Chapter 07: Taste of Revenge

629 15 1
                                    

CHAPTER 07

TASTE OF REVENGE

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“TANGA KA BA O SADYANG MANHID KA LANG BESTFRIEND?!?!?HARAP-HARAPAN KA NANG GIN*$@#& NG WALANYANG YUN PERO ANO?!?!?! BA’T HANGGANG NGAYON HINDI MO PA RIN MAHIWALAYAN ANG H&^*% NA YUN!!!” nanggagalaiting sigaw sa akin ni Yrai.

Nandito kami ngayon sa kwarto ko. Nagulat nga ito nang tumakbo ako ditong humahagulgol kanina sa may canteen. Kaya nga napagdesisyunan na lang naming h’wag nang pumasok pa ng susunod na class at iniuwi na lang niya ako dito sa mansion.

Laking pasasalamat ko lang talaga at wala dito si Kuya o baka mas lalo lang lumala ang lahat. At oo, tama ang sinabi ni Yrai. Kahit na harap-harapan na akong pinagmumukhang tanga ni Khazter, hindi ko pa rin siya magawang hiwalayan. Dahil sa mismong pag-iisip ko pa lang ng bagay na iyon, hindi na mapigil sa pagpatak ang mga luha ko.

“Tanaga nga siguro talaga ako bestfriend pero anong magagawa ko?!?!? Mahal na mahal ko si Khazter na kahit na alam kong pinagmumukha niya lang akong tanga, na isang laruan at parausan lang ang tingin niya sa akin, hindi ko pa rin magawang magalit ni magdamdam sa kanya. Mahal na mahal ko siya bestfriend…mahal na mahal na ngayon…hindi ko na alam pa ang dapat kong gawin……..hirap na hirap na ako bestfriend…”at muling pumatak ang mga luha ko. Mqasuyong umupo naman ito sa tabi ko.

“Yun na nga eh, nahihirapan ka na nga eh ba’t hindi mo pa siya hiwalayan????Para lang matapos na….”

“Ayoko bestfriend….ayokong mawalay man lang sa kanya….kahit araw-araw niya akong saktan, titiisin ko, makasama lang siya…ganun ko siya kamahal bestfriend. Tanga na kung tanga pero wala na akong pakielam. Sadyang mahal ko lang siya….”at humahagulgol na yumakap ako dito. Ibinalik naman nito ang yakap ko.

“alam mo parang nagsisisi na ako na ipinilit pa kita sa walangyang yun.Ssssh…tahan na bestfriend…..Tahan na…”tinatapik nito ang likod ko. Naramdaman ko an lang na parang umikot ang tiyan ko at naduduwal ako.

Agad akong humiwalay ng yakap dito na ikinagulat ni bestfriend pero hindi ko na siya inintindi at nagtuloy-tuloy sa pagpasok sa CR ng kwwarto ko at dumuwal. Narinig ko na lang ang sunod-sunod na pagkatok ni Yrai.

“BESSSSTTTTT!!!AYOS KA LANG!!!ANO BANG NANGYARI?!?!?!”

Hinuhugasan ko ang bibig ko habang walang tigil pa din sa pag-agos ang mga luha ko. Umiling ako. Hindi pwede…..hindi pwede ito….Please h’wag ngayon…h’wag sa ganitong pagkakataon….

Agad akong lumabas ng CR at hindi na pinansin pa si bestfriend. Dali-dali kong kinuha ang kalendaryong nasa may ibabaw ng study table ko. Mulingb umagos ang mhga luha sa pisngi ko. Nag-aalalang nilapitan lang ako ni bestfriend.

“Best, don’t tell me-----“

“H-hindi best…h-hindi pwe-pwede…h’wag ngayon….please h’wag ngayon….”at mahigpit akong yumakap dito. Pinaupo lang ako nito sa kama.

“Best, you have to calm down. Tayo pa lang namang 2 ang nakakalam ng bagay na ito di ba??? Wait for me there. I have something to buy. Dyan ka lang at kumalama ka….Hetong tubig, uminom ka muna.” Iniabot nito yung baso na may lamang tubig at agad na tumakbo palabas ng bahay.

Maya-maya lang ay agad na din itong nakabalik na hingal na hingal. “Best, it’s now or never.” At iniabot nito ang binili sa akin. Agad naman akong tumalima at pumasok ng CR.

Maya-maya pa ay lumabas na din agad ako na halos bagsakan ako ng langit at lupa. Nag-aalalang nilapitan naman ako ni bestfriend.

“Best, anong re-resulta???”

THE MISSING ELEMENT SERIES 01: Because I Am A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon