I read comments! And yes, I know there are unanswered questionsss, I'm leaving most of them to Paolo. Tingin ko mas okay kung sa perspective niya 'yon maipapaliwanag.
Chapter 28
Litong-lito"Aya, you sit here."
Uupo na sana ako sa upuan sa tabi ni Japoy sa may kanan ng kabisera nang mapatingin ako kay Tita Carissa. Hawak-hawak niya ang sandalan ng upuan na katabi ni Paolo. Nandoon din si Vienne. By the looks of it, it seemed like Vienne was about to grab the chair, too. Iyon naman dapat, hindi ba? That's the reason I chose this seat, anyway.
Dahil alam ko kung saan ako lulugar.
"Uh... Tita, I think mas okay kung tabi kami ni Pao," said Vienne. Tinapunan ko ng tingin si Paolo. Abala na siya sa paglalagay ng kanin sa kanyang plato.
Tita Carissa cocked her head to Vienne's direction. "This is my house, hija. I get to decide." Bumaling siya sa akin, "Aya, move here."
Silence.
I gave Japoy a quick nudge in the shoulder, seeking for rescue. Pero ang mabait kong pinsan ay parang walang naramdaman. He just got the rice platter from Paolo and put rice on his plate, too. Of course, he knews his mom well. Her words were law. Pero kahit papaano ay lumalambot ito 'pag kay Japoy. Bunso, e. But this kid didn't even try to help me!
Nakayuko akong pumunta sa kabilang side ng lamesa. Nang madaanan ko ang likod ni Paolo ay napapikit ako nang mariin. Kung alam ko lang na nandito siya ay sana ay pinagtaguan ko na lang 'tong si Tita Carissa. Biyernes ngayon. Hindi ko alam na kahit hindi weekend ay nandito siya... and he was with Vienne. No'ng makita ko nga ang sasakyan niya sa labas kanina ay aatras na sana ako kaso nakita na ako ni Japoy. Too late.
"Tita..." apila ni Vienne. Tita Carissa looked at her sharply. Wala na siyang nagawa kung hindi ang lumipat sa tabi ni Japoy. Nakita ko pa ang mabilis niyang pag-ismid sa akin.
Tita Carissa put a generous amount of menudo and rice on my plate. Nilagyan niya rin ito ng shrimp tempura at battered chicken.
Bumuntong-hininga ako at tahimik na umupo sa tabi ni Paolo. Vienne's probably still mad at me for spoiling her surprise for him. At isa pa, 'yung tungkol sa posibilidad na buntis siya. Napalunok ako. It's been almost a week. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanila noong umalis ako sa ABF Cafe noong gabing 'yon. But finding Vienne here meant something. I get it.
They've gotten back together.
Gusto kong matawa. After all those things he said... magbabalikan lang din pala sila. Vienne's right after all. Hindi siya kayang tiisin ni Paolo.
Tanggap ko. Tanggap ko naman.
"Aya, don't you like my menudo?" tanong ni Tita Carissa. Napatingin ako bigla sa plato kong punong-puno at wala pang bawas. Nakita ko ring mabilis na pinasadahan iyon ng tingin ni Paolo. I was so drown with my thoughts I forgot we were having dinner!
"Ah, Tita, ano..." I trailed off. I heard Paolo sighed. Inusog niya ang kanyang plato at kinuha iyong akin. Napako lang ako sa pwesto ko nang sinumulan niyang piliin ang mga atay sa menudo at nilipat iyon sa plato niya.
"Anong binili mo?" I said as I was peeking from his side. Abala siya sa pagsasalin ng binili niyang ulam.
"Igado." Hinarap niya ako at hinawi ang takas na buhok ko. "Gutom ka na? Were you waiting for me?" nakangisi niyang tanong.
"I was waiting for the food," I teased. Hinawi ko siya at kinalkal iyong ulam gamit ang tinidor. "What's this?"
"Pork," he said. Pinagpatuloy ko ang pagsipat doon. This... "I think that's pork tenderloin with liver..." he elaborated.
BINABASA MO ANG
He Was My Cousin
General Fiction[He's My Cousin Book 2] They say time heals all the wounds. But what comes after healed wounds? A chance for a new beginning? Finally a happy ever after? Or just another broken heart?