindi iyong samahan ka sa tuwing kausap mo ang mommy mo."

"Ganun din naman iyon."

Napakamot ako sa leeg ko sa inis ko sa lalaking ito.

"Pwede ba Zeke umiiral na naman ang pagiging bata mo!"

Ngumiti lang ito sa akin.

"Galit ka na niyan."

Arrrrggggghhhh!!!Nakakabaliw ang lalaking ito.Sa sobrang inis ko binato ko siya ng stapler.

Shit!Napurahan ko yata.

Napangiwi ako ng makita kong dumugo ang ilong nito.Dagli akong napatayo at lumapit sa kanya.

"I'm sorry Zeke ang kulit mo kasi eh!"

"So kasalanan ko pa ngayon samantalang ako ang napuruhan."

"Sorry."

Mukhang nagalit yata kaya umalis ito sa harapan ko at lumapit sa ref ko at kumuha ng malamig na tubig at towel at inilagay iyon sa napuruhan nitong ilong.

Sosyal kasi ang office ko kaya may ref ayokong magutom kaya alam niyo na.

So back to Zeke lumapit ako sa kanya at kinuha ko ang towel nito.

"Ako na total kasalanan ko naman."hindi na ito umangal pa.

Tinuloy ko nalang ang ginagawa ko.Sa totoo lang naiilang ako sa titig nito habang ginagamot ko iyong ilong niya.

"Ahemm, may masakit pa ba?"tanong ko para maibsan ang tensyon na nararamdaman ko sa tuwing malapit ako sa kanya.

"Oo dito oh!"turo nito sa ilong niya.

"Talagang masakit iyan dahil diyan ka napuruhan."

"Pero mawawala ang sakit kapag-----"bitin nito.

"Kapag ano?"

"Kapag halikan mo ang ilong ko."

Napatawa ako sa sinabi niya.Tsk, para-paraan talaga ng lalaking ito.Total kasalanan ko naman pinagbigyan ko na siya.

I kiss him sa ilong.

"Oh hayan masakit pa ba?"

"Oo."

Napataas naman ang kilay ko sa sagot nito.

"Akala ko ba mawawala ang sakit kapag ikiss kita sa ilong."

"Eh may isa pang masakit eh."

"At ano naman iyon?"

"Ito oh!"sabay nguso sa harap ko.

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit?Mukha na bang ilong iyang nguso mo."

"Sweetheart naman eh,malapit kaya ang ilong sa nguso ko kaya connected iyan, kapag sumakit ang ilong sasakit din itong nguso ko."at ngumuso na naman ito sa harap ko.

Napasapo ako sa noo ko sa rason nito.

"Fine!Para tumigil kana sa kalokohan mo."

Nakita ko naman ang pagpipigil nito ng ngiti.

Love Me Like You Do (Under Edited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon