24 : 'SAYO'

144 14 3
                                    

A/N:

HAPPY NEW YEAR , HEARTIIIEESSSSSS!!!!!

Medyo busy ako kaya ngayon lang nag-UD hahaha

Maraming salamat sa lahat ng nag-personal message sa akin at bumati! Nakakatuwa lang dahil hindi ko inaasahan na may 'fans' kuno ako hahaha but seriously, I'm very happy guys!!! Hindi niyo alam kung paano niyo napasaya ang new year ko dahil inaabangan niyo ang next UD nito...

AT eto na po... enjoy reading!!!!

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

HUNTER'S POV

Kararating namin ni Lee dito sa bahay ni Tristan. Si Athena ay dinala sa ospital para magamot ang sugat na natamo niya. Sila Lance at iba pa namin kasama ay parating na rin siguro mamaya. Kanina pa walang imik itong si Lee pagka-alis namin sa lugar na iyon. Gusto ko siyang tanungin kung paano niya kilala si Paulo. Kung bakit ganun na lang ang takot nila sa kanya. Alam ko malakas siya, isang tagapagmana ng napakalakas na organization pero pakiramdam ko may iba pang dahilan. Tinitignan ko siya habang paakyat kami ng hagdan. Naka-cross arm siya habang walang emotion ang mukha na nakatuon sa harap lang. Ito ang nakakainis sa ugali niya, wala siyang pakialam.

Paano ba ako nahulog sa tulad niya?

"Magpapahinga na ako."-sabi niya nang patungo na siya sa kwarto niya.

Nakatingin lang ako sa kanya habang binubuksan niya ang pintuan. Buntong hininga na lang ako at naglakad patungo sa kwarto ko. Bukas ko na lang siguro siya tatanungin sa mga bagay na nagpapagulo sa isip ko.

Siya ang tinitibok ng puso ko kaya wala akong magagawa kundi ang makasanayan ang ugali niya. Kakaiba siya sa mga babaeng nagustuhan ko. Sa pagiging kakaiba niya ay nabihag niya ang puso ko. Puso na minsan nang nadurog ngunit nabuo muli dahil sa kanya.

"Hunter..."

Mabilis akong napalingon sa direksyon niya nang marinig ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Dahan dahan siyang naglakad patungo sa akin habang naka-cross arm. Bahagya siyang ngumiti sa akin na madalang niyang ginagawa. Nakatingin lang siya sa mga mata ko na mas nagpabilis ng tibok ng puso ko.

"Bakit?"-tanong ko. Nilingon ko ang kinaroroonan ng kwarto ko. Dalawang kwarto pa bago yun. Binaling ko ang tingin ko sa kanya ng maramdaman kong nasa harapan ko na siya.

"May ipapakausap sana ako."-malumanay niyang sabi.

"Kahit ano, basta para sayo"-nakangiting sabi ko habang nakatingin ako sa mga mata niya.

Nag-iwas siya ng tingin pero saglit pa ay tumingin siya muli sa akin. "Pwede bang wag mo munang alamin ang lahat? Pwede bang makuntento ka muna sa kung ano ako ngayon sayo?"-seryosong pakiusap niya. Isinuot niya ang kamay niya sa likod ng bulsa ng pantalon niya. Bahagya siyang yumuko at pinapadyak ang isang paa niya sa sahig. Nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya iyon.

"Ayos lang."-sagot ko.

Nag-angat siya ng ulo at nagtama ang paningin namin. Hinawi ko ang buhok niya sa gilid ng mukha niya at ikinawit iyon sa tenga niya. Hindi siya pala-ayos pero maganda pa rin. "Pero sana balang araw, maipakilala mo na sa akin kung sino talaga ang babaeng minamahal ko."-dagdag ko. Ngumiti ako sa kanya at ginulo ang buhok niya. Tinapik niya ang kamay ko. "Magpahinga ka na. Gisingin na lang kita pag hapunan na."-saad ko.

Tumango naman siya. "Thank you."-mahinang sabi niya habang nakatingin sa akin.

Mabilis ko siyang niyakap. Alam ko pagod kaming pareho ngayon, pero gusto ko itong gawin bago ako magpahinga. "Nakakailang yakap ka na."-singhal niya pagkahiwalay namin ng yakap. Nakangisi siya sabay iwas ng tingin.

The Empress' HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon