Chapter 04: Risk for a Kiss

815 16 0
                                    

CHAPTER 04

RISK FOR A KISS

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[3 MONTHS AFTER]

Tatlong buwan na din ang nakalilipas mula nang nagsimula si Khazter na ligawan ako at tatlong buwan na din mula nang wala na akong marinig na mga tsismis na tungkol sa mga nauugnay na babae dito. So it means seryoso nga siya???Sa totoo lang, pinipigilan ko ang sarili kong maniwala. Oo na, duwag ako at iniiwasan ko lang ang masaktan muli.

Nandito kami ngayon ni Yrai sa loob ng isang sikat na coffee shop. Free Wi-Fi kasi dito at ka-chat niya yung pinakamamahal niyang asawa….yung totoo?? Hindi ba sila nagsasawa sa isa’t isa?? Magkasama na nga araw-araw, gabi-gabi, magkatext na, magkachat pa??? Di sige na, sila na may lovelife, ako na bitter =____=

Paano pa ako hindi magiging bitter eh ang MAHAL NG KAPE DITOOOO TT^TT!!!! Walandyek!!!! Sana kasi sa bahay na lang kami tumambay at nagtimpla na lang ako ng kape na 3-in-1!!!! Wala pang 10 piso yata ang magagastos ko eh dito, GINTO yata ang kape nila eh,eeehhhh >___<!!!

[A/N: Bitter po ako, haha XDD!!!Pumapak po kasi ng kape hahah XDD!!!]

Ako na ang mayamang kuripot =___=. Paki ba nila??? Eh yung iba nga halos batakin lahat ng 206 na buto nila para lang kumita tas yung iba sasaynagin lang sa ganito kamahal na kape??? Although, mukha namang worthfit ang ibinayad nila at masarap talag pero…..hindi eh, di ko pa rin ma-gets talaga ang point.

Maya-maya napansin kong mataman na pala akong tinitignan ni Yrai. Awtomatikong napahawak naman daw tuloy ako sa mukha ko. “Uy bestfriend makatingin wagas lang??? May dumi ba ako sa mukha???”

Umiling lang ito at ngumiti, “Wala best. Masaya lang ako na bumalik ka na sa dati. Masaya lang ako na nakikita ko na ulit yung dating masayahin at makulit na bestfriend ko. Siyempre, yung kikay na din, haha XDD!!!!” she sighed, “Akala ko kasi hinding-hindi na ulit kita makakasama ng ganito.”

I smiled at her, “Akala ko nga din eh pero alam mo nagpapasalamat ako sa’yo best at hindi mo sinukuan. Sorry na din sa times na talagang matigas ang ulo ko huh???”

“Psh, natural na yun sa’yo!!!!!” saka kami nagtawanan. “Pero alam mo best, ang pinakahindi ko mapaniwalaang nangyari sa buhay mo ay nung niligawan ka ng pinakasikat na Casanova at babaero sa campus!!! Akalain mong ikaw lang pala ang hinihintay niyang katapat para magbago siya???”

Natigilan ako. Sa tatlong buwan na nakalipas, pinatunayan naman sa akin ni Khazter na talagang nagbago na nga siya pero sapat na nga bang patunay iyon para bigyan siya ng pagkakataong mahalin ako??? Malalim akong napabuntong-hininga na mukhang napansin yata ni bestfriend.

“Best???” nag-aalalang tanong nito.

“Best, tell me what you honestly think huh??? Do you think he’s really worth it?? Do you think he’s really worth taking that risk again???” tanong ko dito.

Saglit itong napatigil para mag-isip. Maya-maya ay ngumiti ito, “I don’t think he’s worth it.” Mapapaawang na sana ang bibig ko nang nagpatuloy ito, “But I think anyone could really say if a person is really worth taking that risk.” Hinawakan nito ang kamay ko, “Shinby, parte na ng pagmamahal ang masaktan. Hindi na maiaalis pa yun pero here’s an advice. Kung masasaktan ka lang din naman, piliin mo na yung tao na kailanman hindi mo pagsisisihan na nasaktan ka.”

Bigla akong natigilan sa sinabi nito. Taong kailanman hindi ko pagsisihan na nasaktan ako???

“Ibinabalik ko ngayon ang tanong mo sa akin. Tanong na ikaw lang ang maaring makasagot. Kung masasaktan ka man dahil sa kanya, hindi mo ba pagsisihan na siya ang pinili mong mahalin???” seryosong tanong nito.

THE MISSING ELEMENT SERIES 01: Because I Am A GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon