Chapter 10
Friends"SAKIT NG ULO KO!" Nagising ako nang may sumigaw mula sa kabilang tent. It was Ashton.
Kinuha ko ang cellphone ko sa tabi ko. It's past ten in the morning. Ang mga kasama ko ay tulog pa. Especially Vienne. She's sleeping soundly beside me. Paano ba naman, lasing na lasing siya kaninang madaling araw.
Pupungas-pungas akong lumabas ng tent. Kaunti lang naman ang nainom ko kaya imbis na sumakit ang ulo ko ay napasarap lang ang tulog ko.
"Good morning!" tumambad sa akin si Morgan na naka-upo sa foldable chair. He was drinking coffee with Sage. I can't believe the alcohol tolerance of this two! Kagabi ay sobrang dami nilang nainom and now they're up already? Anong akala nila sa alak, tubig?
"Morning..." inaantok kong bati.
"Have your breakfast," matigas na sabi ni Sage. He really have that accent. It's so nice to hear. "Then Morgan can show you around the place," dugtong niya.
"I don't usually eat breakfast," sabi ko. No'ng nasa States ako ay medyo hassle para sa akin ang mag-breakfast pa. At kahit na nakabalik na ako at nand'yan na si Mama para mag-prepare ng breakfast ko ay hindi pa rin ako kumakain kadalasan. Nakasanayan na.
Nag-ring ang cellphone ko. It was Jiro. "Excuse me..." sabi ko at tumalikod lang.
"Hello, Ji?" I said, smiling to myself.
"Kumusta? Mukhang nag-enjoy ka, hindi mo na ako na-text kagabi," aniya. Medyo nagpapaawa pa iyong boses niya.
I laughed. "Arte mo," I said. "Medyo nagkatuwaan lang dito. We had a camp-out," kwento ko.
"Was it nice? Should we go hiking on our planned trip then camping?" suhestiyon niya.
"Hiking is kinda dangerous, hindi tayo sanay unlike Leigh's boyfriend," sabi ko. We kept talking for some minutes. Tinanong ko rin kasi siya tungkol sa trabaho. Kinumusta ko rin sina Tito at Tita pati na sina Leigh at Gyanne. That's how it should be. Hindi pwedeng puro ako lang ang pinag-uusapan.
"Sige, I need to go to Taguig today..." he said after a while. "Text me, okay?"
"'Yong sa Fidel Incorporated?" tanong ko, isa sa mga kliyenteng nabanggit niya. He talked a bit about that. May ginagawa raw kasi silang business establishment doon.
"Okay. Ingat ka, ha," paalala ko.
"Yes, Ma'am!" he said. I could almost imagine his grinning lips. I miss him. I really do. "I love you, Aya," malambing niyang sabi. I almost melted right on the spot.
"I love you, too," sagot ko.
"Ouch!" sabi ni Morgan nang harapin ko silang muli. Sapo-sapo niya pa iyong dibdib niya.
Sage let out a hearty laugh. Napatingin ako sa kaniya. Pwede parinig ulit? It was so... so sexy. Si Morgan lang pala ang kailangan para mapangiti ito... much more, mapatawa pa.
"Should I show you around the place now?" tanong ni Morgan.
Tinignan ko 'yung mga pinsan ko. They're still asleep inside the tents. I'll just get bored kung hihintayin ko pa sila magising. Isa pa, malamang ay wala namang matino kausap d'yan dahil sa hangover. Si Daniel naman ay hindi uminom, pero tulog pa rin?
"Sure! Ligo lang muna ako?" I said.
"Nagpapaalam ka ba o nagpapasama?" Tinaasan ako ni Morgan ng kilay.
Napangiwi ako.
"Bro, 'di ka niya type... Sinasabi ko na sa'yo." Tinapik ni Sage 'yong balikat ni Morgan.
BINABASA MO ANG
He Was My Cousin
General Fiction[He's My Cousin Book 2] They say time heals all the wounds. But what comes after healed wounds? A chance for a new beginning? Finally a happy ever after? Or just another broken heart?