Chapter 10: A New Chapter Begins

695 16 0
                                    

CHAPTER 10

A NEW CHAPTER BEGINS

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

THIRD PERSON’S POV

Isang linggo na ang nakalilipas nang bisitahin ni Khazter si Yuan. Hindi din alam ng binata kung bakit siya nais na makausap pa nito sa kabila ng lahat ng mga nangyari sa pagitan nila at sa sakit na dinulot niya sa magkapatid. Gayunpaman, ay nagpaunlak ang binata dahil na din sa pag-asang makikita niya ang dalagang pinakamamahal.

Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo niya nang walang makitang Shinby sa kwarto nito. Tanging si Yuan lamang ang inabutan niya habang malambing na sinusubuan ng pagkain ng ngayon ay fiance’ na nitong si Rogue.

‘Mabuti pa sila…’ may panghihinayang na saad sa isip ni Khazter ngunit umiling na lamang siya para mawala pa ang panghihinayang at pangungulilang nadarama sa lahat ng mga nangyari.

“Oh Troy, nandiyan ka na pala…”bati ni Yuan nang sa wakas ay mapansin nito ang binata. Oras na para sabihin niya dito ang buong katotohanan. Tama na ang pagdurusang dinanas nito dulot ng mganangyari sa kanilang lahat.

Nais na din ni Yuan na malaman na nito ang buong katotohanan para makawala na din siya sa kalungkutan na dulot ng nakalipas lalo na at ngayon ay handa na siyang magsimula ng bagong buhay kasama ang babaing pinakamamahal. Masuyong tinignan at nginitian niya ang fiance’ na si Rogue.

“Mallowsko, mag-uusap lang muna kami ni Khazter. Alam mo na ito, ito yung sinabi ko sayo nung isang araw.”

“Ahhh, okay po!!!Labas na muna po ako mallowsko!!! Kuha na din kita ng drinks mo!!!! Geh po!!!” aalis na sana ito ng higitin niya ito at sandaling halikan sa labi. Namumulang humiwalay naman ito,”MALLOWSKOOOO!!!ANG NAUGHTY NAUGHTY MOOO!!! >///<”

“Mamimiss kita Mallowsko!!!! Sandali lang ito, balik ka agad huh??” sabay pagpapacute niya dito. Ginantihan naman siya nito ng halik sa pisngi na ikinalawak ng ngiti niya, “Yan tayo ehhh!!!”

“Opo na po mallowsko, geh na…pinaghihinatay pa natin si Troy oh. I love you po mallowsko!!!!”

“I love you more mallowsko!!!Geh na, baka di pa kita paalisin diyan!!!” at nakangiting lumabas naman ito.

Ginantihan naman ng tango ni Troy ang ngiting ibinigay sa kanya ni Rogue pagkalabas nito. Sa totoo lang ay pinipigilan niyang mamasa ang mga mata sa nakitang sweetness sa pagitan nila Yuan at Rogue dahil sa mga alaala nila ni Shinby.

Biglang sumeryoso si Yuan, “Troy, halika.Maupo ka rito.”

Tumalima naman ang binata. Malalim muna siyang napabuntong-hininga, “Y-yuan, gusto ko sanang humingi ng tawad sa lahat ng mga nangyari. Pasensya na kung nabulag ako sa kagustuhan kong makapaghiganti para sa pagkamatay ng ate ko. Tama si Shinby eh, pagdurusa lang ang tanging naidulot nito sa akin.”

“Talaga nga bang mahal mo ang kapatid ko Troy? Noong nalaman ko kasi ang tunay mong pagkatao, naalala kitang bigla. Ikaw yung nerd na sunod ng sunod sa kapatid ko kahit saan man siya magpunta. Dapat nga pagbabawalan kita noon pero nakita ko namang wala kang intensyong masama sa kanya.”

Mapait na napangiti si Troy saka tumango, “Oo, ako nga iyon. Noon pa man, lagi ko nang sinusundan kahit saan si Shinby. Mula noon pa man, mahal na mahal ko na siya. At totoo ang lahat ng ipinakita at ipinaramdam ko sa kanya.'Niligawan ko talaga siya dahil mahal ko siya. Saka ko lang naman naisip na saktan siya noong nalaman ko nga na---“

“Na kapatid ko siya???” malungkot na tumango si Troy, “Naniniwala ako sayo. Pero hindi mo kasi alam kung gaano nasaktan ang kapatid ko. Siguro nga kailangan niyo munang paghilumin muna ang mga sugat ng kahapon bago niyo malaman kung kayo talaga ang para sa isa’t isa. Pero bago iyon…” may iniabot itong nakatuping papael kay Troy na tila pinaglumaan na ng panahon.

THE MISSING ELEMENT SERIES 01: Because I Am A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon