5 : Royal Kings of Hell

178 16 10
                                    

AMBER'S POV

Kauuwi lang namin dito sa mansion nila Rix. Wala siyang imik simula pa kanina pag-alis namin sa school. Siya na ang nagmaneho ng sasakyan kanina.
"Magpahinga ka na."-sabi ni Rix at pumasok na siya sa kwarto niya.

Wala akong choice kundi ang pumasok na rin sa kwarto ko kahit gusto ko siyang makausap. Ganyan si Rix pag galing sa isang away. Tahimik lang hanggang sa siya na mismo ang kakausap sayo. Ang ginawa niya kanina dun sa babae ay wala pa sa katiting na kaya niyang gawin. Natatakot ako kanina baka mapatay niya. Ayaw na ayaw niya ang may kinakawawa.

Kinuha ko ang phone ko. May nag-text. Si Xian.?? Paano ako nagkaroon ng number niya? Binuksan ko ang message niya.
--Fr: Xian Handsome
How are you? Nakauwi ka na ba?---
Napa-ngiti naman ako sa text ni bakla. Oo bakla tawag ko sa kanya kasi parang hindi siya lalaki. Daldal niya minsan e. Replyan ko nga.

Siya siguro nag-save ng number niya. Tss Handsome???

---To: Xian Handsome
Ayos lang ako. Kauuwi lang namin. Thanks sa concern. :)))

---

SENT!

Nahiga ako sa kama at matutulog na lang ako.

GABBY'S POV

Hi sa inyo! I'm Gabby Del Valle. Isang half-pinoy and hal-korean. Tatay ko ang pilipino at nanay ko ang korean. HRM ang course ko. Second year college na. Mahilig ako sa car racing. Nandito kami ngayon sa RK house. Pinatawag kami ni Hunter. Nabalitaan din namin ang nangyari kanina kanila Rix. Mukang magkakaroon na ng Queen of JLU. Totoong Queen na tatapat sa tapang at galing ni Hunter sa pakikipaglaban.
"May laban tayo mamayang gabi. 8pm. Same venue."-sabi ni Hunter habang nilalaro niya ang dagger sa bibig niya. Hindi siya nasusugatan. Hobby niya yan pag atat na siyang pumatay. Oo, pumapatay si Hunter pero sa mga taong may utang sa kanya.
"Sino ang malas na gang?"-tanong ni Kurt. Isa pa yan, takaw sa dugo. Gusto niya naliligo sa sariling dugo ang kalaban.
"Venum Hell.."-ngiting demonyo ni Hunter. Napa-ngisi naman ako sa sinabi niya. Ang gang na sinubakang patayin ang kapatid ni Hunter 3 years ago. Ngayon ay bumabalik na sila.
"I can't wait to shed their body with their own blood."-naka-ngiting saad ni Kurt.
"Umuwi na muna tayo. Magkita na lang tayo before 8pm sa venue."-sabi ni Hunter at lumabas na.
Tumayo na kami at umalis na rin.

Be ready, Venum Hell.

HANNAH'S POV

Umuwi ako kaagad pagkatapos ng klase namin dahil nabalitaan ko ang nangyari kay Amber. Damn it! Siguradong hindi nakapag-pigil si Rix. Buti na lang at buhay pa ang babae na yun.
"Good afternoon Young Mistress."-bati sa akin ni butler. Di ko na siya pinansin at dumeretso na ako sa taas.
tok tok tok
"Am, open the door."-ugali niya talagang mag-lock ito. Mukang tulog ata baka pinagpahinga na muna siya ni Rix.
"She's sleeping.."-Rix. Naka-shorts at white v-neck shirt. Ganyan ang suot niya pag nandito lang sa bahay.
"What happened?"-tanong ko. Hindi niya ako sinagot kundi pumunta siya sa living room dito sa second floor. Bawat floor dito sa mansion nila ay may living room. Apat na palapag ang bahay nila. Naupo siya sa single sofa. Binuksan niya ang laptop niya.
"Pinalo nila sa ulo si Amber. Ipinagtanggol ko siya. Dumating ang boyfriend."-sabi ni Rix habang nagta-type. Naupo ako sa sofa na nasa tapat niya.
"Anong ginawa mo?"-tanong ko. Tumingin siya sa akin at sumandal sa sofa.
"Sinabihan ko lang siya. Pinagbantaan pa nga ako ng boyfriend. Tss"-sabi niya. Binalik niya ang atensyon niya sa laptop.
"Sinabihan? Alam kong iba ang ibig sabihin ng 'sinabihan' para sayo."-sabi ko.
Diniin ko pa ang salitang sinabihan. Kilala ko siya. Kung hindi injured ang sinabihan niya ay comatose ito. Alin sa dalawa ang ginawa niya?
"Tinapakan ko lang ang paa niya, kaya wag ka ng mag-alala diyan."-sabi niya.
See? Injured panigurado.
"Paano pag nakarating iyan kay Lolo mo. Alam mo naman kaya pumayag yun na umuwi ka dito basta ba tahimik kang mag-aaral dito db?"-sabi ko. Tumango lang ito.
"May gang fight mamayang 8pm. Royal Kings of Hell Vs. Venum Hell Gang."-sabi ni Rix habang nakatingin sa laptop. Linapitan ko siya at tinignan ang screen ng laptop. Nasabi ko dba na may access kami sa g-world dahil mga lolo namin ang nagpapatakbo? Kami ang nasa likod ng website ng G-world.
"Don't tell me gusto mong pumunta dyan?"-kakaiba na kasi ang ngiti niya e.
"Bakit? Masama ba?"-tanong niya.
"Oo masama dahil iyan ang pinaka-bawal natin gawin. Imposible naman na hindi ka sinabihan ni Chairman Lee about dyan. Back off Rix. Bawal ay bawal."-sabi ko. Tinignan niya ako at ngumiti siya. Yang ngiti na yan!!! Alam kong hindi ko siya mapipigilan.
"Samahan mo na lang ako."-sabi niya. WTH!!!
"Ayoko.."-sabi ko.
"Pupunta tayo o pupunta tayo? You choose."-naka-ngiti niyang tanong. Seryoso? May pagpipilian ba ako sa choices? Bumuntong-hininga na lang ako at tumango.
"But Amber should stay at home. May sugat siya."-sabi ko. Tumango lang si Rix.

The Empress' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon