Chapter 7

1.8K 38 1
                                    

Hi! Happy 2016! Sorry late update, nawili kasi ako sa POV ni Paolo *wink wink* at natabunan 'to sa drafts. Ayun, malapit na siyang magbalik talaga mehehe pero sa ngayon, ito muna :)

Chapter 7
Good night.

I saw Jiro enter the construction site early in the morning. He didn't see me though. For now, I paced back and forth in my office thinking if I should text him again, call him or go to him.

I know I should go to him. Iyon naman kasi ang plano ko dahil nga makikipag-ayos ako. Alam ko namang ako 'yong nagkamali. But one thing that bugged me was: did he want to see me? I texted him earlier, tinanong ko kung nasaan siya, he said he was in his office. Wala siya sa office! He's here and yet he didn't tell, that means he didn't want to see me, right?

Pero anong mangyayari kung hindi ko siya pupuntahan ngayon? Things will only get worse. Kaya naman agad akong pumunta sa comfort room at sinuklay ang buhok ko. Nag-commute kasi ako kanina. I sprayed perfume too. Ayaw ko namang mangamoy polusyon ako sa harap ni Jiro.

I marched to the construction site. Natanaw ko siya sa may second floor dahil hindi pa naman buo ang wall doon. Nakatalikod siya at may safety helmet sa kanyang ulo. Kahit iyon lang ang natatanaw ko ay alam kong siya iyon.

Pagpasok ko ay may kung anong sinasabi 'yong mga gumagawa roon. Malamang bumabati lang ang mga 'yon, hindi ko na pinansin. Besides, I was too nervous. Ewan ko. My hands were sweaty. Mabilis din ang kabog sa aking dibdib. It was probably because it's the first time I'm doing this to Jiro. For the almost five months that we have been together, I was never the one to swallow my pride and do the first step. Laging siya.

Nang makita ko siya, agad akong lumapit sa kanyang pwesto. He was talking to a certain guy that I didn't know. Hindi naman kasi ako masyadong nakikialam dahil nand'yan naman si Jiro upang asikasuhin ang lahat.

Nang umexit na 'yong lalaking kausap niya ay inayos niya ang kanyang salamin at humarap siya sa wooden table sa gilid niya. Ipinatong niya roon ang isang piraso ng papel. He was playing with the measuring tape while he was reading the piece of paper he laid flat on the table.

"Jiro..." I said.

Agad naman siyang tumingin sa direksyon ko. Namilog ang mga mata niya. "Anong ginagawa mo rito?" he said. Galit siya. Galit siya sa akin. Ayaw niya akong makita.

He rushed towards me. "Baliw ka ba?"

He's really mad. "Sorry... Sige, aalis na ako," sabi ko at tumalikod na ako dahil alam ko namang ayaw niya akong makita.

Pero bago pa man ako maka-alis sa harap niya ay hinigit niya ang kamay ko. Hinawi niya ang buhok ko sa aking balikat kaya nakaladlad ito sa aking likod.

Kumunot ang noo ko nang hubarin niya ang safety helmet niya. "'Di ka dapat pumunta rito, delikado..." sabi niya habang inilalagay sa akin 'yong safety helmet na kanina ay suot niya.

He rested his arms on my shoulders. Tapos hinapit niya ako papalapit sa kaniya. The next thing I knew, we were going down the stairs. Still on that position - naka-akbay pa rin siya. That's when I realized it. He was protecting me.

Nang makababa na kami ay gano'n pa rin siya. Pero bago kami makalabas ng site ay nagsalita siya, "Kung ito talaga nalaglagan kahit isang piraso lang ng kahoy, lagot kayo sa'kin!" And in that moment, I almost, almost wanted to tiptoe and kiss him on the cheek.

"Thank you..." I said when we reached my office. He comfortably sat on the sofa.

"Don't do that again," he said. Do what? Iyong kay Lance? O 'yung pagpunta ko sa construction site. "Delikado." Ah, 'yung pagpunta ko.

He Was My CousinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon