Chapter 08: Because I Am A Girl

624 16 0
                                    

CHAPTER 08

BECAUSE I AM A GIRL

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

“WOOOOOHHHH!!!HINA NIYO NAMAN MGA REPA EHHH!!!TAGAY PAAAA!!!!” sabay taas ko ng baso kong may lamang beer.

Nandito ako ngayon sa may bar kasama ni Kuya, ng banda, ni Kuya Trevor at Ate Rogue, Yrai at Zach. Tinext ko kasi sila na puntahan ako dito at samahan ako na ilabas ang sama ng loob ko. At heto nga, salamat na din sa pagtatanggol sa akin ni Kuya Marcus, hinayaan na din ako sa wakas ng mga Kuya ko na uminom ng alak.

“Bestfriend, tama na yan…lasing ka na…”---- Yrai

“Oo nga naman bunso, tama na yan…lasing ka na eh, masama na yan para sayo!!!” suway naman ni Ate Rogue

“Ate, bestfriend, please naman ohhh, kahit this time lang hayaan niyo na akong ilabas ang lahat ng ito…Pag hindi kasi…mababaliw na talaga ako…mababaliw na ako….ang sakit-sakit eh….ang sakit…sakit…pero alam niyo kung ano yung mas masakit??? Yung kahit na dapat ngayon isinusumpa at itinatakwil ko na siya, hindi ko magawa…hindi ko magawa kasi mahal na mahal ko siya….sobrang mahal na mahal ko siya….” At humagulgol ako dito sa may counter habang tuloy-tuloy kong nilagok ang iniinom kong beer.

“Shinby…” tanging nasambit na lang ng 2. Nakita kong umiling na lang ang mga Kuya ko at tila sinasabing ‘hayaan-niyo-na-siya’. Napangiti na lang ako sa buong suporta na ibinibigay nila para sa akin.

Mqasuyo namang ginulo ni Kuya Marcus ang buhok ko, “Tama yan bunso, ilabas mo lang!!!! Mas amganda na yan kaysa maglabas ka pa ng toxic bomb dito.”

Natawa naman daw ang lahat maliban sa akin na napangiti lang.

“Oyyyy!!!Napangiti ko siya!!!” natutuwang pang-aasar nito

“Para ka kasing g@$^ dude!!!! Sinong hindi matatawa sayo?!??!!” sabay bato ni Kuya Trevor ng chicharon sa gawi ni Kuya Marcus. Nagsunuran na din yung iba. Hayyyzzztttt….dapat emo ako dito ngayon di ba??? Pero natatawa ako sa ginagawa nila….

Kaya ayun, nakisama na lang din ako. Nang makita naman nilang tumatawa na ako, mas lalo lang nilang binato si Kuya ng pulutan. Kaya ayun, kawawang Kuya Marcus, napagtulungan ng wala sa oras -____-

“tsk, pigilan niyo ko mga repa o may ililibing tayo dito ngayon din ng buhay..”biglang angis ni Kuya Trevor. Napatingin naman daw kami sa tinitignan nito.

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang mga mata namin ni Khazter. Naka-angkla sa may braso nito si Natalie na mataray na naka-smirk sa amin samantalang nhananatiling blangko lang ang ekspresyon ni Khazter.

Pinagtulungan na nila Zach,Yrai,  Kuya Trevor, Ate Rogue at ng iba pang kasapi ng banda sina Kuya at si Kuya Marcus na pigilin na sugurin si Khazter. Nananatili lang akong nakatingin dito hanggang sa igiya na ito ni Natalie papunta sa isa sa mga couches dito sa may bar.

“Walangya!!!Pigilan niyo ko’t mapapapatay ko ang g@#$%^ iyon!!!!” nagpupumilit na pagkalas ni Kuya Marcus sa pagkakahawak nila Zach at Yrai.

“Kuya, tama na, he’s not worthfit. Don’t stoop down to their level.” Cold pero kalmadong sabi ko dito na ikinagulat ng lahat. Muli kong itinuon ang atensyon ko sa kinauupuan niya. “For now, will you all please let me be a fool for the last time??? Just for this time???”

Tumango naman silang lahat. Napangiti na lang ako at nagsimulang umakyat ng stage. Biglang lumakas ang hiyawan ng mga tao. Wala kasi kaming sechedule na gig ngayon pero dahil nga yung kabanda naman naming si Xander ang may-ari nitong bar, we can do whatever we want to.

THE MISSING ELEMENT SERIES 01: Because I Am A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon