He pulled me closer and kissed my lips. I even felt his warm hands cupping my cheek and rubbing it using his thumb. Niyakap ko siya nang mas mahigpit at napapikit ako nang mariin. I would never forget this kiss, our last kiss. Dahil ito na lang ang panghahawakan ko simula ngayon: ang mga ala-ala naming dalawa. It will be my strength to keep on going, dahil alam kong pakakawalan ko si Paolo para sa ikabubuti niya.
When he pulled away, I wanted to protest but I kept my mouth shut. I looked at him and he gave me a small, tired smile. "If we ever meet again, please pretend the past five years didn't happen."
Sumikip ang dibdib ko. Gusto kong magprotesta. Gusto kong magtanong. Did he hate me that much? Hindi man lang ba deserve ng naging relasyon namin na manatili itong ala-ala? Wasn't it much of a deal for him for it to be forgotten? Gusto kong manumbat, pero hindi ko magawa. Dahil ako naman ang nagdesisyon dito. Ako naman ang bumitaw. Kaya wala akong nagawa kung hindi ang tignan siyang umalis at mawala na naman sa akin...
Pagsara ng pinto ay agad akong napa-upo sa sahig. Tinakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili ko sa paghagulgol ngunit walang silbi iyon. Tulo nang tulo ang mga luha mula sa mga mata ko.
Gusto kong habulin siya, yakapin siya at sabihing 'wag siyang umalis, na 'wag niya akong iwan... na binabawi ko na ang lahat ng sinabi ko dahil hindi ko kaya nang wala siya. Ngunit alam kong hindi ko iyon dapat gawin. Ayaw ko nang magkamali pa. Ayoko nang kunin pa siya sa mundo kung saan siya nabibilang. I didn't want to take his future away.
Agad na lumapit sa akin si Mama at niyakap niya ako nang mahigpit. She didn't utter anything, but it was her embrace that I needed most. Napapikit ako nang mariin.
Hinimas niya ang likod ko na parang ina-alo ako. I hugged her tighter. "Ma, ang sakit-sakit."
Hinalikan niya ang ulo ko, "You did well. You are strong and I am proud of you." Lalong humapdi ang mata ko at napalakas ang iyak ko. I didn't deserve it, I knew. Alam kong sinabi lang niya iyon upang pagaanin ang loob ko. There was nothing to be proud of. Ang tanging binigay ko lang sa kanila ay kahihiyan. Hindi ko man kadugo si Paolo ay lumaki kaming magpinsan. I did an unforgivable sin to my family.
Nang naging mahinahon na ako ay sinamahan ako ni mama sa kwarto ko. Ilang minuto ang nakalipas at sumunod naman si Papa nang may dalang unan at comforter. I was about to protest but the next thing I knew, I was already laying on my bed, my mom and dad on my either sides.
Nagising ako kinabukasan, pakiramdam ko ay ang bigat-bigat ng aking mga mata. Humilig ako pakaliwa at niyakap ang unan ko nang mahigpit. Sakto namang naliwanagan ang mukha ko ng sinag ng araw. Napadilat ako bigla. Then it struck me.
Shit. Tanghali na, hindi pa ako nagsasaing! Lunes ngayon at may pasok si Paolo!
Napabalikwas ako paupo mula sa pagkakahiga ko... Ngunit bigla akong napahinto nang mapagtanto ko kung nasaan ako. My soft sheets, my apricot-colored room, my walk-in closet, my study table. The reality has dawned to me.
Malayong-malayo ang kwarto ko sa itsura apartment room namin. Pilit kong inaalala sa isipan ko ang bawat sulok ng kwartong 'yon... bawat alaala namin doon. Inihilamos ko ang palad ko sa mukha ko. I got back all the comforts I had. Ito ang ipinagpalit ko sa mahirap naming buhay magkasama. Pero bakit ang sakit? Bakit parang hindi ko kayang maging masaya?
Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sarili ko. I let him go because in that way, he could be better. Tama, Aya, 'pag tapos ng ilang taon at makita mong maayos na ang buhay niya, you'd be fine because you'd know you did the right thing. Para ito sa ikabubuti ninyong dalawa... Lahat yata ng pangkumbinsi ay nasabi ko na sa sarili ko.
I was just staring blankly on my sheets for a couple of minutes, or maybe hours... I didn't know, when the door suddenly creaked open. It was Mama.
BINABASA MO ANG
He Was My Cousin
General Fiction[He's My Cousin Book 2] They say time heals all the wounds. But what comes after healed wounds? A chance for a new beginning? Finally a happy ever after? Or just another broken heart?