Chapter 09: Beautiful Goodbye

658 16 0
                                    

CHAPTER 09

BEAUTIFUL GOODBYE

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

 

 [A/N: Please play the vid ---- >]

 

 

 

“Parang awa niyo na po, iligtas niyo ang kuya ko….gawin niyo ang lahat mailigtas lang ang kuya ko!!!!!Handa po akong magbayad kahit magkano, iligtas niyo lang po ang kuya ko…parang awa niyo na po!!!!” nagwawala habang humahagulgol na sabi ko sa doktor. Kasalukuyan kami ngayong nasa ER ng ospital kung saan isinugod si Kuya.

“Gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin. Sa ngayon po ang tanging magagawa na lang natin ay ang magdasal. Mauuna na po ako.” Sabay pasok nito sa loob ng emergency room.

Humahagulgol na napasadlak na lang ako sa malamig na sahig ng ospital.Kuya ko.....ang nag-iisang kuya ko….Kuya….

Naramdaman ko na lang na mahigpit akong niyakap ni Ate Rogue na humahagulgol na din. Gumantin naman ako ng yakap dito, “Shhh…tahan na bunso….tahan na…..makakaya yan ni Yuan…kaya yan ng Kuya mo...Hindi ka niya magagawang iwan, hindi niya tayo magagawang iwanan…”

At doon mas lalong lumakas ang paghagulgol ko. Natigil na lang kami ni Ate Rogue nang marinig ang malakas na bulyaw ni Kuya Marcus. Agad kaming napalingon dito.

“P*&^(%$#@ mong t%^$*&#!? Kaa!!!!ANG KAPAL DIN NAMAN NG PAGMUMUKHA MO PARA PUMUNTA PA DITOOOO!!!IKAW ANG MAY KASALANAN NG LAHAT NG ITO!!!! SA ORAS NA MAY MANGYARING MASAMA KAY PARENG YUAN, MAGDASAL-DASAL KA NA AT TALAGANG ILILIBING KITA NG BUHAY!!!!”

Hinaharangan ang paningin ko ng likod ni KUya Marcus kaya hindi ko maaninag kung sino ang binubulyawan nito pero batay na rin sa mga sinabi nito, mukhang kilala ko na kung sino man iyon.

“H-hindi-h-hi-hindi k-ko ginusto ang mga nangyari!!!! A-alam k-kong dapat ako ang ma-masasagasaan pero tinulak niya ko…Isa pa, alam kong magulo pa ang lahat at wala na akong balak pang makipag-away. Pumunta lang ako dito para makausap sana si Shinby.”

Hindi ko maintindihan pero biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi nito. Kailangan niya akong kausapin??? Para saan pa??? At bakit pa???

“AT PARA SAAN PA!?!?! JHINDI MO BA NAKIKITA KUNG GAANO MO NASAKTANG H*&^% KA SI SHINBY SA MGA PINAGGAGAGAWA MO???AT ANO PARA LANG MAKAPAGHIGANTI???EH P)(*&^%$@ MO PALA!!!!WALA KANG ALAM KAYA WAG KANG MAGMAGALING!!!!” patuloy na bulyaw ni Kuya Marcus. Hawak na ito sa balikat nila Kuya Trevor at Xander habang hinaharangan naman ni Zach si Khazter.

“Kung makapagsalita ka parang may alam ka….” Cold naman na tugon ni Khazter.

THE MISSING ELEMENT SERIES 01: Because I Am A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon