Chapter 46- Proposal

354 5 3
                                    

"Girls dahan-dahan mabato ang daanan natin."sigaw ng tour guide namin.

Papunta kasi kaming Mother Falls ngayon at kasama ko ang mga babae at may iba pa kaming kasama, kung tinatanong niyo kung kasama ko si Zeke, hindi...Hindi ko nga nakita buong araw eh at ganun din ang mga lalake at saka si Zean basta ang alam ko kasama nila ang anak ko.

"Ang sarap pala kapag ganito para tayong naghahiking!Woaaahhh!Grabe!Ang sarap sumigaw!Aaaahhhhhh!Wooooooohhhhh!"sigaw nito pero nahihimigan mo ang galit nito.

Napalingon sa amin ang mga tao sa ginawa ni Hannah samantalang nagtinginan lang kami ni Janine.Alam kong may problema ito pero ayoko siyang pangunahan dahil alam kong kaya pa nito dahil kapag hindi na nito kaya lalapit ito sa akin pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala sa kanya.Alam kong si Ethan ang problema nito parang gusto kong maawa sa kaibigan ko dahil ako ang nasasaktan sa ginagawa nito sa sarili niya.At hindi ko rin masisisi si Ethan dahil may karapatan itong magalit sa kaibigan ko.

"Girls mauna na ako bye."At tumakbo na ito palayo sa amin.

"She's not okay, I'm sure of that."

"Yeah I feel it because she is my bestfriend pero wala akong magawa."sabi ko na may lungkot na tinig.

"Hey!Don't be sad I know she can survive.She is a strong woman just like you at isa pa we're here to relax, so let's enjoy saka nalang iyong problema na iyan."sabi nito na may ngiti sa labi.

Tama si Janine nandito kami para mag-enjoy at magrelax.

At sinuklian ko ang maganda nitong ngiti.

At sumunod na kami sa iba pa naming kasamahan.Hindi nagtagal ay nakita na namin ang tinatawag nilang Mother Falls sa Baler.

"Ang ganda!"sabay pa naming saad ni Janine.Nagkatinginan kami at ngumiti.

Ang laki kasi ng agos nito at mataas ang pinanggalingan nito kaya malaki ang bagsak nito galing sa taas kaya kahit malayo kami ay abot pa rin kami ng tubig na parang umuulan sa kinaroroonan mo.

"Girls dito!"kaway sa amin ni Hannah. "Ang lamig ng tubig ang sarap maligo!Come on!"sigaw nito sa amin.

Dali-dali naman naming binaba ang gamit namin at lumusong sa tubig bahagya pa akong napaatras ng maramdaman ko ang malamig na tubig.

"Hahaha ang lamig di ba."si Hannah.

Napasimangot ako ng pagtawanan ako nito.

Puporma na sana ako ng bigla akong itulak ni Janine.

Splaaaaasssshhhhh!(ganyan ang tunog kapag bumagsak ka sa tubig,char!"^_____^

"Kyaaaahhhhhh!Ang lamig!"sigaw ko ng makarecover ako sa pagbagsk ko sa tubig.

"Hahahahahhaha."at nagtawanan ang dalawang bruha.

"Ah ganun!"sabi ko at bigla ko silang sinabuyan ng tubig para kaming mga bata doon naghahabulan sa tubig at pati na rin ang mga tao doon naki-join din sa kabaliwan namin.Ang saya ng girl bonding namin ang lakas din nag trip ng mga tao doon,ang saya lang kaya maghapon kami nagbabad sa malamig na tubig ng Mother Falls.

Kaya 4 na kami ng hapon nakauwi.Nag hiwalay na rin kami pagdating sa suit namin.Nagtaka pa ako ng merong house keeper doon sa room namin.

Hmmm,baka nagpalinis si Zeke.sabi ng isip ko.

"Good afternoon ma'am sabi po ni sir kapag dumating daw po kayo ay pumunta daw po kayo sa tabing dagat."sabi nito na nakangiti."May kinuha ito sa bulsa nito na isang maliit na kahon at inabot sa akin nagtaka naman ako sa inabot nito."Pinabibigay po ni sir ma'am saka na lang daw po ninyo buksan kapag nagkita na po kayo."Napatango naman ako sa sinabi nito kaya tinanggap ko nalang ang inabot nito sa akin.

Love Me Like You Do (Under Edited!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon